26/06/2026
ULIRANG AMA 2026 | HUNYO 21, 2026
"Araw ng mga Ama"
Pinarangalan ngayong Linggo ang mga natatanging Ama na naging sandigan, haligi, at tagapagtaguyod ng bawat pamilya at pamayanan. Bilang pagkilala sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at paglilingkod, iginawad ang parangal na “Ulirang Ama 2026” bilang pagpupugay sa kanilang mahalagang papel sa ating buhay.
Tulad ni San Jose, maging huwaran ang bawat Ama ng paglilingkod at kababaan ng puso na walang ibang hiling kundi ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang pamilya.
HAPPY FATHERS DAY!