Saint Joseph Husband of Mary Parish- Diadi

Saint Joseph Husband of Mary Parish- Diadi For the greater glory of God
(Official Page)

𝓕𝓵𝓸𝓻𝓮𝓼 𝓭𝓮 𝓜𝓪𝔂𝓸 2026 || Isinagawa noong Mayo 31, 2026 ang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo sa Saint ...
01/06/2026

𝓕𝓵𝓸𝓻𝓮𝓼 𝓭𝓮 𝓜𝓪𝔂𝓸 2026 || Isinagawa noong Mayo 31, 2026 ang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo sa Saint Joseph Husband of Mary Parish Church, kung saan nagtipon ang mga deboto at mananampalataya upang magbigay-pugay sa Mahal na Birheng Maria.

Nagsimula ang gawain sa isang maringal na prusisyon at sagala na dinagsa ng mga kabataan na nakasuot ng magagarang kasuotan, na sumisimbolo sa kanilang debosyon at pananampalataya. Sinundan ito ng Banal na Misa bilang pasasalamat at pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.

Ang taunang pagdiriwang na ito ay patuloy na nagpapaalala sa kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos at kapwa, lalo na sa gitna ng komunidad.



Photo credits:
Ching Peralta
Bechie Bello-Aguinaldo
Estimada Ortiz

🌸FLORES DE MAYO 2026 || Join us this May 31, Sunday at Saint Joseph Husband of Mary Parish as we come together in faith ...
29/05/2026

🌸FLORES DE MAYO 2026 || Join us this May 31, Sunday at Saint Joseph Husband of Mary Parish as we come together in faith and devotion to honor Mama Mary.

✨ Activities:
🕢 7:30 AM – Procession / Sagala
📍 Route: Bypass (Poblacion) → National Highway → side of Rural Bank Diadi → Church
⏰ Assembly Time: 7:00 AM

⛪ 9:00 AM – Holy Mass

👗 Dresscode: Floral

Let us celebrate this beautiful tradition with grace, unity, and joyful hearts.
💚 Viva la Virgen!

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷 || Hindi madali ang manatili. Pero ang pananatili ay pananalig na hindi tayo nag-iisa. Dahil ang totoo, bago ...
07/05/2026

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷 || Hindi madali ang manatili. Pero ang pananatili ay pananalig na hindi tayo nag-iisa. Dahil ang totoo, bago pa natin piliing manatili sa Kanya, Siya na ang unang nanatili sa atin

Sinabi ni Hesus: “Huwag mabagabag ang inyong puso; sumampalataya kayo sa Diyos, at sumampalataya rin kayo sa Akin. Ako a...
03/05/2026

Sinabi ni Hesus: “Huwag mabagabag ang inyong puso; sumampalataya kayo sa Diyos, at sumampalataya rin kayo sa Akin. Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.”

Ang mga salitang ito ay paalala na sa gitna ng ating mga takot at pangamba, si Kristo ang ating katiyakan. Siya ang daan patungo sa Ama, at sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, natatagpuan natin ang kapayapaan at kaligtasan. Ang ating mga gawa, kapag isinabuhay sa Kanyang pangalan, ay nagiging patotoo ng Kanyang presensya sa mundo.

𝓟𝓪𝓰𝓼𝓾𝓴𝓸 || Ang Kanyang kamay ang naggagabay, at ang Kanyang ilaw ang nagbubukas ng daan. Ang tunay na kapayapaan ay mata...
02/05/2026

𝓟𝓪𝓰𝓼𝓾𝓴𝓸 || Ang Kanyang kamay ang naggagabay, at ang Kanyang ilaw ang nagbubukas ng daan. Ang tunay na kapayapaan ay matatagpuan lamang kapag ang puso ay ganap na nakatalaga sa Kanya.

𝓜𝓐𝓨 || The Month of Mary. Just as nature blossoms in May, the faithful are invited to let their souls flourish in grace ...
02/05/2026

𝓜𝓐𝓨 || The Month of Mary. Just as nature blossoms in May, the faithful are invited to let their souls flourish in grace through Mary’s guidance

Ibig sabihin, ang lahat ng ating gawain—maliit man o malaki—ay nagiging makabuluhan kapag ito’y nakaugat sa Kanya. Ang t...
29/04/2026

Ibig sabihin, ang lahat ng ating gawain—maliit man o malaki—ay nagiging makabuluhan kapag ito’y nakaugat sa Kanya. Ang trabaho ay hindi lamang para sa materyal na pangangailangan, kundi pagkakataon upang maglingkod, magmahal, at magbigay ng bunga ng pananampalataya.

PAKAAM MO|| Maawis kayo kakabsat nga umay makimisa para ti 1st Friday Devotion oras ti 6:00 pm diay simbaan.Pakibaga kad...
29/04/2026

PAKAAM MO|| Maawis kayo kakabsat nga umay makimisa para ti 1st Friday Devotion oras ti 6:00 pm diay simbaan.

Pakibaga kadagiti kabarangayan tayo!

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷|| Kapag may bagay na alam mong kailangan mong baguhin. Tatakbo ka ba palayo, o lalapit ka sa Kanya? Kapag may...
29/04/2026

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷|| Kapag may bagay na alam mong kailangan mong baguhin. Tatakbo ka ba palayo, o lalapit ka sa Kanya?
Kapag may katotohanang masakit, itatago mo ba, o haharapin mo kasama Siya?
At kapag tinatawag ka Niya, kahit tahimik lang, makikinig ka ba?

Kasi ang pananampalataya hindi lang “basta alam natin kung sino si Hesus.” Ito ay hinahayaan kong baguhin Niya ang buhay natin. At kapag ginawa natin iyon—unti-unti—mapapansin natin na hindi na tayo nabubuhay sa dilim…mas nagiging malinaw ang direksyon…at mas nagiging buo ang loob natin. Kasi ang liwanag Niya, hindi lang nagpapakita ng daraanan, inaakay tayo papunta sa buhay na walang hanggan. - Fr Franz (Hallow App)

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷 || Ang tunay na pagkakakilanlan ng isang alagad ay ang pakikinig at pagsunod sa tinig ng Mabuting Pastol. Hin...
27/04/2026

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷 || Ang tunay na pagkakakilanlan ng isang alagad ay ang pakikinig at pagsunod sa tinig ng Mabuting Pastol. Hindi sapat ang panlabas na tanda o kaalaman; ang mahalaga ay ang ugnayan ng tiwala at pagsunod kay Kristo. Ang katiyakan ng ating kaligtasan ay nakaugat sa Kanyang pangako: walang makakaagaw sa atin mula sa Kanyang kamay.

Address

Poblacion
Diadi
3712

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Joseph Husband of Mary Parish- Diadi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share