26/07/2026
โThe Greater Exodus Beginsโ
Exodus 5:1โ23
โExodusโ means the way out. Ngunit bago dalhin ng Diyos ang Kanyang bayan tungo sa kalayaan, hinayaan muna Niyang maranasan nila ang matinding pagtutol at paghihirap. Sa Kanyang dakilang karunungan, ginagamit ng Diyos maging ang mga pagsubok upang maisakatuparan ang Kanyang walang hanggang layunin.
1. Opposition Cannot Stop Godโs Plan (vv. 1โ9)
Sa pagharap nina Moises at Aaron kay Faraon dala ang utos ng Diyos, hindi pagsunod ang kanilang natanggap kundi mas matinding pagtutol.
Mga naging tugon ni Faraon:
* Hindi niya pinayagang umalis ang Israel.
* Inakusahan niya ang mga Israelita na tamihik at tamad.
* Inutos niyang lalo silang pahirapan.
* Pinanatili ang kota ng paggawa ng tisa kahit wala nang dayami.
* Dinagdagan ang kanilang trabaho upang wala silang panahon na makinig sa salita ng Diyos.
Ganito rin ang ginagawa ng ating espirituwal na kaaway. Gagamit siya ng ibaโt ibang hadlang, pangangatwiran, takot, at abala upang ilayo tayo sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa pakikinig sa Kanyang Salita.
Subalit ipinakikita ng kabanatang ito na ang pagtutol ng tao ay hindi kailanman makapipigil sa plano ng Diyos. Sa katunayan, pinahihintulutan ng Diyos ang mga pagsalungat upang higit na maipakita na Siya lamang ang makapagtatanggal ng bawat hadlang. Siya ang naghahari maging sa puso ng mga hari (cf. Proverbs 21:1). Walang sinuman, maging si Satanas, ang maaaring manaig laban sa Kanyang makapangyarihang kalooban.
2. Suffering Cannot Cancel Godโs Presence (vv. 10โ21)
Habang lalo pang bumibigat ang pasanin ng Israel, maaaring tila tahimik ang Diyos. Ngunit ang Kanyang pananahimik ay hindi nangangahulugang wala na Siya.
Hindi nawawala ang presensya ng Diyos sa gitna ng ating pagdurusa. Ang Kanyang mga anak ay hindi ligtas sa paghihirap, ngunit sila ay hindi kailanman iniiwan ng kanilang Ama.
Tulad ng paalala ni Pedro:
โNgunit kung ang sinuman ay magdusa bilang Cristiano, huwag siyang mahiya, kundi luwalhatiin niya ang Diyos sa pangalang ito.โ (1 Pedro 4:16)
Ang pagdurusa ay hindi tanda ng pag-abandona ng Diyos kundi bahagi ng Kanyang banal na layunin upang hubugin ang Kanyang bayan at higit silang umasa sa Kanya.
3. Doubts Cannot Change Godโs Faithfulness (vv. 22โ23)
Dahil sa lumalalang paghihirap, nagduda ang mga Israelita kay Moises. Maging si Moises ay ibinuhos ang kanyang mga tanong at hinagpis sa Panginoon.
Sa halip na talikuran ang Diyos, lumapit siya sa Kanya sa panalangin.
Ang katapatan ng Diyos ay hindi nakasalalay sa lakas ng ating pananampalataya. Nananatili Siyang tapat kahit tayo ay mahina at nag-aalinlangan.
Dito natin higit na nakikita si Cristo, ang Greater Moses. Siya ang ganap na Tagapamagitan na namagitan sa Diyos para sa Kanyang bayan. Hindi lamang Niya tayo inilabas mula sa pisikal na pagkaalipin, kundi mula sa higit na malalim na pagkaalipinโang kasalanan.
Sa krus, dinala ni Cristo ang ating kasalanan at lahat ng ating pagkukulang. Siya ang sapat at ganap na lunas sa ating pagiging makasalanan. At sa pamamagitan Niya, ang katapatan ng Diyos ay ganap na nahayag kahit sa gitna ng ating kawalan ng pananampalataya.
Ang Exodo ay larawan lamang ng higit na dakilang pagliligtas na isinakatuparan ni Cristo.
Tayo man ay minsang naging alipin ng kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, inilabas Niya tayo mula sa kapangyarihan nito.
Maaaring may mga pagtutol.
Maaaring may mga pagdurusa.
Maaaring may mga sandali ng pagdududa.
Ngunit ang Diyos ay nananatiling naghahari.
God is in control even over the sin that once enslaved us. Ang kasalanan ay hindi na ang ating panginoon sapagkat si Cristo ang nagtagumpay. Ang Diyos ang may ganap na kapamahalaan sa kasaysayan, sa ating mga pagsubok, at sa ating kaligtasan.
โSapagkat ang kasalanan ay hindi na maghahari sa inyo, sapagkat kayoโy wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya.โ (Roma 6:14)