Kabataan ni Apo Kulas SNT-Gapan

Kabataan ni Apo Kulas SNT-Gapan This is the official page of St. Nicholas of Tolentine Parish Youth Ministry

Buong puso at may kagalakang pagbati sa sampung (10) katangi-tanging kabataan mula sa ating komunidad na matagumpay na n...
28/05/2026

Buong puso at may kagalakang pagbati sa sampung (10) katangi-tanging kabataan mula sa ating komunidad na matagumpay na nakapagtapos sa ABKD ng Pananampalataya para sa Kabataan ng Bikarya ng Divina Pastora!

Ang inyong pagtatapos ay patunay ng inyong pagsisikap, dedikasyon, at nagniningas na pagmamahal sa Diyos at sa Simbahan. Kaisa ninyo ang buong parokya sa pagpapasalamat sa biyayang ito.

Nawa'y ang mga aral at pagpapahalagang inyong natutunan sa ABKD ng Pananampalataya ay maging gabay ninyo upang maging mga totoong "Saksi ni Kristo" sa inyong kapwa kabataan. Ipagpatuloy ninyo ang pagiging liwanag at asin ng ating pamayanan!

Muli ang aming pagbati sa inyo mga kapatid!


We proudly recognize one of  our dedicated youth leader who recently graduated with her Bachelor’s degree. The Kabataan ...
23/05/2026

We proudly recognize one of our dedicated youth leader who recently graduated with her Bachelor’s degree. The Kabataan of Apo Kulas are very proud of you for continuing your studies while serving the church. Continue to soar high and keep the flame alive. May Apo Kulas always guide you on your next journey. God bless and Congratulatios Cabataan!

Happy Birthday, Kuya Carlo and Ate Alliana! πŸŽ‰We’re so grateful for your heart that always serves and inspires! May God b...
06/05/2026

Happy Birthday, Kuya Carlo and Ate Alliana! πŸŽ‰

We’re so grateful for your heart that always serves and inspires! May God bless you even more with strength, wisdom, and joy as you continue to walk in His purpose. Keep shining for Him, Ate! ✨
With love,
Kabataan ni Apo Kulas

Happy Birthday, Kuya Barr! πŸŽ‰We’re so grateful for your heart that always serves and inspires! May God bless you even mor...
03/05/2026

Happy Birthday, Kuya Barr! πŸŽ‰

We’re so grateful for your heart that always serves and inspires! May God bless you even more with strength, wisdom, and joy as you continue to walk in His purpose. Keep shining for Him, Ate! ✨

With love,
Kabataan ni Apo Kulas

A well-deserved milestone for a leader who serves with excellence! π‘ͺπ’π’π’ˆπ’“π’‚π’•π’–π’π’‚π’•π’Šπ’π’π’” to our very own Parish Coordinator, B...
29/04/2026

A well-deserved milestone for a leader who serves with excellence!

π‘ͺπ’π’π’ˆπ’“π’‚π’•π’–π’π’‚π’•π’Šπ’π’π’” to our very own Parish Coordinator, Bro. John Mike Crisostomo Mendoza, for graduating π‘ͺπ’–π’Ž 𝑳𝒂𝒖𝒅𝒆 with a Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino and recipient of πƒπˆπ•πˆππ€ ππ€π’π“πŽπ‘π€ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 π…πŽπ‘ 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 π’π„π‘π•πˆπ‚π„ Your dedication to both your studies and our community is truly inspiring.

We are proud of you, Bro. Sir Mike!

28/04/2026

APO KULAS DANCERS

Disclaimer: No Copyright Infringement intended. The music used in this media belongs to its rightful owner.

MASDAN | Mga kuhang larawan mula sa Pagdiriwang ng Ika-62 Taon ng Koronasyon Kanonikal ng La Virgen Divina Pastora!Mulin...
28/04/2026

MASDAN | Mga kuhang larawan mula sa Pagdiriwang ng Ika-62 Taon ng Koronasyon Kanonikal ng La Virgen Divina Pastora!

Muling nagbigay-sigla at kulay sa pagdiriwang ang mga kabataang mananayaw ni Apo Kulas, na buong pusong nag-alay ng kanilang talento bilang pagpupugay at debosyon sa Mahal na Birhen

ANG MGA MANANAYAW NG PAROKYA NI APO KULAS
28/04/2026

ANG MGA MANANAYAW NG PAROKYA NI APO KULAS

Isang Panimula sa Mas Malalim na Paglalakbay sa Pananampalataya! β›ͺ✨Matagumpay na idinaos ang unang bahagi ng ABKD ng Pan...
23/04/2026

Isang Panimula sa Mas Malalim na Paglalakbay sa Pananampalataya! β›ͺ✨

Matagumpay na idinaos ang unang bahagi ng ABKD ng Pananampalataya para sa mga kabataan ng Bikarya ng Divina Pastora na ginanap sa Minor Basilica and National Shrine of La Virgen Divina Pastora.

Ito ang hudyat ng ating paglalakbay dahil ito ay ang unang dalawa sa walong (8) sesyon na nakalaan upang mas mapalalim ang ating pag-unawa sa mga aral ng Simbahang Katoliko. πŸ“–πŸ“–

Narito ang mga naging tampok sa ating pagbubukas:
πŸ”Ή 1st Session: Fundamentals of Prayer and Spirituality – Binigyang-linaw ni Reb. Padre Marlon Beredo, O.Carm ang kahalagahan ng ating ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
πŸ”Ή 2nd Session: Faith and Revelation – Tinalakay naman ni Reb. Padre Eric Yabut kung paano nagpapakilala ang Diyos sa atin at ang ating tugon ng pananampalataya.

Salamat sa lahat ng kabataang dumalo at nakiisa! Handa na ba kayo para sa susunod na anim na sesyon? Kitakits sa susunod nating pagtitipon! 😊


πŸ˜‡

MASDAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Youth Eucharistic Conference noong nakaraang linggo, ika-12 ng Abril 2026...
19/04/2026

MASDAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Youth Eucharistic Conference noong nakaraang linggo, ika-12 ng Abril 2026. Isang makabuluhang pagtitipon kung saan nagtipon ang mga kabataan mula sa iba’t ibang ministries upang makiisa sa isang araw ng pananalangin, pagninilay, at pagpapalalim ng pananampalataya.

Sa pamamagitan ng mga gawain, pagbabahaginan, at pagdiriwang ng Banal na Misa, muling pinaalab ang puso ng bawat kabataan sa kanilang pagmamahal kay Kristo, lalo na sa Kanyang presensya sa Banal na Eukaristiya. Naging daan din ito upang higit pang pagtibayin ang pagkakaisa ng bawat isa bilang isang pamayanang naglilingkod at nananampalataya.

Isang araw na puno ng biyaya, inspirasyon, at mas malalim na pakikipagtagpo sa Panginoon baon ang panibagong sigla sa pagpapatuloy ng misyon bilang kabataang Kristiyano.

Address

San Nicolas
Gapan
3105

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+63444860221

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ni Apo Kulas SNT-Gapan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share