Salvation In the Name of Jesus

Salvation In the Name of Jesus Statement of Faith: https://www.youtube.com//about

13/05/2026

Not Everything That’s Removed Is Loss

May mga bagay na nawawala sa buhay mo—
relationships, plans, opportunities, even routines na nakasanayan mo na.

And honestly, hindi laging madali i-process yun.

Pero not everything that gets removed is loss.

It’s pruning. 🌿

Yung process na hindi ka sinisira,
kundi tinatanggal lang yung mga bagay na hindi na nakakatulong sa growth mo.

Kasi may mga bagay na okay naman…
pero hindi na aligned sa kung saan ka dinadala ni God.

So kung may mga natatanggal man ngayon sa buhay mo,
hindi ka nawawala sa plano—hinuhubog ka.

10/05/2026

It's time to get real, SNJ. 🔥

Hindi lahat ng pumapasok sa apoy ay lumalabas na mas kaunti — minsan, lumalabas kang mas malalim, mas malinaw, mas ikaw.

Continuing our series — Faith in the Fire.

Refined, Not Reduced

May pagkakaiba sa pagitan ng maging battered at maging better. Ang apoy ng Diyos ay hindi dinisenyo para sirain tayo — ito ay dinisenyo para linisin at palakasin tayo. Ngayong Linggo, alamin natin kung paano tayo hindi nabawasan ng ating mga pagsubok kundi naging mas dalisay, mas matatag, at mas angkop para sa layunin ng Diyos.

Huwag palampasin ang mensaheng ito — dalhin mo ang iyong mga kaibigan at pamilya.

06/05/2026

Hindi Kailangan Pilitin

Ang dami nating gustong i-improve sa sarili natin.
Gusto natin maging better, mas productive, mas maayos ang buhay.

Pero minsan, habang pinipilit natin lahat yun, doon tayo nauubos.

Kasi akala natin, sa sarili natin manggagaling lahat ng kailangan natin.

Pero ang totoong fruitfulness hindi galing sa pressure.
Hindi rin galing sa effort lang.

Galing ito sa Lord, kapag naka konekta tayo sa Lord.

Kapag nakakunekta ka sa Kanya, mas nagiging natural ang growth.
Mas may peace. Mas may direction. Mas hindi pilit.

Kaya hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo.
Hindi mo kailangang ipilit lahat.

Stay connected lang sa Lord 🌿

03/05/2026

Happy Sunday, SNJ family & friends! 🌅

Simula na tayo ngayong araw ng isang bagong series na magbabago ng ating pananaw sa mga pagsubok ng buhay.

We're launching our May series — Faith in the Fire.

Faith That Doesn't Flinch

May mga sandali sa buhay na tila lahat ay nasusunog sa paligid mo — ang plano, ang pag-asa, ang lakas. But here's what we often forget: the fire doesn't have the final say. God is still speaking, still moving, and still faithful — even in the middle of the heat. Ngayong Linggo, titingnan natin kung bakit ang tunay na pananampalataya ay hindi natitinag kahit humarap sa pinakamatinding hamon.

Sumali ka sa amin ngayong Linggo at simulan ang paglalakbay na ito kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.

29/04/2026

Huwag Tayong Feelingero

Napapagod ka na bang pilitin ayusin ang sarili mo?
Yung ginagawa mo naman lahat para maging better—pinipili mong magbago, inaayos mo decisions mo… pero parang may kulang pa rin?

Parang may hinahanap kang hindi mo maabot kahit anong effort mo.

Ang totoo, hindi naman talaga sa atin nanggagaling ang buhay na hinahanap natin.

Hindi ito nakukuha sa sariling lakas,
hindi sa talino,
at hindi rin sa kung anong meron tayo.

Kaya minsan, doon tayo nauubos—kasi pilit nating ginagawa mag-isa.

Kaya huwag tayong feelingero…
Hindi tayo ang source.

Kapag natutunan mong manatiling connected sa Kanya,
hindi mo na kailangang pilitin ang bunga—kusa itong lalabas.

Hindi mo rin kailangang maging perfect.
Kailangan mo lang kumapit.

At balang araw, marerealize mo na lang…
Si Lord lang talaga ang kailangan natin. 🌱


26/04/2026

SNJ Family & Friends, Final week na ng ating series: "Surrender Is Power"

This week's message: When Surrender Unlocks: The Power, Joy, and Purpose That Comes from Full Surrender

Sa buong seryeng ito, natuto tayong bitawan, tumigil sa pakikipaglaban, at magtiwala — at ngayong huling linggo, makikita natin kung ano ang bukas kapag ginawa natin iyon. This Sunday, let's close this series with the promise that surrender doesn't end things — it opens them.

Join us as we receive what God has been waiting to unlock in our lives.

See you!! �

22/04/2026

Free in His Grace 💛

Kapag tinanggap mo ang grace ni Lord, hindi ka na basta-basta nag-aalipin sa guilt o sa pressure na perfect ka.
Sa halip, natututo kang mamuhay nang malaya sa Kanya—sa bawat hakbang, may kapayapaan at lakas sa puso mo.
Hindi lang sila ang nababago ng grace Niya… ikaw ang unang nagbabago. 🙏✨

19/04/2026

Good news, SNJ Family & Friends!

Week 3 of our series: "Surrender Is Power"

This week's message: The Burden of Being God's Job: The Emotional and Spiritual Weight of Trying to Do God's Job

Napapagod ka na ba sa pagsubok na kontrolin ang mga bagay na hindi naman sa iyo? This Sunday, let's talk about what we carry when we take on responsibilities that were never meant to be ours — and how surrender brings rest.

Join us as we lay down the weight of trying to do God's job for Him.

See you there! 🙏✨

15/04/2026

Ikaw Muna 💛

Kapag shinare mo ang grace ni Lord, akala mo sila ang magbabago—
pero totoo, ikaw muna.
Sa bawat pagpili mong magpatawad at umintindi, may ginagawa si Lord sa puso mo.
Unti-unti kang binabago—mas nagiging patient, mas marunong mag-let go, at mas natutong magmahal.
At doon mo marerealize, ang grace hindi lang tinatanggap—isinabubuhay din. 🙏✨

08/04/2026

Grace Got You!

Stressful ang araw? Relax lang.
Sapat ang grace ni Lord para gabayan ka at bigyan ng lakas.
Maging totoo sa Kanya at humingi ng tulong—sa Kanyang grace, mas madali mong haharapin ang bawat hamon. 🙏✨

Address

Ermita
1017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Salvation In the Name of Jesus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Salvation In the Name of Jesus:

Share