27/07/2025
Pagbati sa Iglesia ni Cristo 111th Anniversary mula sa Pangulo ng Pilipinas, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang taos-pusong pagbati sa Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang ika-111 anibersaryo bilang pagkilala sa patuloy nitong paglilingkod, pagkakawanggawa, at pakikiisa sa kapwa.
Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng Iglesia ni Cristo bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas na makatao, makabansa, at may takot sa Diyos.