Camareros de Famy

Camareros de Famy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camareros de Famy, Church, Brgy. Calumpang, Famy.

Maligayang kapistahan nina Santa Marta de Betania, Santa Maria de Betania, at San Lazaro de Betania.🀍✨Nawa’y sa kanilang...
29/07/2026

Maligayang kapistahan nina Santa Marta de Betania, Santa Maria de Betania, at San Lazaro de Betania.🀍✨

Nawa’y sa kanilang halimbawa ng matatag na pananampalataya, wagas na pagmamahal, at tapat na paglilingkod sa Diyos ay patuloy tayong maging inspirasyon sa bawat araw. Sa panahong tayo ay dumaraan sa iba’t ibang pagsubok, nawa’y lagi nating panghawakan ang pag-asa at pagtitiwala sa Panginoon, sapagkat sa bawat panalangin at pagsubok ay hindi Niya tayo kailanman iniiwan. Nawa’y ang kanilang pamamagitan ay maghatid sa bawat pamilya ng biyaya, kapayapaan, pagkakaisa, at mas matibay na pananampalataya. Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro de Betania, ipanalangin ninyo kami! πŸ™πŸ»βœ¨

Viva Santa Marta! Viva Santa Maria! Viva San Lazaro! πŸŽ‰πŸ™πŸ»

Maligayang Kapistahan Santiago el Mayor Apostol! πŸ™πŸ»πŸšβš”οΈSa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni...
25/07/2026

Maligayang Kapistahan Santiago el Mayor Apostol! πŸ™πŸ»πŸšβš”οΈ

Sa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Santiago el Mayor Apostol, isang tapat na alagad ni Hesus na naging halimbawa ng matatag na pananampalataya, tapang, at walang sawang paglilingkod sa Diyos. Nawa’y patuloy tayong gabayan ng kanyang halimbawa upang manatiling matatag sa ating pananampalataya at maging instrumento ng pagmamahal, kabutihan, at pagkakaisa sa ating kapwa. Hinihiling natin ang kanyang panalangin at pamamagitan para sa ating mga pamilya at sa buong pamayanan. Santiago el Mayor Apostol, ipanalangin mo kami! πŸ™πŸ»πŸ€

Viva Santiago el Mayor, VIVA!

Ang imahen ni Santiago el Mayor de Famy ay nasa pangangalaga ni Ginoong Zyro Ilao at ng kanyang pamilya.

Maligayang Kapistahan, Santa Maria Magdalena! πŸ™πŸ»βœ¨Sa araw na ito, buong galak at pananampalataya nating ipinagdiriwang an...
21/07/2026

Maligayang Kapistahan, Santa Maria Magdalena! πŸ™πŸ»βœ¨

Sa araw na ito, buong galak at pananampalataya nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Santa Maria Magdalena, isang huwaran ng tunay na pagsisisi, pagmamahal, at matatag na pananampalataya sa Diyos. Nawa’y sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, matuto tayong magbalik-loob, manalig sa Panginoon, at manatiling tapat sa Kanyang pagmamahal sa kabila ng anumang pagsubok sa buhay. Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami at patuloy mo kaming gabayan sa landas ng pananampalataya. πŸ™πŸ»πŸ€

Viva Santa Maria Magdalena! Viva!

Ang imahen ni Santa Maria Magdalena de Famy ay nasa pangangalaga ng magkakapatid na Magracia

Happy Feast Day, Santa Veronica! πŸ€πŸ™ Your compassion, courage, and unwavering faith remind us that even the simplest act ...
11/07/2026

Happy Feast Day, Santa Veronica! πŸ€πŸ™ Your compassion, courage, and unwavering faith remind us that even the simplest act of kindness can leave a lasting impact. May your example inspire us to serve others with love, stand firm in our faith, and always see the face of Christ in those around us. Pray for us, Santa Veronica, that we may follow the Lord with humble and faithful hearts. Happy Feast Day! ✨

Happy Feast Day, Santo Tomas Apostol! πŸ’šπŸ€Today we honor your unwavering faith, humility, and journey from doubt to a firm...
02/07/2026

Happy Feast Day, Santo Tomas Apostol! πŸ’šπŸ€

Today we honor your unwavering faith, humility, and journey from doubt to a firm belief in Christ. May your life remind us that sincere questions can lead to a stronger faith, and may you continue to guide us to trust God’s perfect plan. Pray for us, that we may always walk in faith, hope, and love. ✨

St. Thomas the Apostle, pray for us. πŸ™πŸ»

01/06/2026

π…π‹πŽπ‘π„π’ 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ€ 𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 πŸπŸŽπŸπŸ”πŸŒΈ
"π“šπ“ͺ𝔂π“ͺ 𝓴π“ͺ𝓢𝓲 𝓷π“ͺ𝓹π“ͺ𝓻𝓲𝓽𝓸, π“ͺ𝓫π“ͺ π“˜π“·π“ͺ𝓷𝓰 𝓢π“ͺ𝓼π“ͺ𝓴𝓡𝓸𝓡𝓸. π“œπ“ͺ𝓰𝓱π“ͺ𝓱π“ͺ𝓷𝓭𝓸𝓰, 𝓢π“ͺ𝓷π“ͺ𝓷π“ͺ𝓰π“ͺ𝓷𝓸, 𝓷𝓲𝓽𝓸𝓷𝓰 𝓫𝓾𝓡π“ͺ𝓴𝓡π“ͺ𝓴 𝓼π“ͺ π“œπ“ͺ𝔂𝓸."

Narito ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng Flores de Maria Tapusan 2026 sa ating parokya.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng panahon sa pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria. Sa lahat ng nag-alay ng panalangin at mga bulaklak simula noong Mayo 1 hanggang Mayo 31, sa lahat ng tumulong at sumuporta sa mga gawaing naglalayong magpalaganap ng debosyon sa Birheng Maria, at sa lahat ng mga taong naging dahilan upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito, kami po ay nagpapaabot ng aming walang hanggang pasasalamat.

Gayundin, ating pinararangalan ang ating Hermano at Hermana Mayor 2026 na nagsilbing tulay upang maisagawa ang pagdiriwang na ito sa buong buwan ng Mayo nang matagumpay.

Maraming salamat po, Engr. Leandro Balindan at Gng. Emmalyn Acomular-Balindan at sa inyong pamilya!🩷

Nawa ay patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa tulong ng ating mga panalangin sa Mahal Na Birheng Maria, ang pinakamabango at pinakamagandang bulaklak sa hardin ng Panginoon. 🌸

Viva la Virgen de las Flores de Famy!🌷




VIRGEN DE LAS FLORES 2026MAYO 23Flores de Maria SagalaBanal na Misa - 4:00 N.H.Sagala - 5:00 N.H.MAYO 31TapusanBanal na ...
21/05/2026

VIRGEN DE LAS FLORES 2026

MAYO 23
Flores de Maria Sagala
Banal na Misa - 4:00 N.H.
Sagala - 5:00 N.H.

MAYO 31
Tapusan
Banal na Misa - 5:30 N.H.
Prusisyon - 6:30 N.G.

Maligayang Kapistahan ni San Felipe, Apostol at Martir!❀️🀍Nawa’y patuloy tayong gabayan ng kanyang matibay na pananampal...
03/05/2026

Maligayang Kapistahan ni San Felipe, Apostol at Martir!❀️🀍

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng kanyang matibay na pananampalataya, kababaang-loob, at buong pusong paglilingkod sa Diyos. Sa kanyang halimbawa, matuto tayong magmahal, magtiwala, at magsakripisyo para sa kapwa.

San Felipe, ipanalangin mo kami.πŸ™πŸ»βœ¨

"HALINA AT TAYO Y MAG-ALAY NG MASAMYONG BULAKLAK KAY MARIA"Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa buwanang pagdir...
02/05/2026

"HALINA AT TAYO Y MAG-ALAY NG MASAMYONG BULAKLAK KAY MARIA"

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa buwanang pagdiriwang ng Pagpaparangal sa Virgen de Las Flores ngayong Mayo 1–31, 2026.

Sama-sama po nating ipagdiwang ang ating debosyon kay Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, Banal na Misa, at pag-aalay ng mga bulaklak. πŸ’

β€œSa piling ni Maria, mas lalo nating natatagpuan ang daan patungo kay Kristo.”





Address

Brgy. Calumpang
Famy
4021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camareros de Famy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category