Famy Seventh-Day Adventist Church

Famy Seventh-Day Adventist Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Famy Seventh-Day Adventist Church, Religious organisation, Maliwanag Street Brgy. Calumpang Famy, Laguna, Famy.

01/09/2026

31/08/2026
31/08/2026
Famy Seventh-day Adventist Church, nakilahok sa isinagawang Adventist Posibility Ministry (APM) Bonding ng Eastern Lagun...
14/06/2026

Famy Seventh-day Adventist Church, nakilahok sa isinagawang Adventist Posibility Ministry (APM) Bonding ng Eastern Laguna 2 District. Ang gawaing ito ay dinaluhan ng mga kapatid na nangangailangan ng personal na kalinga at pagmamahal.

Sa gawaing ito, kanilang naranasan ang kalinga, pagmamahal, at pagpapaalala na sila ay hindi kailanman naisantabi. Higit sa lahat, kanilang nadama na sila ay tunay na mahalaga at lubos na minamahal ng Panginoon.๐Ÿ˜‡๐Ÿ™



Sa mahabang panahon ng pananalangin, paghihintay, at pagtitiwala, muling naranasan ng Famy SDA Church ang kabutihan at k...
08/05/2026

Sa mahabang panahon ng pananalangin, paghihintay, at pagtitiwala, muling naranasan ng Famy SDA Church ang kabutihan at katapatan ng Panginoon. ๐Ÿ™โœจ

Dumating na ang mga kinakailangan na bangko para sa Famy SDA Church isang malinaw na patunay na ang Diyos ay kumikilos sa kaniyang tamang panahon at sa paraang hindi natin inaasahan. Marami siyang ginamit na tao bilang kasangkapan ng pagpapala, at muli niyang pinatunayan na hindi niya pinapabayaan ang kaniyang mga lingkod na tapat na nagpapagal para sa kaniya.

Ang matagal na panalangin ay nagbunga, at ang Diyos ay sumagot nang higit pa sa ating inaasahan. Tunay ngang siya ay tapat noon, ngayon, at magpakailanman. โ˜๏ธ๐Ÿค

Sa kaniya ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kaluwalhatian!

Captured by: ๐Ÿ“ธ Anica Veridiano
Written by: โœ๏ธ Ronalyn Laz Combes

๐Ÿ“Œ IKATLONG GABIMuli na namang naranasan ang isang mapagpalang gabi sa Pastor Evangelism, kung saan patuloy na kumikilos ...
05/05/2026

๐Ÿ“Œ IKATLONG GABI

Muli na namang naranasan ang isang mapagpalang gabi sa Pastor Evangelism, kung saan patuloy na kumikilos ang Diyos sa puso ng bawat dumadalo. ๐Ÿ™โœจ

Sinimulan ang programa sa masiglang pag-aawitan na nagsilbing paghahanda ng ating puso at isipan upang mas maging bukas sa Kanyang presensya. Sinundan ito ng isang makabuluhang health lecture ni Ma'am Marivic Rollan tungkol sa โ€œLack of Sleepโ€, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sapat na pahinga at kung paano ito nakaaapekto sa ating kalusugan, isipan, at pang-araw-araw na pamumuhay.

Higit sa lahat, ang makapangyarihang mensahe ng Salita ng Diyos na ibinahagi ni Pastor Franklin Rollan na may paksang โ€œTandaโ€ ay nagpaalala sa atin ng kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at handa sa mga tanda ng Kanyang muling pagdating. Ito ay nagsilbing hamon sa bawat isa na patatagin ang pananampalataya at manatiling tapat sa Panginoon.

๐Ÿ“– Tema: Ang Tiyak na Pag-asa ng Buhay
๐Ÿ“… May 3โ€“9, 2026
๐Ÿ•– 7:00 PM

Inaanyayahan ang lahat na patuloy na makibahagi sa mga susunod pang gabi ng gawain isang patuloy na paglalakbay tungo sa mas malalim na relasyon sa Diyos at matibay na pag-asa na nagmumula kay Cristo. ๐Ÿ’›

๐Ÿ“Œ IKALAWANG GABIIsang mapagpalang gabi muli ang naranasan sa Pastor Evangelism, kung saan patuloy na nadarama ang presen...
04/05/2026

๐Ÿ“Œ IKALAWANG GABI

Isang mapagpalang gabi muli ang naranasan sa Pastor Evangelism, kung saan patuloy na nadarama ang presensya ng Diyos sa bawat bahagi ng programa. ๐Ÿ™โœจ

Nagsimula ang gabi sa masiglang pag-aawitan na muling naghanda ng puso at isipan ng bawat dumalo. Sinundan ito ng isang makabuluhang health lecture mula kay Maโ€™am Marivic Rollan na may pamagat na โ€œMay Pait ang Tamis,โ€ na nagbigay-liwanag sa mga katotohanang dapat isaalang-alang sa ating kalusugan at pamumuhay.

Higit sa lahat, ang mensahe ng Salita ng Diyos na ibinahagi ni Pastor Franklin Rollan na may paksang โ€œMay Pag-asaโ€ ay nagbigay ng lakas ng loob at paalala na sa kabila ng mga pagsubok, may katiyakang pag-asa na matatagpuan sa Panginoon.

๐Ÿ“– Tema: Ang Tiyak na Pag-asa ng Buhay
๐Ÿ“… May 3โ€“9, 2026
๐Ÿ•– 7:00 PM

Inaanyayahan ang lahat na patuloy na makibahagi sa mga susunod pang gabi ng gawain isang paanyaya tungo sa mas matibay na pananampalataya at pag-asa na nagmumula kay Cristo. ๐Ÿ’›

๐Ÿ“ŒUNANG GABIIsang mapagpalang gabi ang naranasan sa Pastor Evangelism, isang makabuluhang pagtitipon na naghatid ng inspi...
03/05/2026

๐Ÿ“ŒUNANG GABI
Isang mapagpalang gabi ang naranasan sa Pastor Evangelism, isang makabuluhang pagtitipon na naghatid ng inspirasyon at pag-asa sa bawat dumalo. ๐Ÿ™โœจ

Ang programa ay sinimulan sa masiglang pag-aawitan na nagsilbing paghahanda ng puso at isipan. Sinundan ito ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na health lecture mula kay Maโ€™am Marivic Rollan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kalusugan. Higit sa lahat, ang makapangyarihang mensahe ng Salita ng Diyos na ibinahagi ni Pastor Franklin Rollan ay nag-iwan ng malalim at makabuluhang aral sa bawat isa.

๐Ÿ“– Tema: Ang Tiyak na Pag-asa ng Buhay
๐Ÿ“… May 3โ€“9, 2026
๐Ÿ•– 7:00 PM

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa mga susunod pang gabi ng gawain isang paanyaya tungo sa mas malalim na pananampalataya at pag-asa na matatagpuan kay Cristo. ๐Ÿ’›

You are invited๐Ÿ‘‡From May 3 - 9, 2026 every 6 PM onwards @ Famy SDA Church, Brgy Calumpang , Famy, Laguna๐Ÿ™
03/05/2026

You are invited๐Ÿ‘‡
From May 3 - 9, 2026 every 6 PM onwards @ Famy SDA Church, Brgy Calumpang , Famy, Laguna๐Ÿ™

Address

Maliwanag Street Brgy. Calumpang Famy, Laguna
Famy
4021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Famy Seventh-Day Adventist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share