Citadel of Hope AG Church

Citadel of Hope AG Church We exist to worship God, reach the lost, to teach the believers, and equip the Body of Christ under the power, guidance and leading of the Holy Spirit.

HINDI LAHAT NG PAGBABAGO AY KALUGUD-LUGOD SA DIYOS.Sunday Special | August 30, 2026by Garcia LhenMinsan gusto nating mag...
30/08/2026

HINDI LAHAT NG PAGBABAGO AY KALUGUD-LUGOD SA DIYOS.
Sunday Special | August 30, 2026
by Garcia Lhen

Minsan gusto nating magbago…

Pero gusto natin, ayon sa gusto natin.

Gusto nating alisin ng Diyos ang mga bagay na nagpapahirap sa atin, pero ayaw nating alisin Niya ang mga bagay na komportable tayo.

Gusto nating baguhin ng Diyos ang sitwasyon natin, pero ayaw nating baguhin Niya ang sarili natin.

Gusto nating pagpalain tayo ng Diyos, pero minsan ayaw nating sumunod sa Kanyang kalooban.

Pero ang tunay na pagbabago kay Cristo ay higit pa sa “pag-aayos.”

HINDI KA LANG INAYOS—BINAGO KA.

Sabi sa 2 Corinto 5:17:

Kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago.

At dahil binago tayo, hindi na dapat ang tanong ay:

“Ano ang gusto ko?”

Kundi:

“Ano ang nakalulugod sa Diyos?”

Roma 12:1 reminds us that our lives are to be offered as a living sacrifice—banal at kalugud-lugod sa Diyos.

At dito nasusukat ang lalim ng ating pagbabago.

Kapag ang gusto ko at ang gusto ng Diyos ay magkaiba, alin ang pipiliin ko?

Dahil ang maturity ng isang mananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa dami ng alam natin tungkol sa Diyos, kundi sa dami ng bagay na handa nating isuko dahil mas mahalaga sa atin ang kaluguran ng Diyos kaysa sa sariling kagustuhan.

Kaya huwag nating hayaan na ang mundo ang humubog sa atin.

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip…”

— Roma 12:2

Hindi tayo tinawag para maging kung ano ang gusto lamang natin.

Tayo ay binago upang maging kung ano ang nakalulugod sa Diyos.

Hindi lang inayos.
Binago.
Hindi para sa sarili.
Kundi para sa Diyos.

At kung tunay tayong binago ni Cristo—

mamuhay tayo ayon sa pagbabagong ginawa Niya sa atin.

Announcement!!!Dahil sa masamang panahon, ang ating 9:00 AM service bukas ay gaganapin online upang matiyak ang kaligtas...
29/08/2026

Announcement!!!

Dahil sa masamang panahon, ang ating 9:00 AM service bukas ay gaganapin online upang matiyak ang kaligtasan ng ating kongregasyon.

Kitakits! Keep safe po sa ating lahat. God bless.

UNLEAVENED: Nothing to Hide, Truth as Our GuideSunday Special | August 23, 2026How can we walk a faithful task, if we ar...
23/08/2026

UNLEAVENED: Nothing to Hide, Truth as Our Guide
Sunday Special | August 23, 2026

How can we walk a faithful task, if we are wearing a hypocrite's mask?
(Paano mamumuhay nang tapat, kung may maskarang suot?)

Often, it is easy to look like we have it all together on the outside. But an outward show is not the goal; God wants holiness deep in the soul. Hindi sapat ang banal sa labas; dapat banal hanggang loob.

In our study of Matthew 16, Mark 8, and Luke 12, Jesus gave us three powerful reminders for authentic Christian living:

NEVER FAKE A SHOW (Huwag magpanggap): Jesus warned against the "leaven" of the Pharisees, which is hypokrisis (hypocrisy). Like a stage actor wearing a mask, we can look right in front of people but live a completely different life behind closed doors. Remember that leaven works quietly, but corruption spreads completely.

Pekeng kabanalan, unti-unting kasiraan.

LET NO LEAVEN GROW (Huwag maghalo): We are also warned against wrong didachē (teachings). Wrong teaching shapes a wrong perspective and a wrong life. Right doctrine shouldn't just stay in our minds; it must be seen in our lives. Grace should produce transformation, and truth should produce obedience.

Tamang turo, tunay na pagbabago.

LET TRUTH BE YOUR GUIDE (Mamuhay nang totoo): Paul modeled haplótēs—sincerity and singleness of heart (2 Corinthians 1:12). Christian integrity doesn't mean we are perfect; it means we are genuine before God. Our faith should be the exact same at church and at home, in public and in private. Tapat sa puso, tunay sa gawa.
If Christ sees the truth that we hold inside, why do we put on a show and hide?

(Kung kilala tayo ni Cristo, bakit pa tayo magpapanggap?)

Let’s drop the masks and pursue genuine faith this week!

Does long service make God our debtor?Leaders Bible Study | August 19, 2026In Matthew 20:1–16, Jesus tells of laborers h...
19/08/2026

Does long service make God our debtor?
Leaders Bible Study | August 19, 2026

In Matthew 20:1–16, Jesus tells of laborers hired at different hours, yet each received one denarius. The early workers were not treated unjustly—they received the wage they had agreed upon. Their complaint arose because the landowner was equally generous to those hired last.

The parable teaches that God’s kingdom operates by sovereign grace, not spiritual seniority. Salvation is not a wage earned through years of service but a gift received through Christ. Faithful service matters, but it never gives us the right to feel superior or entitled.

For Christianity today, the message is clear: honor long-term faithfulness, fully welcome late converts, reject comparison, and rejoice when God shows grace to others.

The question is not, “Why did they receive so much?” but, “How gracious is the Master who called any of us?”

The Tragedy of PRIDESunday Specal | August 16, 2026One of the most dangerous things in the Christian life is not always ...
16/08/2026

The Tragedy of PRIDE
Sunday Specal | August 16, 2026

One of the most dangerous things in the Christian life is not always open rebellion against God.

Sometimes, it is simply believing that we can do what only God can do.

Pride begins when God’s blessing becomes our boasting.

Isaiah 14:12–14 shows the language of self-exaltation: “I will ascend,” “I will exalt,” “I will sit,” “I will make myself.”

The problem was not ambition alone. The problem was wanting the position, glory, and authority that belong to God.

Ezekiel 28:11–17 gives another picture of pride. The king of Tyre became proud because of his beauty and success. What God had given became the very thing that lifted his heart against God.

That is how pride works.

God gives the gift, but we take the glory.

God opens the door, but we take the credit.

God gives the strength, but we forget the Source.

God gives the ministry, but we begin to think the ministry belongs to us.

Pride does not always destroy us suddenly.

Sometimes, it is a slow slide.

We pray less.

We depend less.

We listen less.

We become more impressed with our experience, reputation, ability, and success.

Until eventually, “Lord, I need You” becomes “Lord, I can handle this.”

But Scripture gives us another way.

“God opposes the proud but gives grace to the humble.” James 4:6

Jesus Himself is our greatest example.

He humbled Himself, took the form of a servant, and became obedient to the point of death. And because He humbled Himself, God exalted Him.

Philippians 2:5–11

The Christian life is not about lifting ourselves higher.

It is about bowing lower.

True spiritual strength is not found in self-sufficiency but in surrender.

The question is not merely, “How gifted am I?”

The deeper question is:

“How surrendered am I?”

Never forget:

Pride says, “Look what I have done.”

Humility says, “Look what God has done.”

Pride says, “I will.”

Humility says, “Your will be done.”

Pride lifts self and leads to ruin.

Humility bows to God and receives His grace.

The higher you elevate yourself, the harder you fall.

But the lower you bow before God, the higher He can lift you.

Humble yourself before the Lord, and He will exalt you.

James 4:10

“Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ.” — Galatians 6:2 (NKJV)Sa panahon ng pangangailangan, hin...
15/08/2026

“Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ.” — Galatians 6:2 (NKJV)

Sa panahon ng pangangailangan, hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Dios! Ang Citadel of Hope Assembly of God Church ay patuloy na nais maging daluyan ng tulong at pagmamahal sa ating mga kapatid. Courtesy of Nida Manalac and Ptra. Mischelle Martin Naval.

Sama-sama tayong magtutulungan at magdadamayan.

We are family. We care. We serve.

IMPOSSIBLE ang IMPOSSIBLE... Kapag Diyos ang Nangako!Sunday Special | August 9, 2026May mga pangakong napapako kaya unti...
09/08/2026

IMPOSSIBLE ang IMPOSSIBLE... Kapag Diyos ang Nangako!
Sunday Special | August 9, 2026

May mga pangakong napapako kaya unti unting nawawala ang tiwala natin.

Bayaran kita bukas.
On the way na ako.
Aayusin natin ang lahat.

Sanay tayo sa mga salitang minsan ay hindi natutupad. Kaya minsan, nadadala natin ang ganitong pag iisip sa relasyon natin sa Diyos.

Pero isipin natin ito.
Ano ang hindi kayang gawin ng Diyos?

May mga bagay na hindi Niya kayang gawin. Hindi dahil kulang Siya sa kapangyarihan, kundi dahil perpekto Siya sa Kanyang pagka Diyos.

Hindi Niya kayang magsinungaling.
Hindi Niya kayang itatwa ang Kanyang sarili.
Hindi Niya kayang matukso ng kasamaan.

Hindi ito kahinaan. Ito ang Kanyang kasakdalan.

Ang Diyos ay hindi kayang lumabag sa kung sino Siya.

At dahil hindi Niya kayang magsinungaling, hindi rin Siya nabibigo sa Kanyang pangako.

Sa Lucas 1:37, sinabi ng anghel kay Maria na walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos. Sa gitna ng isang bagay na imposible sa pananaw ng tao, ipinakita ng Diyos na ang Kanyang salita ay may kapangyarihang matupad.

Imposible sa tao, posible sa Diyos.

Kaya kapag dumating ang problema, huwag lang tingnan kung gaano ito kalaki. Tingnan kung sino ang nangako.

Hindi ang laki ng problema ang mahalaga.

Ang mahalaga ay kung SINO ang nangako.

At ang pinakamalaking patunay ng katapatan ng Diyos ay si Jesus Cristo.

Nangako ang Diyos.
Dumating si Cristo.
Natupad ang pangako.

Sa krus, sinabi ni Jesus, It is finished.
Sa muling pagkabuhay, napatunayang tapat ang Diyos.

Kung tinupad ng Diyos ang kanyang pangako kay Cristo, magtiwala kang tapat siya sa kanyang mga pangako sa buhay mo.

Magtiwala.
Manalangin.
Manatili kay Cristo.

Dahil kapag Diyos ang nangako, ang imposible sa tao ay hindi imposible sa Diyos.

Ang buhay Cristiano ay hindi isang maikling takbuhan kundi isang marathon ng pananampalataya.Rev. Dr. Aimee Danoog - May...
02/08/2026

Ang buhay Cristiano ay hindi isang maikling takbuhan kundi isang marathon ng pananampalataya.
Rev. Dr. Aimee Danoog - Maynigo | August 2, 2026

Sa Hebreo 12:1–3, inilarawan ng may-akda ang buhay ng mananampalataya bilang isang karera na nangangailangan ng disiplina, pagtitiis, at tamang pokus. Hindi sapat ang magandang simula. Ang tunay na layunin ay ang makatapos nang may katapatan.

Tatlong katangian ang ipinakikita ng isang tunay na Cristiano.

Una, isinasantabi niya ang bawat pasan at ang kasalanang humahadlang sa kanyang paglakad kasama ang Diyos. Hindi lahat ng mabigat ay kasalanan, ngunit anumang pumipigil sa ating paglago ay dapat alisin. Ang espirituwal na buhay ay nangangailangan ng patuloy na pagsusuri at pagsuko sa Panginoon.

Ikalawa, tinatakbo niya nang may pagtitiis ang takbuhing inilagay ng Diyos sa kanyang harapan. Ang pananampalataya ay hindi nasusukat sa bilis kundi sa katapatan. Tulad ng paalala ni Apostol Pablo, maraming nagsisimula nang mahusay ngunit hindi lahat ay nagtatapos nang matagumpay. Ang kakulangan sa disiplina at pagsunod ay maaaring humantong sa pagiging hindi karapat-dapat sa gantimpala.

Ikatlo, nakatuon ang kanyang paningin kay Jesucristo, ang nagpasimula at sumakdal ng ating pananampalataya. Si Cristo ang huwaran ng pagtitiis. Tinanggap Niya ang krus, tiniis ang kahihiyan, at nagtagumpay dahil sa kagalakang nasa Kanyang harapan. Ang ating lakas upang magpatuloy ay hindi nagmumula sa ating sarili kundi sa ating patuloy na pagtingin sa Kanya.

Marami ang mahusay sa pagsisimula, ngunit ang Diyos ay naghahanap ng mga taong mananatiling tapat hanggang wakas.

Ano man ang iyong pinagdaraanan ngayon, huwag hayaang ang bigat ng buhay o ang tukso ng kasalanan ang magdikta ng direksiyon ng iyong pananampalataya. Isantabi ang bawat hadlang, magtiis sa takbuhin, at ituon ang iyong paningin kay Jesus.

Ang tunay na Cristiano ay hindi lamang nagsisimula nang may sigasig. Siya ay nagtatapos nang may katapatan.

"Ang Laban ay sa Panginoon!"(1 Samuel 17:47)Overnight Prayer Meeting | July 31, 2026Marami ang nagtuturo na ang kuwento ...
01/08/2026

"Ang Laban ay sa Panginoon!"
(1 Samuel 17:47)
Overnight Prayer Meeting | July 31, 2026

Marami ang nagtuturo na ang kuwento ni David at Goliath ay tungkol sa pagharap sa ating mga "giants"—problema, takot, utang, sakit, o pagsubok. Totoo na maaari itong maging praktikal na aplikasyon, ngunit hindi iyon ang pangunahing mensahe ng teksto.

Sa 1 Samuel 17, ang tunay na bida ay hindi si David—kundi ang Diyos.

Hindi natalo si Goliath dahil mas mahusay si David o dahil "naniniwala lang siya sa sarili." Natalo siya dahil si David ay nagtitiwala sa buhay na Diyos.

Habang ang lahat ay nakatingin sa:
• taas ni Goliath,
• bigat ng kanyang baluti,
• at laki ng kanyang espada,

Si David ay nakatingin sa kadakilaan ng Panginoon.

Kaya sinabi niya:

"Ikaw ay lumalapit sa akin na may tabak, sibat, at palaso; ngunit ako ay lumalapit sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo..." (1 Samuel 17:45)

At ang pinakatuktok ng kuwento ay ang deklarasyong ito:

"Sapagkat ang pakikipaglaban ay sa Panginoon." (1 Samuel 17:47)

Hindi itinuturo ng kabanatang ito na "kaya mong talunin ang lahat." Itinuturo nito na walang kalaban na mas dakila kaysa sa Diyos na iyong pinaglilingkuran.

Mas malalim pa rito, si David ay larawan ng darating na Anak ni David—ang Panginoong Jesu-Cristo. Tulad ni David na lumaban bilang kinatawan ng Israel, si Cristo ang ating tunay na Kinatawan na tumalo hindi lamang sa isang higante, kundi sa kasalanan, kamatayan, at kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng Kanyang krus at muling pagkabuhay.

Kaya kapag binabasa natin ang kuwento nina David at Goliath, hindi lamang natin itanong:

"Sino ang Goliath ko?"

Mas mahalagang itanong:

"Nagtitiwala ba ako sa parehong Diyos na siyang nagbigay ng tagumpay kay David?"

Kapag ang tingin mo ay nasa laki ng problema, lalaki ang takot. Ngunit kapag ang tingin mo ay nasa kadakilaan ng Diyos, lalaki ang pananampalataya.

Leaders Bible Study | July 29, 2026KILALA MO BA TALAGA ANG DIYOS?May isang nakakagising na katotohanan sa Kasulatan.Ang ...
29/07/2026

Leaders Bible Study | July 29, 2026

KILALA MO BA TALAGA ANG DIYOS?

May isang nakakagising na katotohanan sa Kasulatan.

Ang Israel noon ay may banal na takot sa pakikitungo nila sa Diyos Ama. Hindi sila basta lumalapit sa Kanyang presensya. Alam nilang Siya ay banal, makapangyarihan, at karapat-dapat sa lubos na paggalang. Ang Kanyang kabanalan ay hindi nila minamaliit.

Ngunit nakalulungkot, maraming mananampalataya ngayon ang tila nawawalan ng banal na takot sa kanilang pakikitungo sa Panginoong Jesus. Minsan, dahil alam nating Siya ay mapagmahal at mahabagin, nakalilimutan nating Siya rin ang banal, makatarungan, at karapat-dapat sa ating buong pagsunod at pagsamba.

Ngunit tandaan natin ito:

"No one has ever seen God... the one and only Son... has made Him known." (John 1:18)

Si Jesus ang ganap na kapahayagan ng Ama. Ang kabanalan ng Ama ay kabanalan din ng Anak. Ang pag-ibig ng Ama ay pag-ibig din ng Anak. Ang awtoridad ng Ama ay awtoridad din ng Anak.

Hindi "mas mabait" si Jesus kaysa Ama, at hindi rin "mas mahigpit" ang Ama kaysa kay Jesus. Sa halip, kay Cristo natin lubos na nakikita kung sino ang Diyos.

At paano natin malalaman na Siya nga ang tunay na Anak ng Diyos?

Sinasabi ng 1 Juan 5:6–8 na may tatlong saksi:
Ang Espiritu – nagpapatotoo na si Jesus ang Anak ng Diyos.

Ang Tubig – ang Kanyang bautismo, kung saan ipinahayag ng Ama ang Kanyang Anak.

Ang Dugo – ang Kanyang kamatayan sa krus, kung saan nahayag ang pag-ibig, kabanalan, at katarungan ng Diyos.

Ang tatlong ito ay nagkakaisa sa isang patotoo: Si Jesus ang ganap na kapahayagan ng Diyos Ama.

Marahil ang hamon sa atin ngayon ay hindi lamang, "Kilala ko ba si Jesus?" kundi "Iginagalang ko ba Siya ayon sa kung sino talaga Siya?"

Ang biyaya ay hindi lisensya para maging kampante. Ang paglapit natin kay Cristo ay may kasamang pagtitiwala at banal na paggalang. Dahil ang Jesus na yumakap sa mga makasalanan ay Siya ring Panginoong muling nabuhay at naghahari magpakailanman.

Takeaway:

Kung gusto mong makilala ang Ama, tumingin ka kay Jesus. At kung nakita mo na kung sino talaga si Jesus, huwag lamang Siyang mahalin—igalang, sundin, at sambahin Siya nang may banal na takot.

"Therefore let us be grateful for receiving a kingdom that cannot be shaken, and thus let us offer to God acceptable worship, with reverence and awe, for our God is a consuming fire." (Hebreo 12:28–29)

Address

Pag-asa-Tagumpay Street Pagalanggang
Dinalupihan
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Citadel of Hope AG Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share