15/02/2025
ππππππππππ ππ ππ ππππππππ ππππππππππ ππ πππππππ
(Ang Mahal na Birhen sa Patio)
O Santa Maria, aming Reyna at Ina, idalangin mo kami sa Panginoon upang kami'y mag-alay ng buong pag-ibig sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pagsunod sa Kanyang mga utos, at paglilingkod sa lahat ng paraang abot-kaya namin.
Nababatid po naming mahalaga ang ibayong pagtingin sa kapwang nangangailangan, kaya nga't hinihiling namin sa iyong ipagkamit mo kami ng biyayang makapaglingkod sa mga taong nangangailangan ng aming tulong. Ayon nga sa kasabihan, "kung iniibig namin ang Diyos ay nararapat din naming ibigin ang mga taong ipinagkatiwala Niya sa amin."
O La PurΓsima ConcepciΓ³n de Baliuag, ibaling mo sa amin ang iyong paningin upang ang mga pagkukulang at kasalanan namin ay aming makilala at maamin sa iyong Anak nang kami'y magtamo ng kapatawaran sa iyong pamamagitan; at bilang pagbabayad-puri, kami'y nangangakong iibig sa Diyos at sa iyo, sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa inyo at sa aming kapwa.
O Mahal na Ina, ilapit mo kami kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.
(Banggitin ang pasasalamat para sa mga panalanging ipinagkaloob,
at gayundin ang mga kahilingan at mga intensyon.)
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
La PurΓsima ConcepciΓ³n de Baliuag, ang Birhen sa Patio,
Ipanalangin mo kami.
Pasasalamat: Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan Matt Estrella Pictures