Spiritual Filipino Catholic Church ( El Bethel Israel )

Spiritual Filipino Catholic Church ( El Bethel Israel ) Baptism in the name of the lord

31/01/2026

NABAUTISMUHAN KA NA BA???
ILAN BA ANG URI NG BAUTISMO???

Nabautismuhan ka po ba sa tubig?
Ano ang salita para maging dalisay ang tubig,upang makapaglinis?(Efeso 5:26,Hebreo 5:22)
Nabautismuhan ka po ba sa pangalan ng Ama,at ng Anak,at ng Espiritu Santo?(Mateo 28:19)
Ano ang pangalan nila?(dahil pangalan ang ibabautismo,hindi ang kalagayan bilang Ama,Anak,Espiritu Santo)
Isinulat ba ang pangalan sa iyong noo,sa pamamagitan ng banal na langis?(Bilang 6:27,Pahayag 14:1)
Nabautismuhan ka po ba sa Espiritu Santo?
Ano ang inihinga sayo?gaya ng inihinga ni Jesus ng ibigay ang Espiritu Santo.(Juan 20:22)

Yan po mga kapatid,pagisipan nyo po yan mga tanong na yan.kung ito ba ay alam mo,o ito ba ay tinanggap mo,o ito ba ay naganap sa iyo noong binautismuhan ka.

Kapayapaan ang sumaatin, mga kapatid.

ILAN BA ANG INIUTOS NA BAUTISMO?

Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas;datapuwa't ang hindi sumampalataya ay parurusahan.(Marcos 16:16)
ANONG URI NG BAUTISMO?
Sumagot si Jesus,katotohanan,katotohanang sinasabi ko sa iyo,
Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu,ay hindi siya makakapasok sa kaharian ng Dios.(Juan 3:5)
PARA SAAN ANG TUBIG?
Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa PAGSISISI:(Mateo 3:11)
ANG TUBIG AY SA PAGSISISI LAMANG.NASAAN ANG KAPATAWARAN?
At sinabi sa kanila ni Pedro,mangagsisi kayo,at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa PANGALAN ni Jesucristo sa IKAPAGPAPATAWAD ng inyong mga kasalanan;at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.(Gawa 2:38)

SAPAT NA BA ANG BAUTISMO SA TUBIG?
Mga Gawa, 18:24 - Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
Mga Gawa, 18:25 - Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman LAMANG ay ang bautismo ni Juan:
BAKIT SINABING ANG NAALAMAN LAMANG NI APOLOS AY BAUTISMO NI JUAN? DAHIL KULANG.KAILANGANG MABAUTISMUHAN SA PANGALAN 'NI' JESUS.(GAWA 2:38)

NGAYON, SAPAT NA BA ANG BAUTISMO NI JUAN(TUBIG) AT BAUTISMO SA PANGALAN 'NI' JESUS?
Mga Gawa, 8:15 - Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.
Mga Gawa, 8:16 - Sapagka't ito'y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan LAMANG sa pangalan ng Panginoong Jesus.
BAKIT MAY 'LAMANG' NA NAMAN ANG NABAUTISMUHAN SA PANGALAN NG PANGINOONG JESUS?
DAHIL ITO AY KULANG PA RIN.KAILANGANG MABAUTISMUHAN SA SPIRITU SANTO,PARA MAKUMPLETO ANG 3 URI NG BAUTISMO.

3 URI NG BAUTISMO:(Gawa 19:2-6)

ANG TANONG:Ano ang PANGALAN ng Ama,(???) at PANGALAN ng Anak,(Jesus,pangalan niya dito sa lupa, ??? sa langit) at PANGALAN ng Espiritu Santo,(???) na dapat ibautismo?
Na iniutos na,'gayon nila ILALAGAY ang aking PANGALAN sa mga anak ni Israel'.(Bilang 6:27)
Paano ILALAGAY? ISUSULAT.
Saan ILALAGAY? Sa MGA NOO.
Ano ang ILALAGAY? PANGALAN.(Pahayag 14:1)

Tinanggap nyo po ba ang bautismong ito noong kayo ay bautismuhan?

Sumaatin ang kapayapaan,mga kapatid.

Address

448 Sitio Kamagong Brgy. Sta. Lucia Dolores Quezon
Dolores
4326

Telephone

+639283997567

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spiritual Filipino Catholic Church ( El Bethel Israel ) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Spiritual Filipino Catholic Church ( El Bethel Israel ):

Shortcuts

Share