San Isidro Labrador Chapel

San Isidro Labrador Chapel Mahal na Patron San Isidro Labrador

Confirmation Ceremony. 😊❤️
04/11/2021

Confirmation Ceremony. 😊❤️

Congratulations to our Newly Elected Youth Officers!😊❤️Nawa ay patuloy na magpagamit ang bawat isa sa mga gawaing para s...
26/09/2021

Congratulations to our Newly Elected Youth Officers!😊❤️
Nawa ay patuloy na magpagamit ang bawat isa sa mga gawaing para sa Diyos. 😊😇

📖Verse of the Day for Sunday, June 6, 2021
05/06/2021

📖Verse of the Day
for Sunday, June 6, 2021

04/06/2021

📖Verse of the Day
for Saturday, June 5, 2021

[Bless the LORD] who satisfies your desires with good things so that your youth is renewed like the eagle's.


—Psalm 103:5

Paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng aming Mahal na Patron San Isidro Labrador!
13/05/2021

Paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng aming Mahal na Patron San Isidro Labrador!

09/05/2021

PAGSISIYAM KAY SAN ISIDRO LABRADOR
© Aklatang Lunas
+Ang tanda ng Santa Krus, iadya Mo po kami sa mga kaaway namin Panginoon naming Diyos, sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. +

PAGSISISI
Maawain kong Hesus, kataas-taasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at tinubos ng Mahal Mong Dugo kaming nabawian ng biyaya't inalipin ng dimonyo dahilan sa kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming mga dibdib, ay inihihiyaw namin nang buong pagtitika sa mahal Mong harapan ang aming pagwawalang-bahala sa Iyong kabutihan, ang masamang pagganti sa Iyong Awa at pagsuway sa Iyong mga utos. Ngayong nagsisisi na kami sa kasalanan, nagmamakaawa sa Iyong Habag na kami ay Iyong patawarin, alang-alang sa karapatan ng Iyong Inang kalinis-linisan at ng lingkod Mong si San Isidro. Ilingap sa amin ang mga mata Mong maawain at pagkalooban kami ng Iyong mahal na biyaya, nang maawat kami sa kasalanang pinagkakahiratihan at nang huwag mawalay sa Iyo magpakailanman.
Ipinahahayag namin, na ipinagpipighating masakit ng aming puso ang pagkakasala sa kabutihan Mong walang hanggan. Patibayin Mo katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan, at huwag itakwil ang aming dalangin hinihingi sa Iyo ng biyayang ikalalagi namin sa pag-ibig at paglilingkod sa Iyo, hanggang sa kami ay papagindapatin Mong pagpalain sa kaluwalhatian doon sa Langit. Siya nawa.

PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Makapangyarihang Diyos Amang Kataas-taasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay binigyan mo kami ng isang uliran at mapagampong pintakasing si Isidrong Magsasaka, na pinagkalooban Mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises na kahit sa lupang kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at binigyan Mo naman ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang pag-anihan, kundi pati kaluluwa ay pinagpilitan ding pag-anihan ng magagandang gawa. Hinihingi namin sa Iyo, na alang-alang sa karapatan ng mapaghimalang Santo, ay pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran namin sa paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at ang pagtulad sa kanya ay masundan namin ang biyayang inagaw sa amin ng kasalanan. Umaasa kami Panginoon sa Awa Mong walang hanggan. Siya nawa.

DALIT
Dukha ka mang sinasambit
lubos ang iyong pag-ibig.

Tugon: Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.

Madla mong kababalaghan
Nagbabantog nagsasaysay
Na ikaw ay pinagyaman
Nang Diyos sa kabanalan
Palibhasa'y sa pag-ibig
Nagniningas ang iyong dibdib

(Tugon)

Ang pagibig ay matibay
Nang puso mo sa Maykapal
Kaya hindi naagaw
Nang mundo't madlang kaaway
Inalalayan ng Langit
Kaya naman di nagahis.

(Tugon)

Uliran nang mag-asawa
Ikaw at si Santa Maria
Na iyong kasi at sinta
Sa mabuting pagsasama
Kaya nga't inyong dibdib
Pinag-isa ng pag-ibig.

(Tugon)

Kailan ma'y di nalanta
Ang iyong pagsampalataya
Gayon din sa Santa Misa
Pag-ibig mo'y di nagbawa
Kaya't ang ani mo sa bukid
Pinakayaman ng Langit

(Tugon)

Magsasakang dukha ka man,
Tinunton mo'y kabanalan
At hindi mo sininsayan
Hanggang sa ika'y mamatay
Mundo'y natalo't nagahis
Ng iyong bayaning dibdib.

(Tugon)

Ikaw ay pinaratangan
Na di anhi'y nagnanakaw
Ngunit ipinagtangkakal
Ikaw ng Poong Maykapal
Di itinulot ng Langit
Na ang puri mo'y maamis.

(Tugon)
Sa tao't libo'y laganap
Ang awa mong walang likat
Kaya ampunan ang tawag
Sa iyo ng mahihirap
Sapagkat di ka nagkait
Sa abang sa iyo'y lumapit.

(Tugon)

Bata't matandang may damdam na sakit
Kung nasasakdal sa iyo'y nasusundan
Ang madla mong kababalaghan
Hindi mo pinaaalis
Hanggang di maligtas sa sakit.

(Tugon)

Itong nobenang hayin
Ng pamimintakasi namin
Iyong papagindapating
Pakinggan at tanggapin
Tingni't hayin nang pag-ibig
At sa iyo'y pananalig.

(Tugon)

Dukha ka mang masasambit
Lubos ang iyong pag-ibig

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.

PANALANGIN SA UNANG ARAW
O ulirang pintakasi naming Amang San Isidro. Ang mahinahon mong buhay ay umakay nawa sa amin sa paggawa ng dakilang kabanalan. Sa pagsusumakit ng mga dimonyo na kami'y huwag makapanood sa kaayaayang Mukha ng Diyos, ay susong-susong tukso ang inihahadlang at ibinabagabag sa amin kaya sumasalilong kami sa iyong pagtatangkilik at ng di magahis ang aming karupukan at nagmamakaamo kami sa iyo na ihingi mo sa Diyos ng masaganang biyaya na ikatitibay ng aming loob sa pakikipagtunggali hanggang sa kamatayan at kami'y marapat mapasama sa Iyo sa pagpupuri sa Diyos doon sa langit na kaluwalhatian. Siya nawa.

*magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati na ihahandog sa kabanalan ni San Isidro.* (Darasalin ito pagkatapos ng bawat panalangin ng partikular na araw)

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW
Mapalad na pintakasi naming San Isidro: dinadalangin namin sa Diyos na kami'y kasihan ng grasia, at nang matutunan namin ang pagsunod sa iyong magagandang halimbawa, ngunit sapagkat wala kaming kabanalang ikararapat na dinggin ng Panginoong Diyos ang aming karaingan, nagsasakdal kami sa iyo at nang ipanalangin mo sa masintahing Ama na pagpalain ang magandang adhikaing matulad sa iyo sa paggawa ng kabanalan hanggang sa huling sandali at kami ay magpuri at magpasalamat sa Diyos dito sa lupa at hanggang doon sa Langit. Gayon din po naman, isinasamo naming kami'y pagkalooban ng biyayang aming ninanasang kamtan sa pagsisiyam na ito, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKATLONG ARAW
Oh gurong uliran sa paggawa ng kabanalan p**n bunying San Isidro. Ang mahaba at marilag na buhay na nagtataglay ng matingkad na kabanalan ay kinalulugdan ng Panginoong Diyos sapagkat minatamis mong dinggin at sundin ang mga pagtawag sa iyo, at bukod dito ay wala ni isa mang sandali na di mo iniukol sa Kanya; yayamang pinupukaw kami ng kaakit-akit na iyong mga kabanalan, namimintakasi't nanaing kami sa iyo, na ipamagitan mo kami sa Diyos at kami ay papagkamtin ng biyaya't magandang tugtog sa loob nang sa aming pagbagbag sa maramot na lupa ng aming puso, ay paganihan namin ng magagandang gawa na ipinipita ng Diyos. Papagkamtin mo rin naman kami ng awa na hinihingi naming bukod sa pagsisiyam na ito kung naaayon sa kalooban Niya at ikagagaling ng aming kaluluwa. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW
Oh masunurin sa Diyos, p**ng San Isidrong pintakasi namin! Yayamang ang marilag mong buhay ay nag-aakay sa amin sa pagsisikap ng magagandang gawa ay nauukol na itong pag-akay mo sa amin ay langkapan mo naman ng dalangin sa Panginoong Diyos, na papagningasin ang aming puso sa paglilingkod sa pag-ibig, at nang magalak ang aming loob ng pagtulad sa iyo, sa malimit na pagharap sa Banal na Misa sa pagsasakit sa magandang kaasalan at ang buhay nami't lakas ay aming iubos sa pagsunod sa mga utos Niya at sa paggawa ng kabanalan, na maipaglingkod sa Kanyang kamahalan, at nang kami'y marapat mapakisama sa iyo sa pagpupuri sa Diyos sa kaluwalhatian sa Langit. Gayon ding hinihingi namin sa iyo ang biyayang hinahangad namin dito sa pagsisiyam, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW
Oh mapagkupkop p**ng San Isidro! Yayamang ang pag-ibig mo sa Diyos na nagniningas sa iyong puso ay ibinabandila ng iyong paglilimos sa taong mahirap na larawan ng Maykapal, at pagsaklolo sa kanilang karalitaan, at sampu ng mga ibon sa himpapawid ay nakikinabang sa iyong pagkamaawain: sa amin nama'y ilaganap mo ang iyong paglingap nang kami'y matutong tumulad sa iyo dito sa marilag na kabanalan, at nang sa gayo'y marapat kami sa awa ng Amang Diyos, ng kung magningas ang aming puso sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tao, pagkalooban kami ng makapangyarihang grasya na ipagkakamit ng kaluwalhatian. Pakamtan mo naman sa amin ang biyayang bukod na hinahangad namin dito sa pagsisiyam, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW
Oh San Isidrong pintakasi naming dapat pagkunang uliran: pinagdidili-dili ko na pinagpala ka ng Diyos, at palibhasa'y tapat kang lingkod, kaya hindi nagahis ang mapagtiis mong dibdib ng mga paraya ng impiyerno, at ang nangagparatang sa iyo at nagsumbong sa panginoon mo sa nagpabaya ka sa iyong pagsasaka, ay pinagtagumapayan mo, kaya nang matanto'y nagalak ang iyong panginoon sa pagkamatapat ng iyong loob. Alang-alang sa pagtatagumpay mong ito ay hinihingi namin sa iyo, na huwag mong ikait ang iyong lingap kung kaming anak mo ay inuusig ng malulupit na dila. Saklolohan mo po kami ng iyong pagtatangkilik, na aming kalugdan ang banal na katahimikan ng kaluluwa at ang magagandang gawa na ikararapat naming sa pagpapala ng Diyos sa buhay na ito at sa pagpupuri sa Kanyang walang hanggang kapanahunan. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW
Oh masunuring lingkod ni Hesus at pintalasi naming p**ng San Isidro! Sa iyong pananalig sa Diyos at pagsasakit mo sa paggawa ng kabanalan ay di naman ikinait ng makapangyarihang kamay ng Diyos ang pagtulong sa iyo, kaya hanggang nawiwili ka sa magandang gawa sa mga simbahan ay nagsisipanaog ang mga anghel at siyang sumasaka sa lupang binabagbag mo, ano pa nga't sa matibay mong pananalig sa Diyos ay ginagantihan ka ng masagang pag-aani, na hinahangaan ng iyong mga kababayan, kaya sayong pag-aampon sa mga magsasaka, ay umaasa silabna ihihingi mo sa Diyos ng masaganang pag-aani. Sa bagay na ito'y papagindapatin mo naman kami na papagkamtin sa Diyos ng grasya ng kasipagan, nang di ang pagsikapan lamang ay ang ani sa lupa, kundi sampu ng magandang gawaing ipagkakamit ng kaluwalhatian. Kami'y papagkamtin mo naman ng awang hinihingi naminh bukod sa pagsisiyam na ito, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW
Mapalad na pintakasi naming San Isidro! Sa pananalig namin sa iyong kapangyarihan na kinasisiyahan ng Diyos ang iyong pananalangin, palibhasa'y banal ka at maawain, ay dumadaing kami sa iyong harapan, na bagamat isang abang magsasaka, ay pinakamahal ka ng Diyos na pinagkalooban ng mga biyaya. Kay ulit ng aming pagpapasalamat at ikaw ay ginawang lingkod na hirang ng Diyos, na pinarangalan kang pinagkalooban ng kapangyarihan sa paggawa ng kababalaghan, at ikinarangal din naman ng Diyos ay kami'y dinggin mo, hinihingi naming na pakundangan sa Diyos ay kami'y dinggin mo, sakloloha't bigyang tuwa, pagkarinig mo ng aming daing. Gayon ang aming pag-asa at sampung gawaing hinihingi naming bukod ay pakamtan sa amin kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW
Oh mapalad na pintakasi naming p**ng San Isidro, ngayong sumasalangit kana, ay diya'y nakakatulad mo'y astrong nagniningning sa harapan ng Diyos, at dito sa mundong iniwan mong bangkay ay linoob ng Langit na hindi masira, at nang aming matanto ang mataas na kaliwalhatiang iginanti sa iyo ng Diyos, nauukol ngayon iyong lingapin itong matatapos naming pagsisiyam na pinagukulan ng aming pamimintakasi sa iyo at umaasa kami na pagpapalain mo ang aming karaingan. Sa dakila mong pag-ibig at pagpapala na namimintakasi sa iyo'y nananalig kaming di mo kami hahabagin, kay humahandog kami sa iyong pagtatangkilik at umaasa na iyong ipamintakasi sa Diyos na Panginoon, at papagkamtin ng buong ikagagaling ng aming kaluluwa't katawan. At sa oras ng aming kamataya'y dadalawin mo kami at ng marapat masama sa iyo magpasawalang katapusan. Siya nawa.

ANTIPONA
Lumabas at nagsabog ng binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay pinaganihan ng buong pananagana.
V. Ipinantnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.
R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin na alang-alang sa pamimintakasi sa Iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapaglingkod sa Iyo ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, nabubuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating man saan. Siya nawa.
+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.+

09/05/2021
PANALANGIN KAY SAN ISIDRO LABRADOR | Patron ng mga MagsasakaKapistahan: Mayo 15Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang may-...
09/05/2021

PANALANGIN KAY SAN ISIDRO LABRADOR | Patron ng mga Magsasaka
Kapistahan: Mayo 15

Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal at Ikaw ang tumatawag sa aming paglilingkod para pangasiwaan ang tanang umiiral sa sansinukob. Ang maaasahang pagganap ni San Isidro sa kanyang pagsasaka ay amin nawang matularan sa lahat ng aming pagsisikap na magkaroon ng makakain ang lahat sa masaganang hapag ng buhay at maglingkod sa kapakanan ng aming kapwa-tao sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
San Isidro Labrador, protektahan at ipanalangin mo kami!

Address

Bebeladan, Palawan
El Nido
5313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share