Christ Jesus Our Righteousness Ministry - CJOR

Christ Jesus Our Righteousness Ministry - CJOR To prepare the people of God for the soon-return of the Lord Jesus Christ.

05/04/2026

Sunday Service | 4.5.2026

The Power of Christ Death and Resurrection
Philippians 3:10-11

Pastor Manny Luya

Brothers and Sisters in Christ. Be updated!Be prepared!We welcome and invite you to our Prophecy Update which will take ...
06/02/2026

Brothers and Sisters in Christ.

Be updated!
Be prepared!

We welcome and invite you to our Prophecy Update which will take place in our CJOR Church. Tonight at 6:30.

Spread the word, and let’s have a meaningful discussion! 😊

Revelation 1:3 NKJV
Blessed is he who reads and those who hear the words of this prophecy, and keep those things which are written in it; for the time is near.

14/12/2025

Shalom! Blissful morning po sa lahat ng kapatiran online,, wala po tayong online Service ngayon dahil po sa internet probs.. Maybe next week po ay makapag online na po uli.. Thank you all po God bless everyone πŸ™πŸ™ To God be the glory πŸ™ŒπŸ™ŒπŸ™Œ

07/09/2025

happy sunday

Malungkot ka ba? Wasak ba ang puso mo? Pakiramdam mo ba'y durog ka na sa sobrang bigat ng nararamdaman mo? Nararamdaman ...
10/07/2025

Malungkot ka ba? Wasak ba ang puso mo? Pakiramdam mo ba'y durog ka na sa sobrang bigat ng nararamdaman mo? Nararamdaman mo ba ang presensya ng Panginoon sa gitna ng iyong mga kabigatan?

Minsan, nakakaramdam tayo ng matinding lungkot at parang wasak ang ating puso. Pero ang totoo, malapit ang Panginoon sa atin. Maaaring hindi mo nararamdaman ang Kanyang presensya ngunit malinaw ang pangako ng Diyos para sa atin. Hindi kailanman malayo ang Diyos sa ating sakit at pinagdaraanan. Alam Niya ang bawat luha, bawat hinanakit, bawat bigat ng puso. Hindi lang Siya basta malapit, nananatili Siyang kasama natin at tumutulong sa atin para makatawid sa mga pagsubok.

Hindi Siya natitinag, kahit gaano pa kalalim ang sugat o pagkawasak ng ating damdamin. Hindi Siya nagugulat sa bigat ng pinagdadaanan mo. Ang totoo, mas lalo Siyang lumalapit sa mga nasasaktan.

Kaya kapatid, kung ikaw ay dumaraan sa mabibigat na pagsubok ngayon, huwag kang panghinaan ng loob. Ang Diyos ay hindi kailanman nagkukulang. Patuloy tayong kumapit sa Kanyang mga pangako. Dahil sa piling Niya, kahit sa gitna ng mga kabigatan, may kapayapaan, may pag-asa, at may kalakasan.

Hindi ka nag-iisa, kapatid. Kasama mo ang Diyos.

10/07/2025
Nakaugat ka ba nang malalim kay Jesus? Hinahayaan mo ba Siyang dumaloy sa buhay mo? Kapag nananatili ka sa Kanya, makaka...
10/07/2025

Nakaugat ka ba nang malalim kay Jesus? Hinahayaan mo ba Siyang dumaloy sa buhay mo? Kapag nananatili ka sa Kanya, makakaasa kang magbubunga ka nang sagana at matutupad mo ang layunin na inihanda Niya para sa iyo.

Hindi lang bahagi ng buhay natin si Jesus, Siya mismo ang pinagmumulan ng ating buhay. Maaari tayong magsikap, magplano, at magpursige, pero kung wala Siya, mauuwi lang ito sa wala. Ang tunay na lakas, layunin, at bunga ng buhay ay nagmumula sa matibay na koneksyon sa Kanya. Siya ang puno, tayo ang mga sanga.

Kaya kapatid, stay rooted!

Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa isang bagay na totoo, kahit hindi pa natin ito nakikita o nahahawakan. Katulad ...
09/07/2025

Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa isang bagay na totoo, kahit hindi pa natin ito nakikita o nahahawakan. Katulad nang sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng malaking barko dahil darating ang matinding pagbaha na wawasak sa buong daigdig. Wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ng Diyos ngunit nagtiwala siya sa Diyos at sinunod niya ang lahat ng pinapagawa sa kanya. (Genesis 6:12-22)

Sa ating espiritwal na buhay, kailangan nating maniwala at magtiwala sa Diyos nang buong puso, kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang lahat ng sinasabi Niya sa atin. Kapag sinasabi ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya sa gitna ng ating mga pinagdadaanan, kailangan nating sumunod at magtiwala. Dapat tayong mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. Huwag tayong umasa sa sarili nating kakayahan, kundi sa kakayahan ng Diyos.

Kaya kapatid, kung ikaw man ay nakakaranas ng mga pagdududa at hindi mo lubusang kayang unawain ang plano ng Diyos sa buhay mo, lumapit ka sa Kanya at ialay mo ang iyong buhay at hilingin mo na baguhin Niya ang iyong puso upang matupad ang Kanyang Magandang plano para sa buhay mo.

Address

Brgy. Pinagdanlayan
Dolores
4326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ Jesus Our Righteousness Ministry - CJOR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share