05/04/2026
SBC Son Rise Service | 040526
Ang kwento ni Kristo ay hindi nagtapos sa krus ng Kalbaryo.
Sa muling pagkabuhay, ang dulo ay naging panimulaโ
Pag-asa, bagong buhay, at walang hanggang pag-ibig.
1 Sa pagtatapos ng Sabat, magbubukang-liwayway na sa unang araw ng linggo. Si Maria na taga-Magdala at ang isang Maria ay dumating upang tingnan ang libingan. 2 Narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit. Pumunta siya sa libingan at iginulong ang bato papalayo sa bukana ng libingan at umupo sa ibabaw nito. 3 Ang anyo niya ay parang kidlat. Ang damit niya ay kasimputi ng niyebe. 4 Dahil sa takot sa anghel, ang mga bantay ay nanginig at naging parang mga patay.
5 Sumagot ang anghel sa mga babae, na sinasabi: Huwag kayong matakot sapagkat alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala siya rito. Ito ay sapagkat nabuhay na siya ayon sa sinabi niya. Halikayo at tingnan ninyo ang dakong pinaghigaan sa Panginoon.
Matthew 28:1-6