02/08/2026
Ang pananatili kay Cristo ay hindi lamang tungkol sa pagiging malapit sa Kanya. Ito’y pamumuhay nang lubos na nakadepende sa Kanya bilang Puno at tayo bilang mga sanga. Kapag nananatili tayong nakakabit sa Kanya, ang Espiritu Santo ang siyang namumunga sa ating buhay ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, at katatagan na hindi kayang nakawin ng anumang pagsubok o bagyo.
Kung may dinadala kang mabigat na pasanin ngayon, alalahanin mong ang iyong lakas ay hindi nakasalalay sa iyong sitwasyon kundi kay JesuCristo. Manatili sa Kanya, magtiwala sa Kanyang Salita, at hayaan Siyang patuloy na magpalakas at magpanatili sa iyo sa bawat yugto ng iyong buhay.
"Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ay siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin."
JUAN 15:5 (ASND)
📍 Tagalog Online Service
Saturday at 7 PM (Vancouver)
Sunday at 10 AM (Manila)
📍 English Online Service
Sunday at 10 AM and 7 PM (Vancouver)
Monday at 1 AM and 10 AM (Manila)
Mapanood muli ang ating mga nakaraang serbisyo sa JRAM Church page at YouTube channel: