24/12/2025
Sa pagkakaisang tinig ng pananampalataya at paglilingkod, isinagawa ng ๐๐ต๐ข. ๐๐ช๐ต๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ข๐ด๐ค๐ช๐ข ๐๐ข๐ณ๐ช๐ด๐ฉ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐๐ฉ๐ฐ๐ช๐ณ ang kanilang Christmas outreach at reverse carolling na pinamagatang "๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ผ๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐-๐ผ๐๐ผ."
Noong ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐๐ญ ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐, inialay ng koro ang kanilang mga awitin sa loob ng simbahan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbang Gabi, upang ihanda ang puso ng pamayanan sa tunay na diwa ng Pasko. Noong ika-18 ng Disyembre 2025, nagsagawa ang koro ng isang natatanging pangangaroling sa iilang napiling tahanan upang makalikom ng karagdagang pondo para sa outreach. Ang bunga ng mga gawaing ito ay naibahagi noong ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐, sa isinagawang outreach na naglalayong maghatid ng saya, pag-asa, at tulong sa mga nangangailangan.
Sa panahon ng Simbang Gabi, muling pinaaalalahanan ang lahat ng pagsilang ni Hesusโna ang pinakadakilang handog ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa pusong marunong magbahagi, umunawa, at magmahal. Sa pamamagitan ng mga tinig ng kabataan, naipahayag ang pag-asa at naipamalas ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Dahil sa mga boluntaryong handog at alay na salapi mula sa ibaโt ibang gawain, nakabuo ang koro ng 15 grocery packs, na ipinamahagi sa mga napiling benepisyaryoโmga munting simbolo ng malasakit at pagbibigayan ngayong Kapaskuhan.
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng gawaing itoโlalo na sa mga donors at sa bawat isa na nagbahagi ng anumang halaga. Ang kanilang kabutihang-loob ay naging liwanag at pag-asa para sa iba.
Nawaโy maging pagpapala sa lahat ang mga awitin at gawaing ito ng paglilingkod ngayong Pasko. ๐ถโจ