Batong Buhay Lutheran Church

Batong Buhay Lutheran Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batong Buhay Lutheran Church, Religious organisation, National Road, Doña Remedios Trinidad.

Pagbati sa ngalan ng Panginoon!Ipinababatid po ng Batong Buhay Lutheran Church ang isang magandang pagpapala mula sa ati...
24/05/2026

Pagbati sa ngalan ng Panginoon!

Ipinababatid po ng Batong Buhay Lutheran Church ang isang magandang pagpapala mula sa ating Diyos na tayo po ay magkakaroon na ng regular Sunday School sa ating mga Out Stations na nabuksan noong mga nakaraang VBS.

Hinihikayat po ang ating mga magulang na nais ipadala ang ating mga anak kung saan may mga nakatalagang lugar ng pag-aaral:
📌BBLC- Sundays, 8:00am
📌ARMSTRONG, MAUWAY, PUTING BUHANGIN, Sundays, 3:00pm

Patuloy po tayong manalangin na ang Banal na Espiritu ang Siyang laging mag-ingat sa atin sa paghayong ito.

Salamat po sa mga patuloy na sumusuporta sa Misyon ng Diyos.

Sunday Schools’ ArtworksTheme: Thirst No MoreText: John 7: 37-39Ang mga larawan ay nagpapakita na tayong mga tao ay uhaw...
24/05/2026

Sunday Schools’ Artworks
Theme: Thirst No More
Text: John 7: 37-39

Ang mga larawan ay nagpapakita na tayong mga tao ay uhaw sa mga bagay na makamundo. Mga bagay na lumilipas at panandaliang nakapagbibigay ng saya. Ngunit hindi natin napapansin na mas uhaw ang ating Espiritu. Na ang Espiritu natin ang higit na nangangailangan ng inumin. Kaya ipinapakita sa ilustrasyon na si Jesus ang makapagbibigay sa atin ng Tunay na Tubig na NAGBIBIGAY-BUHAY at ang LUMALAPIT SA KANYA AY HINDI MULING MAUUHAW KAILANMAN.

Pabatid!Mga minamahal naming kapatid kay Kristo, amin pong ipinababatid na ang Sunday School Schedule ng ating mga anak ...
23/05/2026

Pabatid!

Mga minamahal naming kapatid kay Kristo, amin pong ipinababatid na ang Sunday School Schedule ng ating mga anak ay magsisimula na sa ganap na ika-8:00 ng umaga tuwing araw ng Linggo, simula bukas, Mayo 24, 2026.

Layunin po nitong ang ating mga anak at ang mga g**o ay makasama rin natin sa Banal na Pagsamba, at bilang pagsasanay na rin sa ating mga anak na sila ay nasa loob ng simbahan sa oras ng ating misa.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagtalima sa nasabing gawain.

Pagpalain tayo ng Diyos 😇

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Batong Buhay Lutheran Church kay  Ms. Ceres Salvador at sa ilang kabataan ng I...
20/05/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Batong Buhay Lutheran Church kay Ms. Ceres Salvador at sa ilang kabataan ng Immanuel Lutheran Church sa oras at pagkakataon na nakasama namin kayo para sa isinagawang Music Workshop.

Nawa ay maraming pagkakataon pa ating mapagsamahan.

Papuri sa Diyos sa katagumpayan ng gawaing ito 😇

Music WorkshopDay 2
19/05/2026

Music Workshop
Day 2

Music Workshop (Random Pics)Day 1
18/05/2026

Music Workshop (Random Pics)
Day 1

Isang kasaysayan na naman ang naitala sa Batong Buhay Lutheran Church. Malaking karangalan po para sa amin na kami ay na...
18/05/2026

Isang kasaysayan na naman ang naitala sa Batong Buhay Lutheran Church. Malaking karangalan po para sa amin na kami ay naging malaking bahagi sa nagdaang Youth Camp- CAMP SINAG 2026.

Nagpapasalamat kami sampu ng aming Pastor, Konseho, at Kapulungan, na nabigyan ninyo kami ng pagkakataong maghost ng nasabing gawain. Bagaman may mga kakulangan, hindi ito naging hadlang upang maging matagumpay ang programang ito para sa ating mga Kabataan.

Ipinaaabot rin namin ang aming mainit na pasasalamat sa ating Pamahalaang Bayan, Pamahalaang Barangay, PNP, BFP, at mga Sponsors, na naging katuang din natin sa nasabing aktibidad.

Sa Samahan ng ating mga Pastors sa SLD, sa SLDYO, mga Staff, at iba pang kasama, nawa ay nasiyahan kayo sa aming naging paglilingkod sainyo sa loob ng limang araw.

Sa aming mga kapatiran sa Mt. Sinai at Mt. Calvary, maraming salamat din sa inyong pagtulong mula paghahanda hanggang sa pagliligpit ng mga ginamit sa Camp.

Hanggang sa muling pagkikita!

Papuri sa Diyos sa lahat ng ito.

Late Post!Ang Batong Buhay Lutheran Church ay nagpapaabot nang lubos na pasasalamat sa mga magulang, kaibigan, maging sa...
18/05/2026

Late Post!

Ang Batong Buhay Lutheran Church ay nagpapaabot nang lubos na pasasalamat sa mga magulang, kaibigan, maging sa mga bata na naging bahagi ng ating matagumpay na VBS noong nakaraang buwan, Abril 20-24, 2026.

Nagpapasalamat din po kami sa ating Pastor, Rev. Joseph Bangayan, sa mga konseho sa pangunguna ng aming Pangulo, Jimmy B. Palaya, mga miyembro, at sa lahat ng naging instrumento sa pagbibigay ng kanilang suporta, donasyon, oras at panahon upang maisakatuparan ang programang ito.

Higit sa lahat, sa Panginoon na Siyang nagpatupad ng lahat ng ito. salamat po sa paggabay at pag-iingat upang maging bahagi kami ng inyong Misyon.

18/05/2026

Body percussion is the art of using the human body as a musical instrument to create rhythms and sounds, such as clapping, snapping, stomping, and patting.

18/05/2026

Rhythmic Percussion Activity
Group 4

18/05/2026

Rhythmic Percussion Activity
Group 3

Address

National Road
Doña Remedios Trinidad

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batong Buhay Lutheran Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share