05/04/2023
โ๏ธMiyerkules Santo
Mateo 26:14-25
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. โAno po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?โ tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.
Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, โSaan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?โ Sumagot siya, โPumunta kayo sa lunsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng G**o: โMalapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad koโy sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.โโ Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang silaโy kumakain, nangusap si Hesus, โSinasabi ko: isa sa inyo ang mga magkakanulo sa akin.โ Nanlumo ang mga alagad, at isaโt isaโy nagtanong sa kanya, โAko po ba, Panginoon?โ Sumagot siya, โAng kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.โ Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, โG**o, ako po ba?โ Sumagot si Hesus, โIkaw na ang nagsabi.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.