Knights of St. Helena, Gapan City

Knights of St. Helena, Gapan City The Knights of St. Helena is in service of St. Helena Parish and it's community

Patuloy ang Knights of St. Helena, sa pamumuno ni Presidente Marcelino Deligiado, sa kanilang pagtulong sa lingguhang Da...
12/07/2025

Patuloy ang Knights of St. Helena, sa pamumuno ni Presidente Marcelino Deligiado, sa kanilang pagtulong sa lingguhang Dalaw-Patron ng Parokya ng Sta. Elena. Sinundo ang Mahal na Patron Sta. Elena mula sa Sitio Manggahan at inihatid sa Sitio Kapalangan Munti, ng Barangay Kapalangan, Gapan City. Nagmisa naman ang Kura Paroko na si Rev. Fr. Marlon Beredo, O. Carm. matapos maihatid sa Kapalangan Munti ang Mahal na Patron.



IT'S ABOUT (OUTING) TIMESa wakas, nakapag-relax din sa ginanap na outing, ang mga 'Knights of St. Helena' ng Parokya ng ...
25/05/2025

IT'S ABOUT (OUTING) TIME

Sa wakas, nakapag-relax din sa ginanap na outing, ang mga 'Knights of St. Helena' ng Parokya ng Santa Elena, Barangay Sta. Cruz, Gapan City, matapos ang ilang buwan na kaabalahan sa iba't-ibang gawain ng simbahan. Nakiisa si Rev. Fr. Marlon Beredo, O. Carm, ang Kura Paroko ng St. Helena Parish, na siya ring nagbasbas ng mga pagkain at kaligtasan ng bawat isa. Pinag-usapan din ang ilang plano sa mga gawain sa hinaharap. At syempre, may swimming, eating, drinking and videoke!


The Knights of St. Helena, Gapan City held it's Christmas Party at Bro Cris Magbitang's venue in Brgy Maburak. A delicio...
29/12/2024

The Knights of St. Helena, Gapan City held it's Christmas Party at Bro Cris Magbitang's venue in Brgy Maburak. A delicious food and drinks was served (and crunchy snack foods). Thank you to all who attended, supported and sponsored our event.

Maligayang Pasko po sa lahat!


Taos-puso po na nagpapasalamat ang pamunuan at mga miyembro ng Knights of St. Helena, Gapan City, sa mga tahanan na amin...
20/12/2024

Taos-puso po na nagpapasalamat ang pamunuan at mga miyembro ng Knights of St. Helena, Gapan City, sa mga tahanan na aming binisita at pinagkarolingan, mula sa mga barangay ng Sta. Cruz, Kapalangan, Puting Tubig at Maburak. Nakapangilak po ang grupo ng sapat na pondo upang matustusan ang nakaplano na mga proyekto ng grupo para sa Parokya ng Sta. Elena.

Isang Maligayang Pasko po sa bawat isa!



Nagsimula ng pangangaroling ang Knights of St. Helena, Gapan City kanina sa Barangay Kapalangan, na sakop pa din ng Sta....
02/12/2024

Nagsimula ng pangangaroling ang Knights of St. Helena, Gapan City kanina sa Barangay Kapalangan, na sakop pa din ng Sta. Helena Parish. Mahigit dalawampung Bro Knights ang sumama sa karoling kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa planong proyekto ng grupo.


Ginanap nuong Linggo ang buwanang pulong ng Knights of St. Helena, Gapan City sa Barangay Sta. Cruz Gym. Ito ay pinamunu...
02/12/2024

Ginanap nuong Linggo ang buwanang pulong ng Knights of St. Helena, Gapan City sa Barangay Sta. Cruz Gym. Ito ay pinamunuan ni Presidente Boy Deligiado, kung saan napag-usapan ang planong karoling ngayon kapaskuhan, upang makalikom ng pondo sa binabalak na proyekto ng grupo.

Nag-ensayo naman ang grupo kaninang umaga sa tahanan ni Adviser Gregg Esquivel, upang maiayos ang mga piyesa na kakantahin sa karoling.


Idinaos kaninang umaga ang buwanang-pulong ng mga Knights of Sta. Helena, na ginanap sa Barangay Sta. Cruz Gymnasium, Ga...
13/10/2024

Idinaos kaninang umaga ang buwanang-pulong ng mga Knights of Sta. Helena, na ginanap sa Barangay Sta. Cruz Gymnasium, Gapan City. Pinangunahan ni Pangulo Boy Marcelino Deligiado ang pulong kung saan nag-ulat si Tresurero Marcos Torres at pinag-usapan din ang mga plano ng grupo sa hinaharap.


The Knights of St. Helena, Gapan City assisted in the procession of all the patron saints of the St Helena Parish, on th...
18/08/2024

The Knights of St. Helena, Gapan City assisted in the procession of all the patron saints of the St Helena Parish, on the feast day of Queen St Helena today. A multitude of parishioners were present in support of their local patron saint at the procession.


Nakauwi ng muli ngayon ang Mahal na Patron Sta. Elena sa kanyang tahanan sa St. Helena Parish sa Barangay Sta. Cruz, Gap...
03/08/2024

Nakauwi ng muli ngayon ang Mahal na Patron Sta. Elena sa kanyang tahanan sa St. Helena Parish sa Barangay Sta. Cruz, Gapan City. Mula 11-June hanggang 3-August, ginanap ang Dalaw-Patron na nagdala sa ating Mahal na Pintakasi sa lahat ng sulok ng Parokya. Ultimo sa lugar na hindi nadadaanan nuon ng prusisyon ay nabisita. Dumalaw ang Mahal na Patron na nagsimula sa Sitio Dela Cruz, Barangay Kapalangan nuong 11-June, hanggang sa huling yugto sa Barangay Balante ngayong 3-August, at maibalik sa ating Parokya. At sa lahat ng lakad ng ito, katuwang ang Knights of St. Helena, kasama ng lahat na mananampalataya sa ating simbahan. Hindi matatawarang dedikasyon ang pinairal ng mga Knights of St. Helena kasama ng lahat na mananampalataya, umulan man o umaraw, o abutin man ng dilim sa kalsada. Pati na rin sa mga mananampalataya ng bawat chapel na nabisita, mula sa pagbabantay ng ating Mahal na Patron, sa pagpapakain sa mga dumadalo at pag-aasikaso sa bawat gawain. At siyempre sa ating Kura Paroko Reb. Padre Marlon Beredo, O, Carm, sa PPC, lahat ng grupo at miyembro ng ating simbahan. Maraming salamat po, O Diyos!


Ang prusisyon ng Mahal na Patron Santa Elena, sa iba't-ibang lugar ng Barangay Maburak, sa pangunguna ng BPC-Maburak at ...
29/07/2024

Ang prusisyon ng Mahal na Patron Santa Elena, sa iba't-ibang lugar ng Barangay Maburak, sa pangunguna ng BPC-Maburak at Knights of St. Helena, kasama ang mga mananampalataya. Bahagi ito ng Dalaw-Patron ng Parokya ng Sta. Elena. Bukas ihahatid sa Barangay Balante ang Mahal na Patron, bilang panghuling bahagi ng Dalaw-Patron.



Address

St. Helena Parish, Barangay Sta Cruz
Gapan
3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Knights of St. Helena, Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share