24/08/2026
Nakakatuwang makita ang bawat isa na nakikibahagi, nagtatawanan, nagkakaisa, at higit sa lahat, sama-samang lumalapit sa Panginoon.
Sana patuloy nating pahalagahan ang bawat fellowship na binibigay sa atin ng Diyos. Hindi lang ito tungkol sa pagkain, games, at bonding, kundi tungkol din sa pagkakaroon ng mga kaibigan na makakatulong sa atin na manatiling matatag sa ating pananampalataya.
“And let us consider one another to provoke unto love and to good works: Not forsaking the assembling of ourselves together...” (Hebrews 10:24–25 KJV)
Sana kahit matapos ang bawat fellowship, madala natin sa ating puso ang mga natutunan natin mula sa Salita ng Diyos. Patuloy tayong magtulungan, magpalakasan, at maging liwanag sa isa’t isa.
God bless us all, mga ka-youth! Patuloy tayong maglingkod, magmahalan, at mag-enjoy habang kasama si Lord. 🤍