19/09/2026
Malugod nating salubungin ang pagdating ng Mahal na Birhen ng Guadalupe! 💙
Inaanyayahan po ang ating mga kapatid na sama-sama nating bigyang-pugay ang Mahal na Birhen ng Guadalupe sa kanyang pag-daan sa ating bayan sa Setyembre 23, 2026 - Miyerkules, tinatayang oras ng pagdaan sa harap ng Imall ay sa ganap na ika-9 ng umaga.
Halina’t makiisa sa makabuluhang pagkakataong ito at sama-sama nating ipakita ang ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birhen. 🙏🌹
Viva la Virgen de Guadalupe! 💙
GUADALUPAN PILGRIMAGE 2026 || District 4 Guadalupan Motorcade
Bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagdating ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula Mexico, magkakaroon ng Guadalupan Motorcade na lilibot sa mga simbahan sa Ika-4 na Distrito.
Makakasama sa motorcade ang Replica ng Tilma ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, at ang imahen ni San Juan Diego.
Narito ang mga Parokyang bibisitahin:
- Saint Peter of Alcantara Parish and
Diocesan Shrine of Our Lady of Turumba
Pakil, Laguna
- Nuestra Señora de la Candelaria Parish
Mabitac, Laguna
- Nuestra Señora de la Natividad Parish
Pangil, Laguna
- St. John the Baptist Parish
Longos, Kalayaan, Laguna
Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at mga deboto ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na makiisa sa makabuluhang gawaing ito sa Setyembre 23, Miyerkules, ganap na ika-7:00 ng umaga.
Sama-sama nating salubungin ang Birhen ng Guadalupe at higit pang palalimin ang ating pananampalataya, kaalaman, at debosyon sa Mahal na Ina.
VIVA LA VIRGEN DE GUADALUPE!
VIVA LA GUADALUPANA!