11/08/2025
Kung gusto mong magustuhan ka ng lahatโฆ huwag kang mamuno.
Kasi ang tunay na lider, minsan kailangang magdesisyon na hindi gusto ng iba.
Kailangan mong magsabi ng โhindiโkahit lahat ay gustong marinig ay "oo.โ
โAm I now trying to win the approval of human beings, or of God? โฆ If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ.โ
Galatians 1:10
Kailangan mong itama ang isang tao kahit ayos naman ang ginagawa niya dahil alam mong kaya pa niyang mas magaling.
Kailangan mong magpanatili ng mga batas at pamantayan, kahit sabihin ng iba na ikaw ay masungit, maarte, o walang puso.
May mga hindi makakaintindi sa'yo.
May mga magagalit.
May mga magku-kwento sa likod mo.
Minsan, mararamdaman mong mag-isa ka. Parang wala kang kakampi.
โThe righteous person may have many troubles, but the Lord delivers him from them all.โ
Psalm 34:19
At sa mga sandaling โyon, maari mong tanungin ang sarili mo:
โWorth it ba โto?โ
Pero ito ang dapat matutunan mo:
Ang pamumuno ay hindi tungkol sa pagiging sikat o gusto ng lahat.
Ito ay tungkol sa katapatan.
Tungkol sa pagiging tapat sa sarili mong paniniwala, kahit magbago pa ang damdamin ng ibang tao.
โBe strong and courageous. Do not be afraid or terrifiedโฆ for the Lord your God goes with you.โ
Deuteronomy 31:6
Hindi mo trabaho ang alagaan ang emosyon ng lahat.
Trabaho mong iangat sila kahit minsan kailangan nilang mahirapan para magbago.
โNo discipline seems pleasant at the time, but painful. Later on, however, it produces a harvest of righteousnessโฆโ
Hebrews 12:11
Kasi ang paglago, hindi madali.
At kung ikaw ay lider na iiwas sa hirap para lang hindi mainis ang iba,
paliit ka ng paliit at pati sila, hindi mo matutulungan lumaki.
Hindi mo kailangang maging masungit.
Pero kailangan mong maging matapang.
Matapang na manindigan.
Matapang na mabigo.
Matapang na hindi magustuhan ng iba kung ito ang tama.
โWhatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for people."Colossians 3:23
Dahil balang araw,
yung mga taong hindi nakaintindi saโyo noon sila rin ang magpapasalamat saโyo.
Dahil hindi mo ibinaba ang pamantayan mo.