05/06/2026
📸: Flores de Maria 2026
Sa pagbabalik-tanaw sa makulay at mapagpalang pagdiriwang ng Flores de Maria noong Mayo 30, 2026 sa Kalawakan Catholic Mission Station, muling nagniningning ang debosyon ng buong pamayanan sa Mahal na Birheng Maria.
Sa pagkakaisa ng 12 sitios ng Mission Station, bawat sagala na kumakatawan sa iba’t ibang titulo ng Mahal na Ina ay naging buhay na patotoo ng pananampalataya—isang taimtim na pag-alay ng ganda, panalangin, at pag-ibig sa Kanya na patuloy na umaakay sa atin patungo kay Kristo. Nagsimula ang banal na pagtitipon sa sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo, na sinundan ng Banal na Misa na pinamunuan ni Fr. Aidref Ronquillo, Paring Tagapamahala ng pamayanan.
Ang pagdiriwanb ay pinagyaman ng pag-aalay ng mga bulaklak at panalangin sa Mahal na Birhen, tanda ng isang pusong nagkakaisa sa debosyon at pasasalamat.
Taos-pusong pasasalamat sa Pastoral Council sa pangunguna ni Vice Chairperson Sis. Elvie de Sagun, sa Kalawakan Proper Chapel sa pamumuno ni Sis. Rowena Tesnado, at sa PCY na pinangungunahan ni Sis. Rovy Villanueva, kasama ang Ministry of Altar Servers sa pamumuno ni Bro. John Llyod Opeña, gayundin sa lahat ng kinatawan ng bawat sitio na buong pusong nakibahagi sa pagdiriwang.
Natatangi rin ang pasasalamat sa Pamilya Sanchez sa kanilang alay na bulaklak para sa Mahal na Ina bilang pag-alala sa yumaong papal awardee na si † Sir Knight Dr. Domingo Sanchez—isang buhay na saksi ng pananampalataya at paglilingkod.
Sa lahat ng ito, ang Flores de Maria ay nananatiling paalala: ang tunay na kagandahan ay ang pusong nag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.