17/12/2023
LIGTAS ANG MAY ALAM ๐ก
Christian Catholic Facts ๐๐
ALAM MO BA?
Ang paggamit ng protection o lucky charms, bracelet, at iba pa ay labag sa Diyos at paniniwala ng simbahang Katoliko.
Maraming Pilipinong Katoliko ang nagsusuot ng pangtaboy umano ng mga masasamang espirito o kaya naman ay mga pampaswerte tulad ng bracelet, charms, anting anting at iba pa.
Ang mga batang sanggol pa lamang ay hindi rin nakaligtas dito dahil maraming magulang ang pinapasuot ang kanilang mga anak ng mga ganito o kaya naman ay nagsasabit ng may kulay P**a para proteksyon umano sa kanila.
Ito ay labag sa Diyos at sa paniniwala ng simbahang Katoliko sa kadahilanang ang lahat ng ito ay lantarang pagpapahayag ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos at sa mga kaya at sapat na niyang ibinibigay sa atin.
Ito pa nga ay mas lalong makadudulot ng masama sa atin lalo na sa mga bata dahil ito ay maaaring makatawag ng masasamang espirito na mas alam ang mga bagay na ito.
Ngayon, alam mo na. ๐กโจ
Maaari mo rin itong ibahagi sa iba mong kaibigan o kapamilya ng sa ganon ay sa pamamaraang ito ay mailigtas mo din sila sa posibleng kapahamakan. ๐