17/11/2023
Ating samahan ang kauna-unahang Coronada ng Diocesis ng Lucena sa kanyang muling pagbagtas sa mga lansangan ng makasaysayang Intramuros sa darating na ika-3 ng Disyembre, Linggo, sa ganap na ika-4 ng Hapon. Sama-sama tayong sumigaw ng "Sa Birhen!" bilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen Dolorosa!
Para sa mga katanungan at impormasyon, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa opisyal na FB Page ng Parokya at Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen Dolorosa - Parish and National Shrine of Our Lady of Sorrows. Maraming salamat po.
❗️PAANYAYA❗️
INTRAMUROS GRAND MARIAN PROCESSION 2023
Ang Imahen po ng Mahal na Birheng Dolorosa ay naanyayahan na makiisa sa taunang Intramuros Grand Marian Procession (IGMP) sa darating na ika - 3 ng Disyembre 2023 na gaganapin sa Intramuros, Manila.
Tunghayan po ang ilang panuntunan sa mga nais
makiisa sa IGMP 2023.
1. Magparehistro po sa opisina ng parokya ang mga
nais makiisa sa IGMP 2023.
2. Ang registration fee po ay Php 350.00 na may
kasamang t-shirt at kandila na gagamitin sa
prusisyon.
3. May registration fee rin po ang mga sasakyan na
Php 100.00 para sa laminated car number at car
sticker ng Mahal na Birheng Dolorosa
4. Pakidala po ng inyong Alampay(shawl) ng Mahal na
Birheng Dolorosa na gagamitin din sa prusisyon.
5. Para po sa paglilinaw o iba pang detalye, maaari po
kayong mag message sa ating FB Page.
Salamat po!