01/09/2026
PASTORAL STATEMENT
30 August 2026
NAGSASALITA AKO BILANG ISANG PASTOL.
Bilang inyong Obispo at Pastol, naninindigan ako para sa mga walang sapat na kapangyarihan upang ipaglaban ang kanilang sarili. Nanindigan ako para sa mga mahihirap. Nanindigan ako para sa mga pamilyang nangangamba para sa kanilang kinabukasan. Nanindigan ako para sa pangangalaga ng ating lupa, tubig, kagubatan, at ng ating iisang tahanan. At naninindigan ako para sa isang katarungang hindi lamang para sa mga may pera, impluwensiya, o kapangyarihan.
Nawa’y protektahan ng ating mga batas ang mga tao.
Nawa’y igalang ng pag-unlad ang mga tao.
Nawa’y mapangalagaan ang ating kalikasan.
Nawa’y hindi kailanman patahimikin ang mga mahihirap.
At nawa’y magtagpo ang katarungan at kapayapaan sa ating minamahal na lupain.
Pagpalain nawa ng Diyos ang labintatlong nakapiit at ang kanilang mga pamilya.
Patnubayan nawa ng Diyos ang ating mga pulis at mga kinauukulan sa pamahalaan.
Liwanagan nawa ng Diyos ang mga namamahala sa mga proyekto ng pagpapaunlad at mining exploration.
At bigyan nawa tayong lahat ng Diyos ng karunungan at tapang upang piliin ang katotohanan kaysa takot, dayalogo kaysa komprontasyon, katarungan kaysa kapangyarihan, at kapayapaan kaysa karahasan.
Para sa lupa.
Para sa mga tao.
Para sa ating iisang tahanan.
At para sa mga susunod na salinlahi.
BP. JOSE ELMER MANGALINAO, DD
Bishop of Bayombong