St. Isidore Chapel-Sitio Punot, San Roque, Gapan City

St. Isidore Chapel-Sitio Punot, San Roque, Gapan City ||• PARISH ANNOUNCEMENTS
||• YOUTH FORMATION

12/03/2026

2026 - March 12 - 1622
404th Anniversary of the Canonization of San Isidro Labrador, S. Ignacio de Loyola, S. Francisco Javier, S. Felipe Neri & S. Teresa de Avila.

On this very day in 1622, the so called "El Cinco Santos" were canonized in the great Basilica of St. Peter at the Vatican, Pope Gregory XV canonized Beata Teresa de Jesus (Avila), reformer of the Carmelites; Beato Felipe Neri, founder of the Oratorian Fathers, Beatos Ignacio de Loyola and Francisco Javier of the Societas Iesv and Beato ISIDRO DE MADRID (Labrador), a simple but devout farmer, now patron of farmers, peasants, day laborers and rural communities.

The grouping of these five dissimilar saints took some by surprise and illustrated that there is no mold for being holy or even for becoming a canonized saint.

DEO GRATIAS!


𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥!🎊🌾🐮
15/05/2025

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥!🎊🌾🐮

𝗟𝗢𝗢𝗞 | The Vatican has officially announced the election of Cardinal Robert Francis Prevost, now known as Pope Leo XIV, ...
09/05/2025

𝗟𝗢𝗢𝗞 | The Vatican has officially announced the election of Cardinal Robert Francis Prevost, now known as Pope Leo XIV, the 267th Pope of the Roman Catholic Church. Following his first Urbi et Orbi blessing from the balcony of St. Peter’s Basilica, he steps into his new role as the spiritual leader of over 1.3 billion Catholics worldwide, ushering in a new chapter for the Church at the Vatican City, this May 09, 2025. 

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | San Isidro Labrador together with the servers and youths from Sitio Punot joined the San Roque Parish thanks...
07/05/2025

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | San Isidro Labrador together with the servers and youths from Sitio Punot joined the San Roque Parish thanksgiving mass as the 60th jubilee ends, headed by Rdo. P. Carl John M. Taduran, administrator of St. Vincent Ferrer Parish-Zaragoza at San Roque Gapan City, this May 6, 2025.


_
📸: Social Media Ministry

Happy 31st Anniversary Fr. Robert!✨🥳
03/06/2024

Happy 31st Anniversary Fr. Robert!✨🥳

HAPPY 31st PRESBYTERAL ANNIVERSARY FR. ROBERT!
Isang biyaya sa sambayanan ng Baluarte na nagdiriwang sa kanyang hubileo, ang ating kasalukuyang kura na si Fr. Robert Dela Cruz. Ang kanyang pagkapari ay ating nakikita sa kanyang walang sawang paggabay at pagsuporta sa ikagaganda ng ating simbahan at higit sa ikasisigla ng ating mga mananampalataya. Lagi naming dalangin sa parokya ang iyong kalakasan at kagalingan sa anumang iyong karamdaman na sa tulong ni Apo Roque ay maging pastol ka namin patungo lagi sa Diyos na dakila. Muli, bumabati ang 12 pamayanan ng parokya ng Maligayang Anibersaryo! Mabuhay ka Fr. Robert!

Happy 60th Founding Anniversary SRP!✨
07/05/2024

Happy 60th Founding Anniversary SRP!✨

HAPPY 60th FOUNDING ANNIVERSARY SAN ROQUE PARISH!
Sa mabunying araw na ito, animnapung taon na ang nakalipas ay naging parokya ang noo'y maliit na kapilya lamang na nakatalaga kay San Roque. Mula noon ay nagkaroon na ng sariling pari ang mga mananampalataya sa katimugang bahagi ng Gapan. Kaya naman sa ating pagdiriwang ay makibahagi tayo sa mga MISA NG PASASALAMAT ngayong araw sa ganap na 9:00 NG UMAGA at 4:00 NG HAPON. Ilalabas din ang isang MARINGAL NA PRUSISYON matapos ang huling misa. Muli, Maligayang Anibersaryo mga kaparokya! Viva Apo Roque!

TINGNAN: May 18, 2023 Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng mga miyembro, pamunuan, at sa pangunguna ng mga kabataang...
24/05/2023

TINGNAN: May 18, 2023
Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng mga miyembro, pamunuan, at sa pangunguna ng mga kabataang nagtaguyod nitong makabuluhanang programa.

Kasabay ng selebrasyong Flores de Mayo ginunita and paghahandog ng mga sertipiko at munting biyaya para sa mga kabataang buong pusong nagtaguyod nang nobenang pagrorosaryo.

Inilunsad din ang paunang kaalaman tungkol sa Youth Ministries sa pangunguna ng mga piling kabataang nagmula sa Parokya ni San Roque.

Napuspos din naman ng kagalakan at kaalaman ang bawat isa matapos itaguyod ang programang para sa kabataan.

TINGNAN: Ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pagrorosaryong pangnovena para kay San Isidro Labrador ng Sitio Punot. I...
12/05/2023

TINGNAN: Ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pagrorosaryong pangnovena para kay San Isidro Labrador ng Sitio Punot. Ito ay Bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan nitong Mayo 15, 2023. Ang paghahandang ito ay kinatawan ng mga kabataan at kapwa nangangasiwa upang pahalagahan at bigyang buhay ang nalalapit na kapistahan.

01/04/2023

MAKIISA SA SEMANA SANTA SA BALUARTE 2023
Narito na ang Talatakdaan ng mga Gawain para sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw at Triduo ng Paskuwa sa ating parokya:

2 ABRIL 2023 | LINGGO NG PALASPAS
5:30AM - Pagbabasbas ng mga Palaspas sa Parokya at Prusisyon
- Banal na Misa sa San Roque Plaza
8:00AM - Ikalawang Misa sa Parokya
*Sisimulan ang Pagbabasbas ng mga Pabasa hanggang sa araw ng Lunes Santo.

3 ABRIL 2023 | LUNES SANTO
6:00AM - Pidal Dasal para sa Kalikasan
*Iikot sa mga parokya sa Bikarya ng Divina Pastora
5:00PM - Banal na Misa

4 ABRIL 2023 | MARTES SANTO
5:00PM - Banal na Misa

5 ABRIL 2023 | MIYERKULES SANTO
5:00PM - Banal na Misa

6 ABRIL 2023 | HUWEBES SANTO
8:00AM - Misa ng Krisma sa Katedral ng Cabanatuan
*Mapapanood LIVE dito sa ating page
6:00PM - Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon
7:00PM-12:00MN - Pagtatanod sa Santisimo Sakramento sa Altar ng Repositorio

7 ABRIL 2023 | BIYERNES SANTO
3:00PM - Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon
5:45PM - Prusisyon ng Paglilibing
*Magdala po kayo ng kandila.

8 ABRIL 2023 | SABADO DE GLORIA
5:30PM - Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
*Magdala po kayo ng kandila.

9 ABRIL 2023 | LINGGO NG PAGKABUHAY
4:30AM - Prusisyon ng Salubong
*Magdala po kayo ng kandila.
5:00AM - Banal na Misa sa Parokya
8:00AM - Banal na Misa sa Sto. Cristo Sur
*Isasagawa ang Pagbabasbas ng mga Sasakyan sa San Roque Plaza

Mas lalo nating pabalin ang mga araw na ito sa ating pakikiisa sa mga gawain sa parokya ngayong Semana Santa. Maraming salamat po! Pagpalain tayong lagi ng Poong Maykapal!

Ang Talambuhay ni San Isidro ang MagsasakaNgayon ay kapistahan ni San Isidro Labrador o San Isidro ang Magsasaka. Kilala...
15/05/2022

Ang Talambuhay ni San Isidro ang Magsasaka

Ngayon ay kapistahan ni San Isidro Labrador o San Isidro ang Magsasaka. Kilala siyang pinatakasi ng mga magsasaka sapagkat ito ang kanyang hanap-buhay. Maraming simbahan sa Pilipinas ang nakapangalan sa kanya bilang patron. Tinatawag ang kanyang pamamagitan laban sa peste at sa masaganang ani.

Ipinanganak na dalita sa buhay si San Isidro sa Madrid noong taong 1070. Naglingkod siya bilang magsasaka sa lupain ng isang mayaman sa bayan; si Juan de Varga. Di' naglaon ay ginawa siya nitong tagapamahala sa kanyang lupain.

May malaking debosyon si San Isidro Labrador sa Banal na Misa. Tuwing umaga dumadalo siya sa Misa bago pumasok sa trabaho. Ang malinis na pamumuhay ni San Isidro ang nagpaigting ng ingit ng mga kamanggagawa. Kaya naman inireklamo siya ng kanyang mga kasamagan na palaging huli sa oras ng paggawa. Nang malaman ito ng kanyang amo, siya'y pinahihinto nito sa pagsisimba. Hindi ito sinunod ni San Isidro. Minsan, inagahan ng amo ang pagdating sa sakahan ni San Isidro upang hulihin ito. Wala pa noon si San Isidro sapagkat nagsisimba pa siya, nang mabanaagan ni Juan de Vera ang mga anghel ng Diyos na nagsasaka sa lupang sinasaka ni San Isidro. Ito ang dahilan kaya sa larawan at rebulto ni San Isidro ay may anghel na nagsasaka.

May malaki ding pagmamahal si San Isidro sa mga dukha. Minsa, isinama niya ang mga ito sa isang handaan. Pinadami ni San Isidro ang mga handa upang masiguradong makakakain ang mga pulubing kasama niya. Isa ito sa mga kilalang himala ni San Isidro.

Nakapang-asawa siya ng esposang higit na bata sa kanya at nabiyayaan sila ng isang anak. Kapwa mabuting tao at tunay na madasalin si Isidro at asawang si Toribia o kilalang si Santa Maria de la Cabeza (kapistahan Setyembre 9). Maagang pumanaw ang kaisa-isa nilang anak na lalaki. Ito ay nahulog sa isang balon. Kapwa nanalangin si San Isidro at Toribia upang makuha ang anak sa malalim na balon. Sa kanilang panalangin, tumaas ang tubig hanggang sa bibig ng balon at nakuha nila ang nalunod na anak.

Matapos ito, patuloy na inialay ng magasawa ang kanilang sarili sa Diyos at nangakong hindi na magtatalik. Kapwa sila natutulog sa magkaibang bahay. Ginawa nila iyon bilang sakripisyo tungo sa pagpapakabanal.

Namatay si San Isidro noong Mayo 15, 1130. Hindi naagnas ang kanyang katawan at agad naman siyang pinagdebosyonan ng mga mamayan ng Madrid. Gumaling naman si Haring Felipe III ng Espanya sa kanyang sakit sa balat sa paghipo sa kanyang mga relikiya.

Nang siya ay ikanonisa ni Papa Gregorio XV noong Marso 12, 1612, isinama siya sa mga kilalang pigura ng Santa Iglesia bagaman siya ay isang dukha. Kasabay niyang kinanonisa sina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, San Felipe Neri at Santa Teresa ng Avila.

Caption: Ctto(Catholic Faith Camiguin)

Address

Punot
Gapan
3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Isidore Chapel-Sitio Punot, San Roque, Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share