18/04/2026
ANG MGA PAGBASA PARA SA IKATLONG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 14. 22-33
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol
Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, โMga kababayan, at mga naninirahan sa Jerusalem: pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mulaโt mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan. Subalit siyaโy muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya, gaya ng sinabi ni David:
โNakita ko na laging nasa tabi ko ang Panginoon,
Siyaโy kasama ko kayaโt hindi ako matitigatig.
Dahil dito, nagalak ang puso ko at umawit sa tuwa ang aking dila,
at ang katawan koโy nahihimlay na may pag-asa.
Sapagkat ang kaluluwa koโy di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay,
at hindi mo itutulot na mabulok ang iyong Banal.
Itinuro mo sa akin ang mga landasing patungo sa buhay,
dahil sa ikaw ang kasama ko, akoโy mapupuspos ng kagalakan.โ
โMga kapatid, masasabi ko sa inyo nang tiyakan na ang patriyarkang si David ay namatay at inilibing; naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. Siyaโy propeta at nalalaman niya ang pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa sa kanyang mga inapo. Ang muling pagkabuhay ng Mesiyas ang nakitaโt hinulaan ni David nang kanyang sabihin:
โHindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay;
At hindi itinulot na mabulok ang kanyang katawan.โ
Itong si Hesus ay muling binuhay ng Diyos, at saksi kaming lahat sa bagay na ito. Nang itaas siya sa kanan ng Diyos, tinanggap niya sa kanyang Ama ang ipinangakong Espiritu Santo at itoโy kanyang ipinagkaloob sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig ngayon.โ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11
Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.
O Diyos, akoโy ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa โyo dumudulog;
โIkaโy aking Panginoon,โ ang wika ko sa aking Diyos,
โKabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.โ
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
akoโy iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.
Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.
Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa akiโy umaakay.
Nababatid ko na siyaโy kasama ko oras-oras.
Sa piling nโya kailanmaโy hindi ako matitinag.
Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.
Kayaโt akoโy nagdiriwang, ang diwa koโy nagagalak,
ang lagi kong nadaramaโy hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.
Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling moโy madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong moโy nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.
IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 1, 17-21
Pagbasa mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pedro
Mga pinakamamahal ko:
Walang itinatangi ang Diyos. Pinahahalagahan niya ang bawat isa ayon sa mga ginawa nito. At yamang tinatawag ninyo siyang Ama, igalang ninyo siya habang kayoโy nabubuhay. Alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyoโy di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanyaโy muling bumuhay at nagparangal, anupat ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Lucas 24, 32
Aleluya! Aleluya!
P**ng Hesus, aming hiling
Kasulataโy liwanagin
kami ngayoโy pag-alabin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 24, 13-35
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siyaโy nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, โAno ba ang pinag-uusapan ninyo?โ At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngalaโy Cleopas, โKayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.โ โAnong mga bagay?โ tanong niya. At sumagot sila, โTungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabiโy nakakita raw sila ng isang pangitain โ mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.โ
Sinabi sa kanila ni Hesus, โKay hahangal ninyo! Anoโt hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi baโt ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?โ At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.
Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siyaโy pinakapigil-pigil nila, โTumuloy na po kayo rito sa amin,โ anila, โsapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.โ Kayaโt sumama nga siya sa kanila. Nang siyaโy kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit itoโy biglang nawala. At nawika nila, โKaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayoโy kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!โ
Noon diโy tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, โMuli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!โ At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.