27/08/2026
𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 August 26, 2026
✨KAPANGYARIHAN NG PANANALANGIN
𝐿𝑢𝑚𝑢ℎ𝑜𝑑 𝑠𝑖 [𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙], 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐷𝐼𝑂𝑆, 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑒𝑠𝑒𝑠 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤, 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑢𝑔𝑎𝑙𝑖𝑎𝑛. - 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 6:10
📖 Basahin: 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟲:𝟯-𝟳, 𝟵-𝟭𝟭
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 119:89-176; 1 CORINTO 8
3 𝑆𝑖 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑖 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑏𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛, 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎𝑘 𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑖 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛.
4 𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑑𝑖𝑡𝑜, 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑑𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑑𝑜𝑟 𝑎𝑡 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑜𝑏𝑒𝑟𝑛𝑎𝑑𝑜𝑟 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑙𝑖𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑖 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑠𝑖𝑦𝑎. 𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑖 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑢𝑙𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑠𝑎ℎ𝑎𝑛. 5 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑙𝑎, “𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑝𝑎𝑝𝑎𝑟𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑏𝑎𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 ℎ𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑢𝑔𝑛𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠.”
6 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑟𝑖 𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖, “𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐻𝑎𝑟𝑖!
7 𝐾𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑑𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑑𝑜𝑟, 𝑚𝑎𝑦𝑜𝑟, 𝑔𝑜𝑏𝑒𝑟𝑛𝑎𝑑𝑜𝑟, 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑦𝑜, 𝑎𝑡 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑜𝑚𝑖𝑠𝑦𝑜𝑛𝑒𝑟 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑠𝑢𝑛𝑑𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑎 𝑔𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 30 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑦 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑜𝑠 𝑜 𝑡𝑎𝑜 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑏𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜. 𝐴𝑡 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑛𝑑𝑖𝑛, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑤𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑢𝑡𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑖𝑡𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑒𝑜𝑛.
9 𝑃𝑢𝑚𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑠𝑖 𝐻𝑎𝑟𝑖𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑟𝑖𝑢𝑠, 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎𝑔𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛.
10 𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 𝑛𝑎 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑔𝑑𝑎 𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑖, 𝑢𝑚𝑢𝑤𝑖 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑙𝑖𝑑 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑖𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑔𝑖 𝑛𝑔 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦, 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑛𝑡𝑎𝑛𝑎 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑠𝑎 𝐽𝑒𝑟𝑢𝑠𝑎𝑙𝑒𝑚. 𝐷𝑜𝑜𝑛 𝑙𝑢𝑚𝑢ℎ𝑜𝑑 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑒𝑠𝑒𝑠 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤, 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑢𝑔𝑎𝑙𝑖𝑎𝑛.
11 𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑠𝑢𝑏𝑎𝑦𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑜𝑝𝑖𝑠𝑦𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑘𝑢𝑚𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑢𝑝𝑢𝑟𝑖 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠.
👉Hinimok ng Academy Award-winning actor na si Denzel Washington ang isang grupo ng mga batang artista na simulan ang bawat araw sa panalangin. Nagbigay pa siya ng kakaibang payo. Sinabi niya, “Ilagay ninyo ang inyong sapatos sa ilalim ng k**a bago matulog, para sa umaga, mapipilitan kayong lumuhod muna bago ito isuot.”
Maaaring kailangan ng maingat na pagpaplano at kung minsan, kaunting pagk**alikhain upang maging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ang pananalangin.
Makikita naman natin sa buhay ni Propeta Daniel ang regular na pananalangin. Habang naglilingkod siya kay Haring Darius, naging namumukod-tangi siya sa lahat ng pinuno at tagapayo ng kaharian (Daniel 6:3). Dahil dito, nainggit ang ibang opisyal at naghanap sila ng paraan upang siya'y mapabagsak. Ngunit wala silang makitang maibibintang sa kanya maliban sa kanyang katapatan sa Dios (tal. 5). Nang magtagumpay silang maipasa ang isang kautusang nagbabawal manalangin sa sinuman maliban sa hari, hindi pa rin tumigil si Daniel. Lumuhod pa rin siya at nanalangin sa Dios, gaya ng dati niyang ginagawa (tal. 10).
Ang regular na pananalangin ang nagpatatag kay Daniel. Doon niya naranasan ang lakas at kapayapaang nagmumula sa Dios (Salmo 29:11). Sa tulong ng Panginoon, nalampasan niya ang mga pagsubok at iniligtas siya. Gayundin naman, kapag ginagawa nating mahalagang bahagi ng bawat araw ang pakikipag-usap sa Dios, lalong lumalalim ang ating relasyon sa Kanya. At sa bawat pagsubok na ating haharapin, ang Kanyang lakas ang magbibigay sa atin ng katatagan.
- Lisa M. Samra
📝 Paano ka pinalakas ng regular na pananalangin sa panahon ng pagsubok?
🙏 𝘿𝙞𝙤𝙨 𝘼𝙢𝙖, 𝙩𝙪𝙧𝙪𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙥𝙖𝙜-𝙪𝙨𝙖𝙥 𝙨𝙖 𝙄𝙮𝙤 𝙖𝙧𝙖𝙬-𝙖𝙧𝙖𝙬.
Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot