17/05/2026
ICYMI: Pulong Dagal, wagi sa kauna-unahang Solib Arc Making Contest
Nakamit ng Pulong Dagal ang Unang Pwesto sa kauna-unahang Arc Making Contest sa Solib, Floridablanca, Pampanga na ginanap noong Mayo 14, 2026.
Ang naturang paligsahan ay nilahukan ng ibaโt ibang purok mula sa baranggay Solib na nagpakita ng galing sa paggawa ng mga arko. Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagkakaisa ng mga residente at ipakita ang kanilang debosyon at talento sa paggawa ng arko.
Pinangunahan nila Joel Sadsad, Jerome Sadsad, Jonard Sadsad, Raquel Garnadi at Rowena Galfo ang paggawa ng nasabing arko at sa supororta ni Kagawad Ana May Mendoza.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, itinanghal ang Pulong Dagal bilang kampeon matapos magpakita ng kahusayan at kakaibang konsepto sa kanilang obra.
Photo Credits: Pog Alian, Sebastian Ronquillo