Damas Dela Virgen Dolorosa Official

Damas Dela Virgen Dolorosa Official Parish and National Shrine of Our Lady of Sorrows

VENERATION CHAPEL'S UPDATESSa pagsisikap na maging mas maganda at mas lalo pang maging kaiga-igaya sa mga dumarating  na...
01/06/2023

VENERATION CHAPEL'S UPDATES

Sa pagsisikap na maging mas maganda at mas lalo pang maging kaiga-igaya sa mga dumarating na mga deboto at mga manlalakbay ang Veneration Chapel ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birheng Dolorosa, napagkasunduan ng samahan na nangangalaga dito, ang Damas dela Virgen Dolorosa, na muling papinturahan ang kisame sa unang bahagi pag-akyat dito. Pinalitan din ang mga napunding ilaw upang maging mas maliwanag sa loob nito. Madadagdag din dito ang paglalagay ng speaker para magkaroon ng background instrumental/worship music upang makatulong sa mga nagdadasal dito na mas lalo pang lumalim ang kanilang pakikipag-ugnayan at heart to heart talk kay God through Mama Mary.

Isa ring magandang balita na ang Veneration Chapel sa pagsisikap ng Damas de la Virgen Dolorosa at sa pag gabay ni Msgr. Tony Viray sa kanilang mga gawain at mga proyekto ay naging makabuluhan nang mapalagyan nila ng two floor mounted aircon ang loob nito. Hindi ito magiging possible kung hindi dahil sa mga taong patuloy na namimintuho sa Inang Gabay sa pamamagitan ng pag-aalay nila ng kandila tuwing araw ng Biyernes. Ang perang nalikom dito ay inilaan nila para mapalagyan ng aircon ang loob ng Veneration Chapel upang maging komportable ang mga namimintuho at mga deboto na pumupunta dito. Inaasahan na mas lalo pang dadami ang mga taong magdarasal dito sapagkat hindi na magiging hadlang ang mainit at maalinsangang temperatura sa loob.

Samantala, lubos ang pasasalamat nina Rev. Msgr. Tony Viray at ang DAMAS sa CM Tech Aircon and Refrigeration Services sa bukas palad nilang pag donate ng isang split type aircon. Napagkasunduan na itong ibinigay na aircon ay dun ikabit sa Bahay ni Maria. Naniniwala ang Damas na sa pagsisikap nilang maipalaganap ang debosyon sa Mahal na Inang Gabay, patuloy na dadami ang mga namimintuho sa kanya at higit pang titibay ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos. - (N.R. Pascua, DDLVD)

Address

Parish And National Shrine Of Our Lady Of Sorrows
Dolores
4326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Damas Dela Virgen Dolorosa Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share