02/04/2021
TO LIVE IS CHRIST, TO DIE IS GAIN ⚰️
Ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang.
Christ died and was buried, and in reality, someday ganyan din ang mangyayari sa iyo.
Pero dahil kay Cristo ay may pag-asa ka, may galak mo pa rin na harapin ito dahil uuwi ka na sa totoong tahanan mo.
Uuwi ka na sa piling ng Diyos na nagligtas sa iyo sa kasalanan.
Uuwi ka na sa ating tunay na Diyos na iyong pinaglilingkuran.
Hindi pa naman ngayon ano dahil nababasa mo pa naman 'to di ba? 😅
Although ngayon maaaring may nauna ng umuwi sa iyo, kaibigan mo, nanay mo, tatay mo, o kapamilya mo na may pananampalataya kay Jesus.
Pero pagdating ng takdang panahon at kapag tayong lahat ay Kaniya ng tinipon makakasama muna Sya.
Isa ito sa pag-asa na mayroon ka dahil kay Jesus, ang pagkamatay at paghihiwalay ay pansamantala lamang.
May buhay after ng buhay para sa mga tunay na kay Cristo and our best lives ay hindi dito.
Bakit ba dapat natin na maintindihan? 🤔
Siyempre, upang maging iyong kalakasan sa kabila ng dami ng gulo ng buhay dito sa lupa.
Pagkawala, sakit, kasalanan, paghihirap, may COVID pa nga na mahigit isang taon ng nararanasan, at marami pang iba.
Ngunit sa biyaya Niya ay tumatag ka sa personal mong buhay at kahit sa paglilingkod man 'yan.
Dahil alam mo na ang lahat ng hindi mabuting bagay na nararanasan mo, ang lahat ng ito ay may katapusan.
Uuwi ka rin sa piling Niya, sa magpawalang-hanggan, kung saan naroon ang kapahingahan at kapayapaan.
Wala ng pagluha, wala ng sakit, wala ng karamdaman, wala ng kasalanan, may reunion pa with fellow kapatiran.
Kaya sa Kaniyang biyaya, sa panahong kasalukuyan ay sikapin mo muna na magbigay ng kaluguran sa Diyos sa pamamagitan ng buhay mo.
Panghawakan mo rin ng mainam ang mga pangako ng Diyos na tulad nito. Tunay ito, magaganap at hindi hoax lang, alright? 🙂
Mapagpalang umaga and grace be with you. 🙏
Philippians 1:21 (NKJV), "For to me, to live is Christ, and to die is gain."