22/01/2026
ππ‘π π£ππ‘πππππ‘π 'π©ππππ‘π§π'
Alam ba ninyo na ang pangalang Vicente ay nag-ugat sa sinaunang wikang Latin?
Ito ay mula sa salitang Vincentius, hango sa pandiwang vincere, na nangangahulugang βmanalo,β βmanaig,β o βmagtagumpay.β Sa pananaw ng sinaunang Kristiyanismo, ang tagumpay na ito ay hindi makamundo, kundi tagumpay ng pananampalataya laban sa kasalanan, pag-uusig, at kamatayan.
Isa sa pinakadakilang nagbigay-buhay at kahulugan sa pangalang ito ay si San Vicente ng Zaragoza (Sanctus Vincentius Caesaraugustanus), isang diyakono ng Simbahan noong ikaapat na siglo na ating ipinagdiriwang ang kapistahan ngayong araw.
Bilang lingkod ni San Valerio, Obispo ng Zaragoza, si Vicente ay kilala sa kanyang malinaw na pananalita at matatag na pananampalataya. Sa panahon ng malupit na pag-uusig sa mga Kristiyano sa ilalim ni Emperador Diocletian, siya ay dinakip, pinahirapan, at sa huli ay pinaslang dahil sa kanyang hayagang pagpapahayag ng pananampalataya kay Kristo.
Dahil sa kanyang katapangan, si San Vicente ng Zaragoza ay kinilala ng sinaunang Simbahan bilang isa sa mga pinakadakilang martir ng Kanluran, at ang kanyang pangalan ay mabilis na kumalat sa buong Hispania at Europa. Sa paglipas ng panahon, siya ay itinanghal bilang Patron ng Valencia, at ang pangalang Vicente ay naging tanda ng pananampalatayang handang magsakripisyo.
Ang Pangalan ni San Vicente Ferrer
Si San Vicente Ferrer, na isinilang at bininyagan noong Enero 23, ay tinanggap ang pangalang Vicente matapos ang masinsinang pagninilay at talakayan ng kanyang pamilya sa araw ng kanyang binyag. Ayon sa mga sinaunang tala ng mga Dominikano at hagiograpiya, ang pangalan ay sadyang pinili bilang parangal kay San Vicente Martir ng Zaragoza, ang patron ng kanilang lupain at huwaran ng katapatan kay Kristo.
Sa kalaunan, ang kahulugang βnagwawagiβ na nakapaloob sa pangalang Vicente ay ganap na nagkatotoo sa buhay ni San Vicente Ferrer, sa kanyang pangangaral, sa kanyang paglilingkod sa Simbahan, at sa kanyang masugid na pagtawag sa pagbabalik-loob ng sangkatauhan.
Isang malalim na paalala na ang ating mga pangalan ay hindi lamang pagkakakilanlan, kundi maaaring maging propesiya ng ating bokasyon at misyon sa buhay.
Ipagdiwang natin ang pananampalataya ng dalawang Vicente,
ang Martir ng Zaragoza at ang Mangangaral ng Valencia,
at ipanalangin natin ang kanilang pamamagitan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Β‘Viva San Vicente MΓ‘rtir!
Ctto
Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer de Mamatid
Β‘Viva San Vicente Ferrer! π