St. Anthony of Padua Parish - Ferrol, Romblon

St. Anthony of Padua Parish - Ferrol, Romblon The Official Page of St. Anthony of Padua Parish - Ferrol, Romblon

Marked with ash, sealed with mercy, walking gently into the desert of renewal.
18/02/2026

Marked with ash, sealed with mercy, walking gently into the desert of renewal.

Bukas ay ating sinisimulan ang banal na panahon ng Kuwaresma—isang natatanging panahon ng panalangin, pag-aayuno, at pag...
17/02/2026

Bukas ay ating sinisimulan ang banal na panahon ng Kuwaresma—isang natatanging panahon ng panalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa. Ito ay apatnapung araw ng taimtim na pagninilay at pagbabalik-loob bilang paghahanda sa dakilang pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon.

Inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa mga gawain ng ating parokya at sama-samang tahakin ang paglalakbay ng pananampalataya. Nawa’y ang panahong ito ay maging pagkakataon ng tunay na pagbabago ng puso at mas malalim na pakikipag-isa kay Kristo.

“Magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso.” – Joel 2:12

16/02/2026

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐍𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 | 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟕 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐌𝐀𝐒𝐒 | 𝟓𝐏𝐌

Sa papalapit na pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma, gaganapin ang pagsusunog ng mga tuyong palaspas. Ito ay sumisimbolo sa ating pagbabalik-loob sa Diyos at pagtalikod sa ating mga kasalanan.

Hindi ito isang simpleng tradisyon lamang. Ang pagsusunog ng palaspas ay isang simbolikong paalala na ang lahat sa mundo ay panandalian lamang, at kinakailangan nating patuloy na magbalik at magtiwala sa Diyos.

Nawa’y sa bawat abo na ating matutunghayan, maalala natin ang kababaang-loob, pagsisisi, at ang panibagong simula na iniaalok sa atin ng Diyos. Ito ang paanyaya na magbalik, magbago, at mamuhay nang may pusong nakatuon sa Kanya.

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐇𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐎 (𝐀𝐒𝐇 𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘) |𝐈𝐤𝐚- 𝟏𝟖 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐌𝐀𝐒𝐒 | 𝟓:𝟑𝟎𝐀𝐌              𝟓:𝟎𝟎𝐏𝐌Ang pagpapahid ng abo sa noo ...
08/02/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐇𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐎 (𝐀𝐒𝐇 𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘) |
𝐈𝐤𝐚- 𝟏𝟖 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐌𝐀𝐒𝐒 | 𝟓:𝟑𝟎𝐀𝐌
𝟓:𝟎𝟎𝐏𝐌

Ang pagpapahid ng abo sa noo ang hudyat ng pagsisimula ng apatnapung (40) araw ng Kuwaresma. Ito ay paalala sa atin na maging higit na mapagkumbaba at patuloy na lumapit sa Diyos.

Ipinapaalala nito ang mga salitang: “Ikaw ay mula sa abo at sa abo ka rin babalik.” Isang paanyaya ito sa pagsisisi at tunay na pagbabago ng puso.

Simula rin ito ng ating pag-aayuno (fasting) at abstinence bilang tanda ng ating pagsasakripisyo at pakikiisa kay Kristo.

Inaanyayahan ang lahat na gawing makabuluhan ang panahong ito ng Kuwaresma, tayo'y maglaan ng panahon sa panalangin, pagninilay, at paggawa ng kabutihan. Nawa’y sa paglalakbay na ito, mas mapalalim ang ating pananampalataya at mas mapatatag ang ating ugnayan sa Diyos.

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐀𝐆𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔Una nating nakatagpo si Santa Agata sa buhay ni Santa Lucia, sa unang aklat ng talambuhay ng...
05/02/2026

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐀𝐆𝐀𝐓𝐀
𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Una nating nakatagpo si Santa Agata sa buhay ni Santa Lucia, sa unang aklat ng talambuhay ng mga banal sa seryeng ito (tingnan ang aklat para sa Adbiyento hanggang Bagong Taon).
Si Santa Lucia ay nagkaroon ng inspirasyon na ialay ang buong buhay sa Panginoon dahil sa isang pangitain kung saan nakita ni Santa Lucia si Santa Agata habang papunta siya upang mag-debosyon sa kanyang dambana sa Catania, Italy.
Kaya heto na naman at makikita natin na may kaugnayan ang mga santo sa isa’t-isa. Kaya nga may kaugnayan din sila sa atin magpa-hanggang ngayon, tulad din na may koneksyon tayo sa isa’t-isa bilang magkakapatid kay Kristo.
Kakaunti ang alam natin tungkol sa aktwal na buhay ni Santa Agata bagamat isa siya sa mga pinaka-bantog na santa sa maagang kasaysayan ng simbahan. Ang pagdakila sa kanya ay napakatagal nang bahagi ng pananampalataya.
Natitiyak na si Santa Agata ay mula sa Sicily, Italy. Mula daw siya sa isang iginagalang na pamilya. Naging martir siya sa panahon ng Emperador Decius kung saan maraming pag-uusig ang dinanas ng mga Kristiyano.
Dahil ipinangako ni Santa Agata ang kanyang buong buhay sa Panginoon, tinanggihan niya ang panliligaw ng isang senador ng Roma. Dahil sa galit ng taong ito, nagsimula ang paghihirap ni Santa Agata. Matapang na hinarap ng santa ang lahat ng pagsubok dahil sa kanyang pangako sa Panginoong Hesukristo.
Dumaan siya sa torture sa pamamagitan ng tinatawag na rack, isang kasangkapan ng pahirap kung saan binabanat ang katawan ng isang tao na nakatali ang kamay at paa. Hinihila mula sa gawi ng mga kamay at hinihila mula din sa gawi ng mga paa para mabanat ang balat at mabali ang mga buto. Tinapyas ang kanyang mga suso sa dibdib.
Pagkaraan ng ilang araw, pinagulong naman siya sa nagbabagang uling. Ito ang kanyang ikinamatay. Ayon sa kuwento ng mga nakasaksi, ito ang huli niyang mga salita, isang panalangin sa Panginoong Hesukristo: “Tanggapin mo po ang aking kaluluwa.” Namatay siya sa taong 250 (o 251 sa ibang source).
Ang kanyang bayan, ang Catania, ay pinaniniwalaang naligtas sa pagsabog ng bulkang Etna dahil sa kanyang panalangin. Dahil dito si Santa Agnes ay naging patron saint laban sa paglaganap ng sunog.
Ang pangalang Agata ay galing sa salita na ang kahulugan ay “mabuti”. Talaga namang mabuti si Santa Agata dahil isinabuhay niya ang pagiging anak ng Diyos. isa siyang mabuting handog ng Diyos sa kanyang Anak na si Hesus na pinakamamahal ng kanyang puso, at sa ating lahat na ngayon ay humahanga sa kanyang kagitingan. Ang pagiging mabuti niya ay lalong nagtuturo sa atin sa tunay na mabuti sa lahat – ang tanging mabuti, ang Diyos natin

Napakagandang isipin na noon pa mang unang mga taon ng simbahan ay may mga tao na handang mag-alay ng sarili nila na buong-buo at walang pag-iimbot sa Panginoon. handa rin ba tayong mag-alay ng sarili sa Panginoon? ipagdasal din natin na maraming mga kabataan ang magnais na ihandog ang buong buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng bokasyon ng pagiging pari, madre, relihyoso at misyonero.

𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐇𝐎𝐔𝐑 | 𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘, 𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa banal na pagtitipong ito, tayo po ay sama-samang lalapit sa Poong Maykapal upang ...
04/02/2026

𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐇𝐎𝐔𝐑 | 𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘, 𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa banal na pagtitipong ito, tayo po ay sama-samang lalapit sa Poong Maykapal upang mag-alay ng taos-pusong panalangin, pasasalamat, at papuri. Nawa’y ang ating pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya ay maging bukal ng biyaya, lakas, at pag-asa para sa bawat isa at sa buong pamayanan. Pagkatapos ng Banal na Eukaristiya ay ang Banal na Oras kung saan inaanyayahan rin ang lahat na makiisa sa banal na gawaing ito. Ang lahat po ay lubos na inaanyayahan na dumalo at makiisa sa gawaing ito ng pananampalataya.

Ikaapat na Linggo sa Karaniwang PanahonFebruary 1, 2026
01/02/2026

Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
February 1, 2026

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬 | 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐐𝐮𝐢𝐳 𝐁𝐞𝐞𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 25, 2026Matagumpay na isinagawa ang Bible Quiz Bee Competition sa Parokya ng San Anton...
25/01/2026

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬 | 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐐𝐮𝐢𝐳 𝐁𝐞𝐞
𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 25, 2026

Matagumpay na isinagawa ang Bible Quiz Bee Competition sa Parokya ng San Antonio ng Padua, Ferrol. Ang nasabing gawain ay naglalayong higit pang mapalalim ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga mananampalataya sa Banal na Kasulatan. Lubos na nagpapasalamat ang parokya sa lahat ng kalahok, tagapaghanda, at sumuporta sa tagumpay ng gawain.

𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆𝟎𝟏 | 𝟐𝟓 | 𝟐𝟎𝟐𝟔Ngayong National Bible Sunday, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Salita ng Diyos na...
25/01/2026

𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆
𝟎𝟏 | 𝟐𝟓 | 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ngayong National Bible Sunday, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Salita ng Diyos na patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating pananampalataya.
Ang Banal na Kasulatan ay gabay sa ating pamumuhay, lakas sa oras ng pagsubok, at paalala ng walang hanggang pag-ibig ng Panginoon.
Nawa’y mas lalo pa nating pahalagahan, pagnilayan, at isabuhay ang Salita ng Diyos sa ating araw-araw na buhay, upang tayo’y maging buhay na saksi ng Kanyang biyaya.

Ikatlong Linggo sa Karaniwang PanahonJanuary 25, 2026"Tayo ang modernong Hesus— nagpapalaganap ng Salita ng Diyos."-Fr. ...
24/01/2026

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
January 25, 2026

"Tayo ang modernong Hesus— nagpapalaganap ng Salita ng Diyos."

-Fr. Franz

Address

Poblacion
Ferrol
5506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Anthony of Padua Parish - Ferrol, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share