07/09/2025
Sa Ngalan ng ALLAH, Ang Pinaka-MAHABAGIN, Ang Pinaka-MAAWAIN
بِسْــــــــــــــــــمِ اللَّهِ الرَّحْمَنِ الرَّحِيم
📬 [ ANG JIHAD LABAN SA MGA TUMALIKOD SA ISLAM 4⃣ ]
TOPIC: ANG MGA NAGPAPANGGAP NA PROPETA AT MGA AYAW MAGBIGAY NG ZAKAT
Nang PUMANAW ang SUGO ni ALLAH (Sallallahu Alayhi Wa Sallam), maraming mga TRIBO ng mga A'RAB (mga TAGA-DISYERTO) ang NAGMURTAD. LUMITAW din ang MUNAAFIQ (NAGPAPANGGAP na MUSLIM) sa MADINAH. Ang BANU HANIFAH ay KUMAMPI kay MUSAYLAMAH AL-KADHDHAB (La'anahullah) at ganoon din ang maraming TAO sa YAMAMAH. Sumama rin kay TULAYHAH AL-ASADI ang BANU ASAD at BANU TAYY at marami pang iba. At tulad ni MUSAYLAMAH (na NAGPANGGAP na PROPETA), siya (TULAYHAH) ay nagsabi at NAG-ANGKIN na siya ay ISANG PROPETA din
Lalong LUMALA ang SITWASYON at naging NAPAKA-BIGAT ng KALAGAYAN. Samantala, IPINADALA ni ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) ang HUKBO (GRUPO ng mga MUJAHIDEEN) ni USAMAH IBN ZAID (Radiyallahu Anhu), kaya’t KAKAONTI na lamang ang mga SUNDALO (MUJAHIDEEN) na NAIWAN sa kanya. Dahil dito, NAGPLANO ang maraming A'RAB (mga TAGA-DISYERTO na MURTAD) na LUSUBIN ang MADINAH. Kaya’t NAGLAGAY si ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) ng mga BANTAY sa PALIGID ng MADINAH at ang mga TAGAPAG-BANTAY ay NAGBABANTAY MAGDAMAG kasama ang mga MALIIT na HUKBO (GRUPO ng mga MUJAHIDEEN)
Kabilang sa mga AMEER (PINUNO) ng BANTAY na ito:
ALI IBN ABI TALIB, AZ-ZUBAYR IBN AL-AWWAM, TALHAH IBN ABDILLAH, SA'D IBN ABI WAQQAS, ABDUR-RAHMAN IBN AWF at ABDULLAH IBN MAS'UD (Radiyallahu Anhum Aj'ma-in)
Samantala, DUMARATING naman sa MADINAH ang IBA'T IBANG mga GRUPO ng mga ARABO. INAAMIN nila ang OBLIGASYON ng SALAH ngunit TUMATANGGI sila na MAGBIGAY ng ZAKAT. May ilan sa kanila na TUMANGGI na IBIGAY ang ZAKAT kay ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu)
BINANGGIT na ang ILAN sa KANILA (ARABO) ay nagbigay ng DAHILAN gamit ang sinabi ni ALLAH:
خُذۡ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡ صَدَقَةٗ تُطَهِّرُهُمۡ وَتُزَكِّيهِم بِهَا وَصَلِّ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّ صَلَوٰتَكَ سَكَنٞ لَّهُمۡۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
“KUMUHA ka [O MUHAMMAD Sallallahu Alayhi Wa Sallam] mula sa kanilang YAMAN [para] sa KAWANGGAWA upang sila ay iyong gawing MALINIS at sila ay PAGPALAIN nito, at sila ay iyong IPANALANGIN sa ALLAH. KATOTOHANAN, ang iyong mga PANALANGIN ay KAPANATAGAN para sa kanila at ang ALLAH ay Lubos na NAKARIRINIG, MAALAM.
📖 [ Surah At-Tawbah Verse 103 ]
Kaya’t ang sabi nila (mga ARABO):
“HINDI namin IBIBIGAY ang aming ZAKAT maliban sa TAONG ang SALAH niya ay NAGBIBIGAY sa amin ng KAPANATAGAN”
At may ilan sa kanila ang NAGBANGGIT ng TULA:
“Sumunod kami sa SUGO ni ALLAH (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) noong siya ay NABUBUHAY pa kasama namin Ngunit NAKAKAPAGTAKA! Ano itong PAMUMUNO ni ABU BAKR?”
Pagkatapos nito, ang mga SAHABAH (Radiyallahu Anhum) ay NAKIUSAP kay ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) na HAYAAN muna ang mga TAONG iyon sa PAGTANGGI nila sa ZAKAT at KAUSAPIN na lang sila ng MAAYOS para MAHIKAYAT at TUMIBAY pa ang kanilang PANANAMPALATAYA. At kapag TUMATAG na ang IMAAN nila, doon na sila kusang MAGBIBIGAY ng ZAKAT. Pero si ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) ay TUMANGGI at HINDI PUMAYAG sa PAKIUSAP nila (mga SAHABAH Radiyallahu Anhum)
📖 [ رواه البخاري في صحيحه رقم ( ٦٩٢٤ و ٦٩٢٥ ) ]
Ayon kay ABU HURAYRAH (Radiyallahu Anhu):
“Si UMAR IBN AL-KHATTAB (Radiyallahu Anhu) ay nagsabi kay ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu):
“Bakit mo DIDIGMAIN (KAKALABANIN) ang mga TAO, samantalang sinabi ng SUGO ni ALLAH (Sallallahu Alayhi Wa Sallam):
‘AKO ay INUTUSAN na LABANAN ang mga TAO hanggang sa sila ay SUMAKSI na WALANG IBANG DIYOS na KARAPAT-DAPAT SAMBAHIN maliban kay ALLAH at si MUHAMMAD ay SUGO ni ALLAH. Kapag sinabi nila ito, LIGTAS na sa AKIN ang kanilang DUGO at YAMAN, maliban sa KARAPATAN ng ISLAM’
SUMAGOT si ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu):
“SAKSI si ALLAH! Kung SILA man ay TATANGGI na IBIGAY kahit ISANG BATANG KAMBING O ISANG TALI ng KAMELYO na dati nilang IBINIBIGAY sa Sugo ni ALLAH (Sallallahu Alayhi Wa Sallam), TIYAK na DIDIGMAIN (KAKALABANIN) ko sila dahil sa kanilang PAGTANGGI. Tunay na ang ZAKAT ay KARAPATAN ng YAMAN. SAKSI si ALLAH! DIDIGMAIN (KAKALABANIN) ko ang SINUMANG MAGHIHIWALAY sa pagitan ng SALAH at ZAKAT.”
Sinabi ni UMAR IBN AL-KHATTAB (Radiyallahu Anhu):
“Hindi ito naging iba kundi nang NAKITA kong BINUKSAN ni ALLAH ang DIBDIB ni ABU BAKR para sa PAKIKIPAG-LABAN, doon ko NALAMAN na iyon ang KATOTOHANAN.”
Ang IBIG SABIHIN ni UMAR IBN AL-KHATTAB (Radiyallahu Anhu) dito ay:
Noong UNA, NAGDADALAWANG-ISIP siya kung TAMA BA ang DIGMAIN (KALABANIN) agad ang mga MURTAD sa ISLAM at TUMANGGING MAGBIGAY ng ZAKAT. Dahil MALINAW sa HADITH na KAPAG ang ISANG TAO ay nagsabi ng SHAHADAH (LA ILAHA ILLALLAH MUHAMMAD RASULULLAH), LIGTAS na ang kanyang DUGO at YAMAN maliban na lang sa KARAPATAN ng ISLAM
PERO nang MARINIG ni UMAR IBN AL-KHATTAB (Radiyallahu Anhu) ang MATIBAY na PANININDIGAN ni ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) na kahit ISANG SIMPLENG TALI ng KAMELYO ng ZAKAT na dati ay BINIBIGAY kay PROPETA MUHAMMAD (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) ay kung ITATANGGI nila, LALABAN siya sa KANILA (sa mga TAONG ITINANGGI ang ZAKAT). doon nakita ni UMAR IBN AL-KHATTAB (Radiyallahu Anhu) na MALINAW na si ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhy) ay GINABAYAN ni ALLAH at BINIGYAN ng PAGBUBUKAS ng DIBDIB (ibig sabihin: KATIYAKAN, KAPAYAPAAN at LAKAS ng LOOB) para sa DESISYON na iyon.
Kaya sinabi niya (UMAR IBN AL-KHATTAB Radiyallahu Anhu):
“Nalaman ko na iyon ang KATOTOHANAN.”
Ibig sabihin: Ang PANININDIGAN ni ABU BAKR AS-SIDDIQ (Radiyallahu Anhu) laban sa mga MURTAD at sa mga TUMANGGI sa ZAKAT ay hindi basta galing sa SARILI niyang ISIP lamang (SARILING PANANAW), kundi GABAY mismo mula kay ALLAH.
📖 [ البداية والنهاية Volume 7 Page 17-18 ]
🗓 ربيع الأول: ١٣ ١٤٤٧