Himig-Lingkod CHOIR of St. Paul the Apostle Parish

Himig-Lingkod CHOIR of St. Paul the Apostle Parish Church Choir

Kaunti lang kaming nagsimula, pero mula noon hanggang ngayon, buo pa rin ang puso sa paglilingkod.Ang Himig-Lingkod ay n...
23/08/2026

Kaunti lang kaming nagsimula, pero mula noon hanggang ngayon, buo pa rin ang puso sa paglilingkod.

Ang Himig-Lingkod ay nagsimula sa magkakaibigang sabay na nangarap umawit para sa Simbahan. Maraming pari na ang dumaan, maraming miyembro na rin ang nagbago, pero ang diwa, nananatili.

Ilan sa amin ay nandito pa rin mula sa simula. At patunay iyon na ang tunay na paglilingkod, hindi nasusukat sa dami, kundi sa kwalidad ng pusong nag-aalay.

At ngayong umaga, sa ating Banal na Misa, opisyal naming ipinakilala at tinanggap ang mga bagong kabataang miyembro ng aming pamilya. Bagong tinig, bagong sigla, ngunit iisa pa rin ang pusong naglilingkod.

Mula sa mga nauna hanggang sa mga bagong tutugon, Himig-Lingkod pa rin. Ngayon at magpakailanman. ๐ŸŽถ

Another Sunday Holy Mass
10/06/2026

Another Sunday Holy Mass

Hindi tayo magsasawang umawit para sa Panginoon! ๐ŸŽบ๐ŸŽถ๐ŸŽต๐ŸŽผ๐Ÿ™
31/05/2026

Hindi tayo magsasawang umawit para sa Panginoon! ๐ŸŽบ๐ŸŽถ๐ŸŽต๐ŸŽผ๐Ÿ™



29/05/2026

We do not only sing for the Lord, we also serve our brothers, sisters, and fellow countrymen.

29/05/2026

9th Founding Anniversary of
Himig-Lingkod CHOIR ๐Ÿ™

Charity Activity

Himig-Lingkod CHOIR of St. Paul the Apostle Parish 9th Year Anniversary Ang Himig-Lingkod Choir of St. Paul the Apostle ...
29/05/2026

Himig-Lingkod CHOIR of St. Paul the Apostle Parish 9th Year Anniversary

Ang Himig-Lingkod Choir of St. Paul the Apostle Parish ay matagumpay na nagdaos ng kanilang ika-9 na taong anibersaryo. Ang nasabing kaganapan po ay pinagsamang charity at civic works bilang bahagi ng aming patuloy na paglilingkod sa komunidad.

Sa bahagi po ng Charity Work, nagsagawa ang HLC ng pangangalap ng pondo mula sa mga piling donors upang maisakatuparan ang munting programang ito. Sa tulong po ng inyong kabutihang-loob, tayo po ay nakapagbahagi ng kaunting saya at tulong sa ilan nating mga kapatid na senior citizens. Bagamaโ€™t maliit na bahagi pa lamang ng komunidad ang ating naabot batay sa kasalukuyan naming kakayahang pinansiyal, sisikapin po naming mas mapalawak pa ito sa mga susunod na pagkakataon upang mas marami pa tayong mabigyan ng tulong at mapasaya.

Samantala, sa bahagi naman po ng Civic Work, nagsagawa tayo ng Clean-Up Drive sa isang bahagi ng tuyong Asan Creek. Nawaโ€™y magsilbi itong simula ng mas marami pang katulad na aktibidad tungo sa pangangalaga ng ating kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng ating pamayanan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito. ๐Ÿ™๐Ÿ™Œ

28/03/2026

Celebrating my 8th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. ๐Ÿ™๐Ÿค—๐ŸŽ‰

Address

Gabaldon
3131

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Himig-Lingkod CHOIR of St. Paul the Apostle Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share