28/08/2026
Matthew 6:33 says,
"But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."
Minsan, sobrang abala natin sa pagbuo ng buhay na gusto natin kaya nakakaligtaan natin ang Diyos na nagbibigay ng buhay. Punô ang schedule, pero walang oras para manalangin. Maraming ginagawa, pero kaunti ang oras sa Kanyang presensya.
Ang tanong ay hindi kung gaano ka ka-busy.
Ang tanong ay, Sino ang inuuna mo?
Kapag inuuna natin ang Diyos, hindi ibig sabihin na mawawala ang lahat ng problema. Pero nangangahulugan itong may tamang gabay, kapayapaan, at direksyon tayo sa gitna ng lahat ng ginagawa.
Don't let your schedule become so full that there's no room for the One who holds your future.
Start your day with God. End your day with gratitude. At sa pagitan ng lahat ng ginagawa mo, huwag kalimutang unahin Siya.