26/07/2026
TINGNAN | Ang pagbabasbas at pagsusugo sa ating Parish Catechetical Ministry ngayong World Day for Grandparents and the Elderly at Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon dito sa ating parokya.
Iginawad ng ating katuwang na lingkod-pari ang pagbabasbas kasabay ng hamon sa ating mga katekista na ipahayag at ituro nang tapat ang dalisay na aral ng Santa Iglesia sa mga mag-aaral na nasasakupan ng ating parokya. Nawa’y patuloy silang gabayan ng Espiritu Santo sa kanilang mahalagang misyon ng paghubog sa pananampalataya ng susunod na henerasyon ng mga Kristiyano.
Buong puso nating pinasasalamatan ang lahat ng mga kasapi ng ating Parish Catechetical Ministry sa kanilang mapagkawangis na paglilingkod, panahon, at pagmamahal sa pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko. Ang kanilang tahimik ngunit napakahalagang misyon ay tunay na biyaya sa ating Simbahan.
Para sa mga nagnanais na makiisa at suportahan ang misyong ito—sa pamamagitan ng panalangin, oras, o anumang tulong—maaari po kayong makipag-ugnayan sa Parish Office. Sama-sama nating itaguyod ang paghubog ng pananampalataya ng ating mga kabataan para sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos.