15/05/2026
Sa panahon ngayon, sobrang ingay ng mundo.
Maraming boses ang gustong magdikta kung sino tayo, ano dapat nating gawin, at saan tayo dapat sumunod. Minsan mas pinapakinggan natin ang opinion ng tao kaysa sa boses ng Diyos. Mas nakatingin tayo sa nakikita natin kaysa sa pinapangako Niya.
Pero bilang kabataan, hindi tayo tinawag para sumabay lang sa agos ng mundo. Tinawag tayo ni God para mamuhay sa pananampalataya. “We walk by faith, not by sight.” 🤍
Kahit hindi malinaw ang future, kahit maraming struggles, kahit minsan hindi natin maintindihan ang plano Niya — patuloy pa rin tayong magtitiwala. Dahil ang faith hindi nakabase sa nakikita, kundi sa kung sino ang kasama natin habang naglalakad.
Habang ang mundo ay maingay, matuto tayong tahimik na makinig sa boses ng Diyos. Dahil sa dami ng distractions, Siya lang ang boses na tunay na magdadala sa atin sa tamang direksyon.
Kabataan, huwag hayaang lamunin tayo ng pressure ng mundo. Mas piliin nating sundin si God kahit hindi madali, kahit kakaiba, kahit hindi naiintindihan ng iba. Dahil hindi lahat ng uso ay tama, at hindi lahat ng sikat ay kalooban ng Diyos.
Keep your faith stronger than your fear.
At sa mundong maingay, piliin nating makinig sa Kanya. ✨🙏
IGNITE YOUTH FELLOWSHIP