St. John Paul II Parish-Bungoy Dolores

St. John Paul II Parish-Bungoy Dolores Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. John Paul II Parish-Bungoy Dolores, Religious organisation, Bungoy, Dolores.

Ang page na ito ng Parokya ni San Juan Pablo II ng Diocesis ng Lucena ay magsisilbing daan upang ipabatid ang iba't ibang gawain, banal na pagdiriwang, pagninilay, mga aral tungkol sa simbahan, sa pananampalataya at iba pang mga bagay.

26 Agosto 2026MiyerkulesLAKBAY DALAW 2026 MSK-K3  IbabaPinatotohanan at ipinahayag ng ating Lingkod Pari, Fr. Encio, ang...
26/08/2026

26 Agosto 2026
Miyerkules

LAKBAY DALAW 2026 MSK-K3 Ibaba

Pinatotohanan at ipinahayag ng ating Lingkod Pari, Fr. Encio, ang kabutihan at mga pagpapala ng Diyos sa kanyang buhay, sa pamamagitan ng makapangyarihang intercession ng ating minamahal na Santo Patron, si San Juan Pablo II.

Nawa’y ang banal na buhay at halimbawa ni San Juan Pablo II ay maging inspirasyon sa bawat isa sa atin upang magkaroon ng pusong tunay na nagmamahal at buong pusong sumasampalataya sa Panginoon.

San Juan Pablo II, ipanalangin mo kami at akayin mo kami palapit kay Kristo at sa ating Mahal na Ina. 🙏🏻💙



-K3CentroIbaba

26 Agosto 2026MiyerkulesSTATION OF HOPE -K3 Centro IbabaMaraming Salamat po sa Gavino Family sa pagtanggap sa gawaing it...
26/08/2026

26 Agosto 2026
Miyerkules

STATION OF HOPE -K3 Centro Ibaba

Maraming Salamat po sa Gavino Family sa pagtanggap sa gawaing ito ng ating Simbahan ng buong kabukasan ng inyong tahanan . Nawa'y patuloy kayong maging pagpapala at pag-asa ng bawat isa at ng kapwa.



-K3CentroIbaba

25 Agosto 2026MartesSa ating Lakbay-Dalaw ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na hindi lamang magbago ang ating...
25/08/2026

25 Agosto 2026
Martes

Sa ating Lakbay-Dalaw ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na hindi lamang magbago ang ating pisikal na itsura, kundi higit sa lahat ang pagbabago ng ating puso.

Madalas, kapag naririnig natin ang salitang pagbabago, iniisip natin ang panlabas—ang mukha, pananamit, kilos, o kung ano ang nakikita ng ibang tao. Ngunit ang tunay na pagbabagong hinihingi sa atin ng Diyos ay hindi lamang pagbabago ng ating mukha, kundi pagbabago ng ating puso.

Maging marunong magpatawad, marunong magpakumbaba, at higit sa lahat, marunong magmahal.

Panalangin :
“Panginoon, baguhin Mo ang aking puso. Hindi lamang ang aking mukha, hindi lamang ang aking panlabas na anyo, kundi ang aking kalooban. Turuan Mo akong magpatawad, magpakumbaba at magmahal. At ang pagbabagong ito, tulungan Mo akong panindigan habang buhay.”



24 August 2026Lunes STATION OF HOPE -K3 Sitio SantiagoMaraming Salamat po sa 14 tahanan na nagpatuloy sa gawaing ito ng ...
24/08/2026

24 August 2026
Lunes

STATION OF HOPE -K3 Sitio Santiago

Maraming Salamat po sa 14 tahanan na nagpatuloy sa gawaing ito ng ating simbahan, at sa lahat ng nakiisa at sumama mula sa karatig MSK-Sitio Tabangay (FATIMA) Maraming Salamat po.

Ang inyong mga intention at panalangin makakaasa po kayong isasama natin sa Banal na Misa.




-K3Santiago

IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON AGOSTO 23, 2026“Sino Ako?” — ito ang tanong ni Hesus sa Kanyang mga alagad. At kay P...
23/08/2026

IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
AGOSTO 23, 2026

“Sino Ako?” — ito ang tanong ni Hesus sa Kanyang mga alagad. At kay Pedro, isang mas malalim na tanong: “Mahal mo ba Ako?”

Ang pagkilala kay Hesus ay hindi lamang tungkol sa pagkakaalam kung sino Siya, kundi sa tunay na pagkilala at pagtanggap sa Kanya sa ating buhay.

Tulad ni Pedro, buong pananampalataya nating ipahayag:
“Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.”

Nawa ang ating pagkakilala at pananampalataya kay Hesus ay maging ugat ng tunay na pagmamahal, pang-unawa, pagpapatawad at pagtitiwala sa Diyos. Sa ganitong paraan, mas lalalim ang ating relasyon sa Kanya at higit nating maisasabuhay ang Kanyang pagmamahal.

🙏 Kilalanin si Hesus. Mahalin Siya. Magtiwala sa Kanya. At hayaang Siya ang maging sentro ng ating buhay.

Maligayang Kaarawan!SK Chairman Rogelio Jr Gavalez Amat ng Brgy. Bungoy Dolores, Quezon.
22/08/2026

Maligayang Kaarawan!
SK Chairman Rogelio Jr Gavalez Amat ng Brgy. Bungoy Dolores, Quezon.

21 August 2026BiyernesBanal na Misa "Lakbay Dalaw"  sa MSK-K3 Sitio Santiago Urea Purok I. Bungoy Dolores, Quezon Marami...
21/08/2026

21 August 2026
Biyernes

Banal na Misa "Lakbay Dalaw" sa MSK-K3 Sitio Santiago Urea Purok I. Bungoy Dolores, Quezon

Maraming Salamat po sa mga nakiisa.

GOSPEL: Mateo 22:34-40

REFLECTION :
Magmahal tayo sa Diyos sa pamamagitan ng tunay na pagmamahal, paggalang, at pagtanggap sa ating kapwa—anumang estado nila sa buhay.

Sapagkat sa bawat taong ating tinatanggap, minamahal, at binibigyan ng malasakit ay doon nakikita at minamahal din natin ang Diyos. 🙏❤️



Agosto 20, 2026HuwebesGOSPEL : MT. 22:1-14PAGNINILAY:"Ang Langit ay Isang Piging"Ang langit ay isang piging na inihanda ...
20/08/2026

Agosto 20, 2026
Huwebes

GOSPEL : MT. 22:1-14

PAGNINILAY:
"Ang Langit ay Isang Piging"

Ang langit ay isang piging na inihanda ng Diyos para sa ating lahat. Walang pinipili, walang hindi iniimbitahan. Ang paanyaya ng Diyos ay para sa bawat isa sa atin.

Ngunit habang tayo ay inaanyayahan, handa ba tayong magbago? Suriin natin ang ating puso at ang ating sarili. May mga bagay ba tayong kailangang talikuran, ituwid, at baguhin upang maging karapat-dapat sa piging na inihanda ng Diyos.



19 August 2026Station of HopeMSK-K3 Mount Carmel Sitio TondoPasasalamat sa mga  tahanan na nagpatuloy sa gawaing ito ng ...
19/08/2026

19 August 2026
Station of Hope

MSK-K3 Mount Carmel Sitio Tondo

Pasasalamat sa mga tahanan na nagpatuloy sa gawaing ito ng ating simbahan Sis Jhonalyn Kaibigan at Ate Noemi Gutierrez Ayubo -MSK/K3 Coordinator. Salamat po.




Aug. 19, 2026Wednesday Devotion Gospel: Matthew 20:1-16REFLECTION :Bilang tao huwag nating iisipin na tayo ang higit na ...
19/08/2026

Aug. 19, 2026
Wednesday Devotion

Gospel: Matthew 20:1-16
REFLECTION :
Bilang tao huwag nating iisipin na tayo ang higit na magaling kaysa sa iba. May pagkakataon, mas binibigyan natin ng pagkilala ang mga taong may narating sa buhay—ang mayaman, sikat, makapangyarihan, o may malaking impluwensiya, at ang maliit at walang sinasabi sa lipunan ay hindi natin pinapansin, walang boses at hindi pinahahalagahan.

Ngunit iba ang pagtingin ng Panginoon. Sa Kanyang paningin, pantay-pantay ang lahat. Walang nakahihigit at walang mababa; bawat isa ay may halaga sa harap ng Diyos.



Address

Bungoy
Dolores
4326

Telephone

+639162403775

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John Paul II Parish-Bungoy Dolores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. John Paul II Parish-Bungoy Dolores:

Shortcuts

Share