15/08/2026
Malugod at taos-puso po nating binabati ang ating Rektor at Kura ParokoโRev. Fr. Virgilio Nadres Jr. at ang kanyang katuwang na lingkod pariโRev. Fr. Felix Ayala Jr. sa kanilang matagumpay at makabuluhang Annual Clergy Retreat!
Nawaโy ang mga araw na inilaan sa katahimikan, pananalangin, pagmumuni-muni, at mas malalim na pakikinig sa tinig ng Diyos ay naging bukal ng panibagong lakas, sigla, at inspirasyon sa kanilang bokasyon.
Sa kanilang pagbabalik, buong galak natin silang tinatanggap at ipinagpapasalamat sa Diyos ang kanilang patuloy na katapatan at pagtugon sa kanilang bokasyon. Nawaโy ang mga biyaya at aral na kanilang tinanggap sa retreat ay magsilbing panibagong lakas upang higit nilang maialay ang kanilang mga sarili sa paglilingkod, paggabay, pagmamahal at pagiging mapagkalingang mga pastol sa bayan ng Diyos.
Maraming salamat po, ating mga pari, sa inyong buong pusong paglilingkod. Patuloy namin kayong isinasama sa aming mga panalangin. Nawaโy patuloy kayong palakasin ng Panginoon, pag-ingatan ng Mahal na Birheng Maria, at gabayan ng Espiritu Santo sa inyong bawat hakbang. Hiling namin na sa bawat Banal na Misa, panalangin, pagpapayo, at paglilingkod, makita ninyo ang bunga ng inyong pag-aalay at maramdaman ninyo na hindi kayo nag-iisa sa inyong misyon.
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค ๐ฉ๐จ, ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ข! ๐๐๐ฐ๐โ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ -๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง!