Unity in Christ UMC

Unity in Christ UMC Ipapakita dito ang pagkakaisa ng mananapalataya.

Ang purpose ng page na ito ay patungkol sa mga aktibidad upang lalong lumago ang pananampalataya ng bawat isa, ito ay magsisilbing inspirasyonon para sa mga kabataan, bata, kababaihan at kalalakihan.

BANYUHAY (Bagong Anyo ng Buhay) reminds us that transformation takes time, faith, and surrender.“If anyone is in Christ,...
30/12/2025

BANYUHAY (Bagong Anyo ng Buhay) reminds us that transformation takes time, faith, and surrender.

“If anyone is in Christ, he is a new creation.” (2 Cor. 5:17)
Being transformed, not conformed. 🐛🦋

Ikapitong Simbang Gabi—sa pangunguna ni Pastor Vic Sagabaen pinaalalahanan tayo ng kagandahang-loob at awa ng Diyos; na ...
22/12/2025

Ikapitong Simbang Gabi—sa pangunguna ni Pastor Vic Sagabaen pinaalalahanan tayo ng kagandahang-loob at awa ng Diyos; na ang kaligtasan ay ipinapahayag sa pamilya at pamayanan; na may mga palatandaan ng pagtubos; at na ang kamay ng Panginoon ay patuloy na gumagabay sa atin sa panahon ng kaligtasan. Tunay nga, tayo ay tinatawagan na patuloy na lumago sa ating pananampalataya.

Ikaanim na Simbang Gabi—hinatid sa atin ng Diyos ang Kanyang mensahe sa pamamagitan ng buhay ni Kap. Eligio Alcantara, i...
22/12/2025

Ikaanim na Simbang Gabi—hinatid sa atin ng Diyos ang Kanyang mensahe sa pamamagitan ng buhay ni Kap. Eligio Alcantara, isang paalala na ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa pamumuhay na may paglilingkod, kababaang-loob, at pagsunod sa Kanyang kalooban.

Ikalimang Simbang Gabi—limang hakbang ng pananampalataya, limang gabi ng pag-asa. Patuloy sa paghihintay kay Kristo.
22/12/2025

Ikalimang Simbang Gabi—limang hakbang ng pananampalataya, limang gabi ng pag-asa. Patuloy sa paghihintay kay Kristo.

Isang hapon na puno ng ngiti, tawanan, at pasasalamat—paalala na kahit sa simpleng pagtitipon, ramdam ang pag-ibig ng Di...
22/12/2025

Isang hapon na puno ng ngiti, tawanan, at pasasalamat—paalala na kahit sa simpleng pagtitipon, ramdam ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa. 🤍

“Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo’y magalak at magsaya sa araw na ito.” – Awit 118:24

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga sponsors: Pastor John Cailing Salinas , Pastor Danny Roxas, Teacher Nimfa, sa Araneta Family, at sa iba pa pong mga nagsponsors para mabigyang ngiti ang labi ng bawat-isa. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon. 🙏✨

⭐️ Ikaapat na Simbang Gabi ⭐️Sa ikaapat na gabi ng Simbang Gabi, binigyang-diin ang mga palatandaan ng pagkilos ng Diyos...
19/12/2025

⭐️ Ikaapat na Simbang Gabi ⭐️

Sa ikaapat na gabi ng Simbang Gabi, binigyang-diin ang mga palatandaan ng pagkilos ng Diyos sa buhay ng Kanyang tinatawag:

1. Kung tinawag, may papalitan – The Sign of Calling
Kapag tayo’y tinawag ng Diyos, may binabago Siya sa atin—pananaw, puso, at direksyon ng buhay.

2. Kung may pangako, may impossible – The Sign of the Impossible
Ang mga pangako ng Diyos ay kadalasang lampas sa ating kakayahan, upang ipaalala na Siya ang kumikilos, hindi tayo.

3. Kung susunod, may paglikha– The Sign of Surrender
Sa ganap na pagsunod at pagsuko, may bagong nililikha ang Diyos sa atin at sa pamamagitan natin.

Ang makabuluhang mensaheng ito ay hatid ng Diyos sa pamamagitan ni Kapatid na Jessamin Payad Angeles

Ikatlong Simbang Gabi 🌟Sa gabing ito, ginamit ng Diyos ang buhay ni Sis. Evelyn Palasigue upang ipaalaala sa atin ang ka...
18/12/2025

Ikatlong Simbang Gabi 🌟

Sa gabing ito, ginamit ng Diyos ang buhay ni Sis. Evelyn Palasigue upang ipaalaala sa atin ang kahalagahan ng patuloy na paglilingkod kahit walang agarang tugon, ang pagtitiwala na ang sagot sa ating mga panalangin ay dumarating hindi sa oras na nais natin kundi sa God’s perfect time, at ang kakayahang tanggapin at mahalin ang ating kapwa bilang tunay na pagpapahayag ng pag-ibig ni Kristo.

Isang paanyaya na manatiling tapat, mapagtiwala, at magmahal, sapagkat ang Diyos ay laging kumikilos. ✨

⭐️ Ikalawang Simbang Gabi 🌟Mula sa Mikas 5:2 at Mateo 1:18–25, pinaaalalahanan tayo na ang Diyos ay kumikilos kahit sa m...
17/12/2025

⭐️ Ikalawang Simbang Gabi 🌟

Mula sa Mikas 5:2 at Mateo 1:18–25, pinaaalalahanan tayo na ang Diyos ay kumikilos kahit sa mga tahimik at hindi inaasahang paraan—mula sa maliit na Bethlehem hanggang sa masunuring puso ni Jose. Sa gabing ito, ginamit ng Diyos ang buhay ni Pastor Patrick James Evangelista Lazaro upang ipahayag ang mensahe ng pag-asa at pagtitiwala sa Kanyang plano.

Ipinakilala si Hesus bilang "Emmanuel," na ang ibig sabihin ay “Diyos na sumasa-atin.” Isang katiyakan na sa bawat pagsubok at pag-aalinlangan, kasama natin ang Diyos—kahapon, ngayon, at magpakailanman. ✨

Administrative Pastor: Rev. Jimmy Araneta

⭐️ Unang Simbang Gabi ✨Mula sa Mateo 1:1–17, pinaaalala sa atin ang talaan ng angkan ni Hesus—isang kwento ng mga henera...
16/12/2025

⭐️ Unang Simbang Gabi ✨

Mula sa Mateo 1:1–17, pinaaalala sa atin ang talaan ng angkan ni Hesus—isang kwento ng mga henerasyong may halong tagumpay at pagkukulang, pero patunay na tapat ang Diyos sa Kanyang pangako. Sa bawat pangalan, makikita na ginagamit ng Diyos ang ordinaryo at maging ang mga sirang bahagi ng kasaysayan upang ihanda ang daan para sa Tagapagligtas.

Sa unang Simbang Gabi na ito, inaanyayahan tayong magtiwala: may lugar ang ating kwento sa mas dakilang plano ng Diyos. 🌟

✨ Hello Youth! Kamusta na kayo? ✨Handa na ba kayong ma-refresh at ma-renew sa presensya ni Lord? 🙌💛Samahan niyo kami sa ...
29/08/2025

✨ Hello Youth! Kamusta na kayo? ✨
Handa na ba kayong ma-refresh at ma-renew sa presensya ni Lord? 🙌💛
Samahan niyo kami sa Youth Fellowship this August 30, 2025 (Saturday | 2PM–5AM) with the theme: “Renewed in Christ” 💡

Sabay-sabay tayong magpuri, matuto, maglaro at lumago bilang isang pamilyang Kristiyano! 🙏🔥
Don’t miss this chance to be strengthened and reconnected with God! 💫

Location:
📍 United Methodist Church, Sitio Balaong, Talbak, DRT, Bulacan

✨ Kita-kits Youth! Excited na kaming makasama kayo. See you there! 🤗✨

THINGS TO BRING:
- Bible, Notebook and Pen
- Pillows, Blanket
- Extra Clothes
- Hygiene kit
- Pajama for ( Pajama Party)
- Snacks ( Optional)

Grabe, sobrang saya at sobrang busog ang puso! 💖Hindi lang bonding, tawa, at kwentuhan — kundi punong-puno rin ng presen...
21/07/2025

Grabe, sobrang saya at sobrang busog ang puso! 💖

Hindi lang bonding, tawa, at kwentuhan — kundi punong-puno rin ng presensya ni Lord. 🙌
Tunay ngang “Apart from Him, we are nothing.” (John 15:5)
Pero dahil reconnected na tayo, mas handa na tayong mamunga at magpatuloy sa lakad natin kasama Siya. 🌱

Salamat sa bawat kabataang dumalo, sa mga nag-prepare, at higit sa lahat — kay Lord na siyang dahilan ng lahat ng ‘to. 🕊️

Hanggang sa muli!

Address

So. Balaong
Doña Remedios Trinidad
3009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unity in Christ UMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share