ISLAMph

ISLAMph The heart that beats for Allah is always a stranger among the hearts that beat for the Dunya (world).

PAG- IINGAT SA PANANALITA Sa Islam, napakahalaga ng dila at salita ng tao. Sabi ng Propeta Muhammad ๏ทบ: "Sinuman ang mani...
03/09/2025

PAG- IINGAT SA PANANALITA

Sa Islam, napakahalaga ng dila at salita ng tao. Sabi ng Propeta Muhammad ๏ทบ:

"Sinuman ang maniwala sa Allah at sa Huling Araw, magsalita siya ng mabuti o manahimik na lamang." (Bukhari at Muslim)

T โ€“ Is it True?
๐Ÿ‘‰ Sa Islam, ipinagbabawal ang kasinungalingan. Ang pagsabi ng katotohanan ay tanda ng pananampalataya. Ang Qurโ€™an ay nagsabi:

"O kayong nananampalataya, matakot kayo sa Allah at magsalita ng katotohanan."
(Surah Al-Ahzab 33:70)

H โ€“ Is it Helpful?
๐Ÿ‘‰ Ang pinakamagandang salita ay iyong makakatulong sa kapwa, magbibigay ng payo, o makapawi ng lungkot. Ang magandang salita ay itinuturing na sadaqah (kawang-gawa) sa Islam. (Muslim)

I โ€“ Is it Inspiring?
๐Ÿ‘‰ Ang mabubuting salita ay nagdadala ng pag-asa at lakas ng loob. Ang mga salitang nagpapalapit sa tao kay Allah at nagtuturo ng kabutihan ay gantimpala mula sa Kanya.

N โ€“ Is it Necessary?
๐Ÿ‘‰ Ang sobrang salita na walang saysay ay maaaring magdala ng kasalanan. Ang isang Muslim ay pinapayuhan na iwasan ang laghw (walang kabuluhang usapan). (Surah Al-Muโ€™minun 23:3)

K โ€“ Is it Kind?
๐Ÿ‘‰ Ang malumanay at mabait na pananalita ay isang tanda ng mabuting asal. Sa Qurโ€™an, iniutos ni Allah na magsalita ng may husn (kabaitan) sa kapwa. (Surah Al-Baqarah 2:83)

Bago tayo magsalita, dapat muna nating pag-isipan kung ang sasabihin natin ay totoo, nakakatulong, nagbibigay-inspirasyon, kailangan, at mabait. Ito ay ganap na naaayon sa turo ng Islamโ€”na ang dila ay maging gamit para sa kabutihan, hindi para sa kasalanan.

๐Ÿ“Œ Paalaala sa mga kapatid sa Islam:Ang pag-aasawa ay biyaya at sabay na mabigat na pananagutan. Kung hindi kayang maging...
31/08/2025

๐Ÿ“Œ Paalaala sa mga kapatid sa Islam:

Ang pag-aasawa ay biyaya at sabay na mabigat na pananagutan. Kung hindi kayang maging makatarungan at gampanan ang lahat ng tungkulin, wag naisin ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa.

๐Ÿ“– Sabi ng Allah sa Qurโ€™an:
โ€œNgunit kung kayo ay nangangamba na hindi kayo makakapantay-pantay (sa mga asawa), ay isang babae lamangโ€ฆโ€ (Surah An-Nisa 4:3)

Ang tunay na lalaki ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang asawa, kundi sa kanyang kakayahan maging tapat, makatarungan at may takot sa Allah.

ANG HASAD o INGGITSinabi ng Propeta ๏ทบ:โ€œIwasan ninyo ang inggit, sapagkat ang inggit ay kumakain ng mabubuting gawa tulad...
26/08/2025

ANG HASAD o INGGIT

Sinabi ng Propeta ๏ทบ:
โ€œIwasan ninyo ang inggit, sapagkat ang inggit ay kumakain ng mabubuting gawa tulad ng apoy na kumakain sa kahoy (o damo).โ€
(HR. Abu Dawud 4903; Ibn Majah 4210 โ€“ Sahih)

---

๐Ÿ”Ž Paliwanag

1. Ano ang Inggit (Hasad)?

Ang hasad ay ang pagnanais na mawala ang biyaya ng iba, kahit hindi mo makuha.

Itoโ€™y masama dahil:

Tumututol ka sa kalooban ni Allah.

Para bang hindi ka kuntento sa hatian ng biyaya ni Allah.

2. Bakit inihalintulad sa apoy?

Ang apoy kapag dinikit sa kahoy o damo, mabilis itong natutupok at nauubos.

Ganoon din ang inggit: mabilis nitong sinisira at nilalamon ang good deeds na pinaghirapan mong gawin.

3. Mga Epekto ng Hasad:

Sinisira nito ang puso, nagdadala ng galit, sama ng loob at pagkamuhi.

Pinipigilan ka nitong mag-isip ng mabuti para sa kapwa Muslim.

Ang tao na may inggit ay laging malungkot, dahil lagi niyang iniisip ang biyaya ng iba.

4. Ang Pag-iwas sa Hasad:

Matutong magsabi ng โ€œMashaAllah, TabarakAllahโ€ kapag nakakita ng biyaya sa iba.

Tandaan na ang pagbibigay at pagkuha ng biyaya ay nasa kamay ng Allah lamang.

19/09/2024

ANG KAPIGHATIAN "pagsubok" SA ISANG MUSLIM AY NAPAKALAKING BIYAYAโ—โ—โ—

๐Ÿ‘‰ Tanging Muslim lamang sa ibabaw ng lupa na may taglay nito ang hindi naapektuhan (nasisira) ng anumang pagsubok sa buhay sa mundo, ito man ay pagsubok sa kaginhawaan o kapighatian๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน

๐Ÿ‘‰ Sinabi ng Mahal na Propeta: "Nakakapagtataka (Kahanga-hanga) ang kalagayan ng isang Muslim.
Katunayan ang lahat ng kanyang kalagayan ay pawang mabuti, at hindi ito matatagpuan sa sinuman maliban sa isang Muslim. Kapag Dumating sa kanya ang kasiyahan (biyaya) siya ay nagpapasalamat at iyon ang nakakabuti para sa kanya , At kapag dumating naman ang pagsubok siya ay nagtitiis (nagtitimpi) at iyon ang nakakabuti para sa kanya)" Inulat ni Imam Muslim

๐Ÿ‘‰ Sinabi ni Imam Alhasan Albasri: "Huwag kamuhian ang pinsala o ang pagsubok na dumating dahil karamihan sa iyong kinamumuhian ay siya mong kaligtasan (sa huling araw)"

Ang pagsubok (kahirapan sa buhay, karamdaman etc..) ay biyaya sa kanya dahil kanyang naiimbak ang gantimpala sa huling araw, napapataas ng kanyang antas at nabubura ang kanyang kasalanan.

๐Ÿ‘‰ Sinabi ng Mahal na Propeta: "Kapag hinagad ni Allah ang Kabutihan sa kanyang alipin ay Minamadali nito ang pagsubok (parusa) sa kanya dito sa mundo" Authentic na Hadith

๐Ÿ‘‰ Sinabi ni Shaikhul Islam Ibn Taimiyya: "Ang pagsubok na ikakalapit mo kay Allah ay siyang mainam sa iyo kaysa sa biyayang dahilan ng pagkalimut mo sa Kanya (Allah)"

NOTE:
Kabilang sa pagsubok ay ang pagkaroon ng toxic na mga tao sa iyong paligid.

Huwag malungkot kung ikaw ay kanilang sinisiraan dahil inihahandog lamang nila sa iyo ang gantimpala ng kanilang mabuting gawaโœŒ๐Ÿ˜…

BASH PA MOREโœŒโœŒ๐ŸŒน

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
ุญุฏูŠุซ: "ุนูŽุฌูŽุจู‹ุง ู„ุฃูŽู…ู’ุฑู ุงู„ู…ูุคู’ู…ูู†ูุŒ ุฅู†ู‘ูŽ ุฃู…ู’ุฑูŽู‡ู ูƒูู„ู‘ูŽู‡ู ุฎูŽูŠู’ุฑูŒุŒ ูˆู„ูŠุณูŽ ุฐุงูƒูŽ ู„ุฃูŽุญูŽุฏู ุฅู„ู‘ูŽุง ู„ูู„ู’ู…ูุคู’ู…ูู†ูุŒ ุฅู†ู’ ุฃุตุงุจูŽุชู’ู‡ู ุณูŽุฑู‘ูŽุงุกู ุดูŽูƒูŽุฑูŽุŒ ููŽูƒุงู†ูŽ ุฎูŽูŠู’ุฑู‹ุง ู„ู‡ุŒ ูˆุฅู†ู’ ุฃุตุงุจูŽุชู’ู‡ู ุถูŽุฑู‘ูŽุงุกูุŒ ุตูŽุจูŽุฑูŽ ููŽูƒุงู†ูŽ ุฎูŽูŠู’ุฑู‹ุง ู„ู‡" ุฑูˆุงู‡ ู…ุณู„ู…
ุญุฏูŠุซ: "ุฅุฐุง ุฃุฑุงุฏ ุงู„ู„ู‡ ุจุนุจุฏู‡ ุงู„ุฎูŠุฑ ุนุฌูŽู‘ู„ ู„ู‡ ุงู„ุนู‚ูˆุจุฉ ููŠ ุงู„ุฏู†ูŠุง" ุฑูˆุงู‡ ุงู„ุชุฑู…ุฐูŠ ( 2396 ) ูˆุตุญุญู‡ ุงู„ุฃู„ุจุงู†ูŠ ููŠ ุตุญูŠุญ ุงู„ุชุฑู…ุฐูŠ
-ูˆู‚ุงู„ ุงู„ุญุณู† ุงู„ุจุตุฑูŠ ุฑุญู…ู‡ ุงู„ู„ู‡ : ู„ุง ุชูƒุฑู‡ูˆุง ุงู„ุจู„ุงูŠุง ุงู„ูˆุงู‚ุนุฉ ุŒ ูˆุงู„ู†ู‚ู…ุงุช ุงู„ุญุงุฏุซุฉ ุŒ ููŽู„ูŽุฑูุจูŽู‘ ุฃู…ุฑู ุชูƒุฑู‡ู‡ ููŠู‡ ู†ุฌุงุชูƒ ุŒ ูˆู„ูŽุฑูุจูŽู‘ ุฃู…ุฑู ุชุคุซุฑู‡ ููŠู‡ ุนุทุจูƒ"
ู‚ุงู„ ุดูŠุฎ ุงู„ุฅุณู„ุงู… ุฑุญู…ู‡ ุงู„ู„ู‡ : โ€ ู…ุตูŠุจุฉ ุชู‚ุจู„ ุจู‡ุง ุนู„ู‰ ุงู„ู„ู‡ ุฎูŠุฑ ู„ูƒ ู…ู† ู†ุนู…ุฉ ุชู†ุณูŠูƒ ุฐูƒุฑ ุงู„ู„ู‡ โ€

Zulameen Sarento Puti

10/09/2024

Sinabi ni Shaykh Saleh Ibnu Uthaymeen (rahimahullah):

Ang mabuting pakikitungo sa bisita ay kinakailangan at hindi marapat na sabihin lang natin na ito ay nakaugalingan lang.

Dahil katotohanan ang mabuting pakikitungo sa bisita ay isang uri ng gawaing pagsamba dahil ang Propeta Muhammad ๏ทบ ay nagsabi patungkol dito;

ู…ู† ูƒุงู† ูŠุคู…ู† ุจุงู„ู„ู‡ ูˆุงู„ูŠูˆู… ุงู„ุขุฎุฑ ูู„ูŠูƒุฑู… ุถูŠูู‡
โ€œSino man yaong naniniwala sa Allah ุณุจุญุงู†ู‡ ูˆุชุนุงู„ู‰ at sa araw ng paghuhukom ay kanyang pakitungan ng mabuti ang kanyang bisita.โ€

Ang mabuting pakikitungo sa bisita ay IBADAH (gawaing pagsamba) at ito ay nagpapalapit sa tao sa kanyang Rabb (Allah ๏ทป). At ito rin ay magiging dahilan ng kanyang pagiging mabuti.

๐Ÿ“– (ูุชุงูˆู‰ ู†ูˆุฑ ุนู„ู‰ ุงู„ุฏุฑุจ ุฌ11ุต274) โ€Ž

โœ๐ŸปAymaan Avenido

01/03/2023

"Always hate what is wrong, but do not hate the one who errs. Hate sin with all your heart, but forgive and have mercy on the sinner. Criticize speech, but respect the speaker. Our job is to wipe out the disease, not the patient."

- Imam Abu สฟAbdillah Muhammad ibn Idris al-Shafi'i (Rahimahullah)

26/02/2023
โ€œMGA KASINUNGALINGAN LABAN SA ISLAMโ€1. Bakit ang mga Muslim ay nagdarasal sa isang itim na kuwadrado sa disyerto ng Makk...
01/01/2023

โ€œMGA KASINUNGALINGAN LABAN SA ISLAMโ€

1. Bakit ang mga Muslim ay nagdarasal sa isang itim na kuwadrado sa disyerto ng Makkah!
2. Bakit nila hinahalikan ang isang itim na batong nakadikit sa itim na kuwadrado!

Ang mga Muslim ay sumasamba lamang sa Isang Diyos, walang anumang diyos bukod sa Kanya. Ito ay parehong Diyos ni Abraham sa Biblia, sa parehong pagpapahayag na binanggit sa Aklat ng Exodo at Deuteronomo sa Sampung Utos, โ€œHuwag magkaroon ng iba pang diyos bukod sa Akin.โ€

Ang โ€œItim na Batoโ€ Ay Nakakabit Sa Kaโ€™bah โ€“ Isang Hugis Parisukat Na Gusali Sa Sagradong Lugar Ng Makkah
Ating siyasatin ng malapitan ang kuwadradong gusaling Kaโ€™bah [Banal na Bahay] sa Makkah, sa Arabya, kung saan sa Silangang kanto nakalagay ang Itim na Bato ay nakasaayos na singtaas ng dibdib. Ang bawat panauhin [Hajji] ng Makkah ay nagnanais na makahalik dito sa sandaling dumating sila doon. Ang pagsasagawa nito ay hudyat ng pagsisimula ng โ€œTawafโ€.

Ang katagang โ€œTawafโ€ ay isang Arabeng pandiwang pangngalan na nangangahulugang umikot, lumibot o paikutin ang isang bagay. Ang isang Hajji [panauhin ni Allah sa Makkah] ay kailangang ikutin ang Kaโ€™bah ng pitong ulit, para makumpleto ang Tawaf. Ang bawat isa sa pitong pag-ikot ay nagsisimula sa paghalik sa Itim na Bato, kung makakayanan, o kaya ay pagturo na lamang sa Itim na Bato. Ang Itim na Bato, magkagayun ay nagsisilbing tanda ng pagsisimula sa bawat pag-ikot. Ang Tawaf ay isa sa mahalagang bahagi ng Hajj [pagdalaw sa Makkah], na maaari ding isagawa bilang hiwalay na gawang pagsamba sa anumang oras. Kung kaya matatagpuan natin ang Kaโ€™bah ay tuloy-tuloy na iniikutan ng mga tao sa araw at gabi.

Ang Tunay Na Kahalagahan Ng Tawaf [paglalakad paikot sa Kaโ€™bah]
Ang paglibot o pag-ikot sa Kaโ€™bah [kilala rin bilang Bahay ni Allah] at paghalik sa bato ay katotohanang itinuturing na panlabas na aspeto ng Tawaf, bukod sa panloob na kahigitan nito. Ang mga ito ay kawangis ng bagay na kagaya ng pagtayo, pagyukod, pagpapatirapa at pag-upo na posisyong ginagawa araw-araw sa Islamikong pagdarasal. Gayunman, ang mga posisyon sa pagdarasal, gayundin ang pag-ikot sa Kaโ€™bah na may kasamang paghalik, ay parehong kumakatawan sa panlabas na ipa ng palay, na nangangalaga sa butil. Ang butil ng Tawaf ay nakasalalay sa mga dakilang kahulugan ng pagbigkas at pagdarasal ng Hajji, sa kaluluwang nag-aalab na damdaming nag-uumapaw sa kanyang puso โ€“ kagaya ng kanyang masidhing pag-ibig kay Allah, kanyang takot sa Kanya, at lubos niyang pag-asa sa Kanya.

Ating suriin, halimbawa, ang salita ng Kaisahan ng Diyos, na binabanggit ng Hajji sa kanyang buong Hajj at laloโ€™t higit kung siya ay umiikot sa Kaโ€™bah

Labbayk-Allahumma labbayk, Labbayka la sharika laka labbayk, Innal hamda wan-niโ€™mata, Laka wal mulk la sharika lak

Narito ako, O Allah narito ako, Narito ako wala kang katambal narito ako, Tunay ang papuri at biyaya, Sa Iyo ang pagmamay-ari wala Kang katambal sa Iyo.

Ang Tawaf ay ginagawa lamang para sa Kataas-taasang Diyos ng santinakpan [Allah], at hindi kailanman sa pangalan ng ibang diyos, o para sa itim na bato, kagaya ng inaangkin ng ibang tao. Ang pagkilos sa Tawaf ay ang pagsunod sa pangako ng isang Hajji sa kanyang Panginoon. Ginagawa niya ito bilang isang mananampalataya sa Natatanging Isang Diyos ni Abraham at ni Adan at ni Moises at ni Hesus at ni Muhammad, sumakanilang lahat ang kapayapaan. Ang pagsamba sa Islam ay para lamang kay Allah at wala ng iba. Ang paghalik sa bato o pagturo dito habang umiikot sa Kaโ€™bah ay walang iba kundi pagsunod lamang sa tradisyon ng mismong Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], na nagpaliwanag na hindi ang bato o buwan o anumang bagay ang dapat sambahin, bagkus ang lahat ng ating pagsamba, debosyon at pasasalamat ay dapat lamang para sa Makapangyarihang Diyos [Allah].

Maaari Ba Na Ang Isang Bato Ay Maging Diyos?
Isaalang-alang ito, noong si Propeta Muhammad ๏ทบ sa wakas ay nakamit ang daang papa*ok papunta sa kanyang bayang sinilangan pagkatapos na sapilitang itaboy palabas sa halos isang dekada, ang una at tanging bagay na ginawa niya ay tanggalin at wasakin ang 360 mga idolo at estatwa na nangibabaw sa lugar sa maraming siglo. Matapos na mawasak lahat ng mga huwad na โ€˜diyosโ€™ ang Propeta ๏ทบ at kanyang mga kasamahan ay tiniyak na makakarating sa susunod na mga henerasyon pagkatapos nila, na sambahin lamang ang Isang Diyos na hindi nakakulong sa isang kahon o isang bato o anumang bagay, saanman sa santinakpan. Ito ay kagaya sa matatagpuan pa rin natin ngayon sa Biblia para sa mga Hudyo at Kristiyano, noong si Haring Solomon ay inialay ang kanyang templo sa Diyos, na nagwikang โ€œAng langit at ang langit ng mga langit ay hindi Ka magkasya, gaano pa kaya ang bahay na ito na ginawa namin sa pamamagitan ng kamay ng tao?โ€ Walang inukit na imahe para sa mga Hujjaj [pangmaramihan ng Hajji o panauhin ni Allah] para sambahin ang nasa Kaโ€™bah o ang nasa Haram [santuwaryo] o saan man sa mundong ito.

Ang mga Muslim ay sinasamba ang Diyos lamang, bilang Nag-iisa. Ang pagsamba sa anuman o kaninumang iba bukod kay Allah โ€“ ang pinakamasama at mapaglapastangang krimen sa Islam. Sa liwanag ng ipinahayag ng Qurโ€™an, ang pagsamba sa anumang bagay sa halip na sa Makapangyarihang Diyos, o paggawa ng mga katambal sa pagsamba sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga bagay kagaya ng isang malaking bato, isang patpat, maliit na bato, isang buto o anumang bagay sa santinakpan, ang kailanman na pinakahuling bagay na maiisip ng sinumang sumasamba sa Isang Diyos [Muslim]. Ang isang bato ay walang anumang kapangyarihan na gumawa ng mabuti o makapinsala sa kaninuman, bukod kay Allah, ang Tanging Diyos ng sangkatauhan. Yaong isang bagay na itinatampok maging ito ay nababatid man, o sa kamangmangan o sinisimbolo โ€“ ng mga taong pinili ang pagsamba sa bato sa halip na pagsamba sa Diyos, isang paniniwala at gawaing walang kabanalan at walang katuturan. Kung kaya ang Itim na Bato ay naging isang misteryo sa kagaya nila, kaya naman, ang ilan bunga ng kamangmangan ito ay ang hayagang pagsisinungaling sa pagsasabing si Muhammad ๏ทบ ay binasag ang bawat idolo sa Islam maliban sa isa โ€“ ibig sabihin ang Kaโ€™bah, o ang Itim na Bato.

Ito nga noong si Umar ang pangalawang Khalifa, ay tinanggal ang anumang pagdududa mula sa kanilang mga isipan. Si Umar ay ginawa itong malinaw para sa lahat ang tungkol sa itim na bato, habang umiikot sa Kaโ€™bah, siya ay lumapit sa kanto kung saan naroon ang itim na bato at sumandal malapit dito at nagwika:

โ€œWalang alinlangan, batid ko na ikaw ay walang iba kundi isang bato at hindi ka makakapaminsala o makapagbibiyaya sa kaninuman. Kung hindi ko nakita ang Propeta Muhammad ๏ทบ na hinalikan ka, ako ay hindi hahalik sa iyo.โ€ [Sahih Al-Bukhari]

Tunay Na Kwento Ng Itim Na Bato
Mahigit limang libong taon na ang nakalipas, ang ama ng mga Propeta, si Propeta Abraham [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], ay itinayo ang kasalukuyang estraktura ng Kaโ€™bah na mismong utos ni Allah. Itinayo niya ito kasama ang kanyang binatilyong anak, si Ismael [sumakanya ang kapayapaan], ang ninuno ng mga Arabe. Ganito inilarawa ng Qurโ€™an noong itinatayo nila ito ng magkasama:

โ€œBANGGITIN NOONG ITINAAS NI ABRAHAM ANG MGA PUNDASYON NG BAHAY [KAโ€™BAH], KASAMA SI ISMAEL, AY NANALANGIN SIYA: โ€œPANGINOON NAMIN, TANGGAPIN MO ANG GAWANG ITO MULA SA AMIN; TUNAY NA IKAW NGA ANG NAKARIRINIG, ANG NAKAAALAMโ€ [MALUWALHATING QURโ€™AN 2:127]

Ang ama at ang anak, mga tunay na mananampalataya sa Nag-iisang Diyos at sumusuko sa Kanya sa pamamaraang nais Niya [Muslim], sa ganitong pamamaraan itinatayo ang pundasyon na may pusong nanginginig, dahil para sa mga Muslim ay pinakadebotong lingkod, labis ang pagkatakot sa Kanyang hindi pagkalugod. Habang itinatayo ang Kaโ€™bah, samakatuwid, pareho silang natatakot na baka si Allah ay hindi tanggapin ang kanilang mga abang paglilingkod, kaya ang kanilang mga dasal. O anong makabagbag damdaming katapatan, o anong nakakaantig ng damdaming pagpapakumbaba tungo kay Allah ang Dakila! Ito ang diwa ng Monoteismo, ang ulirang huwaran ng Pananampalataya at mga gawang malalaki at maliliit para sa lahat ng mga Muslim upang sundan. Noong maitaas sa pakay na taas, si Abraham ay inutusan ang anak na pumili ng isang pira*ong bato para maging pananda sa isang punong-kanto. Kahit ang binatilyo ay naghahanap pa lamang dito, ang Anghel Gabriel ay nagpakita na may dalang Itim na Bato mula sa Langit.

Si Propeta Muhammad ๏ทบ ay nagwika:

โ€œAng Itim na Bato ay ibinaba mula sa langit, noon ito ay higit na maputi kaysa gatas, ngunit ang kasalanan ng mga tao ang nagpaitim nitoโ€

Si Abraham ay dinampot ang itim na bato at inilagak ito, at magmula noon ay nakatayo pa rin hanggang sa mga araw na ito. Ito ay makalangit na bato, at hindi galing sa lupa. Ito ay pinili ni Allah para sa Kanyang Banal na Bahay [Kaโ€™bah].

Ang gusali ay ganyan natapos, ganito kung paano si Abraham at Ismael ay nagpatuloy sa panalangin kay Allah, sa kasunod na Talata:

โ€œBanggitin noong iangat ni Abraham ang mga pundasyon ng Bahay [Kaโ€™bah], kasama si Ismael, ay nanalangin siya: โ€œPanginoon Namin, tanggapin Mo ang gawang ito mula sa amin; tunay na Ikaw nga ang Nakaririnig, ang Nakaaalamโ€ [Maluwalhating Qurโ€™an 2:128]

Kapagdaka ay tinuruan sila ni Allah sa pamamagitan ng kapahayagan ng mga ritwal ng Hajj, kabilang dito ang Tawaf.

Kasaysayan Binigyang-linaw Isang Pambihirang Anyo
Ipagpalagay na ang Itim na Bato ay mawala sa isang dahilan o anuman, ito ba ay ginagawa ang Tawaf at Hajj na walang bisa o hindi tanggap sa ganung kadahilanan? Katiyakan hindi. Ganito mismo ang nangyari sa kasaysayan ng Islam. Sa ganyang pangyayari, ang Shariโ€™ah [batas] ay pinanatiling sa Hajji ay nararapat na isagawa ang kanyang Tawaf kahit walang Itim na Bato. Sa halip na Itim na Bato, ang Hajji ay nararapat na hawakan na lang ang lugar nito sa kanto ng Kaโ€™bah, o ituro ang lugar nito, at magpatuloy ng Tawaf. Kung kaya ang ganap na kawalan ng Bato mismo ay walang pagkakaiba sa pagiging tanggap ng Tawaf at ng Hajj.

Ang Paghalik Ba Ay Nangangahulugang Pagsamba?
Ang paghalik sa isang bato ay hindi isang tanda ng pagsamba dito kailanman. Ang paghalik sa Itim na Bato ay hindi maaring baluktutin patungo sa pagsamba sa idolo, para sa bato na walang imahe, gaya din na ang paghalik lamang ay hindi pagsamba sa pamamagitan ng isang imahinasyon lamang. Sinuman ay maaaring magparatang na ang mga Muslim ay sinasamba ang isang โ€˜idoloโ€™. Subalit ang katotohanan ay nananatili na sila ay hindi sumasamba sa anuman maliban sa Diyos, ang Natatangi. Ang idolo at pagsamba dito ay payak na hindi talaga nangyayari. Ang Biblia ay hinahalikan sa mga korte; ito ba ay nangangahulugan na pagsamba? Karagdagan pa, ang mga magulang ay minamahal nilang halikan ang kanilang mga anak, walang anumang bakas ng pagsamba dito kailanman.

Paanyaya Sa Islam
Ito ang pamanang iniwan ni Propeta Abraham [sumakanya ang kapayapaan] para sa lahat ng salinlahi na tanggapin at sundin, at walang tao ng anumang bansa o nasyon, ang hindi saklaw sa salinlahi na iyan. Kung kaya, sa halip na ituring ang tungkuling Hajj [pagdalaw sa Makkah] bilang isang paganong ritwal, bakit hindi isaalang-alang ang kanilang sarili sa napakatagal ng idolatrya, at tanggapin at sundan ang relihiyon ng ating ninunong si Abraham? Ang oras ay dumating na para sa mga taong ito na isigaw ang kanilang sariling kalayaang pumili,

โ€œWALANG DIYOS NA DAPAT SAMBAHIN KUNDI ANG MAKAPANGYARIHANG DIYOS!โ€

At tayo ay manalangin sa Makapangyarihang Diyos, hilingin sa Kanya na gabayan sila at hayaang makapagsagawa ng Hajj [pagdalaw sa Makkah] sa Bahay ng Diyos [Kaโ€™bah]! At itayo ang kanilang pagdarasal ng tuloy-tuloy na nakaharap sa parehong Bahay! Ameen.

14/12/2022

โœ๐ŸปPwede bang ipakita sa babae ang kanyang dibdib habang siya ay nagpa BREAST FEED sa kanyang mga mahram

Ang Hatol sa paglantad o pagpapakita ng isang babae ng kanyang dibdib habang nagpa-Breast feed sa kanyang baby?

โ€ข KASAGUTAN:

Ang opinyon ng Lajnatu Ad-Daimah (Fatwa Council) dito at kanilang sinabi na ang awraah ng babae na maaari makita ng kanyang tatay, kapatid na lalake, at pamangkin na lalake ay kung ano lamang ang madalas na natural na nakikita tulad ng: Buhok, mukha, kamay, leeg, bra*o at dalawang paa. maliban pa dyan ay hindi na ipinapahintulot na makita ang iba pa,

Kaya naman obligado sa isang babae na takluban niya ang kanyang dibdib kapag siya ay nagpaBreast feed, nararapat na takluban niya ang kanyang dibdib o maglagay ng harang habang dumedede ang kanyang anak sa harapan ng kanyang mga Mahram, dahil sa katunayan ay kabilang ito sa kanyang dangal at dignidad bilang isang Muslimah.

Sinabi din naman ni Shiekh Albaniy (Rahimahullรขh): โHindi ipinapahintulot ang pagpapakita ng dibdib habang nagpabreast feed, sa harapan ng ama, ng mga kapatid, at sa mga kababaihan.โž Silsilatu Al-Hudรข Wa An-Nur Shareet # 442

BASAHING MABUTI AT UNAWAING MAIGE!!!

๐Ÿ“š Mula sa post ng Muslim is a Hero

_______________
๐Ÿ”Ž (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

08/12/2022

MGA TAONG PAPASOK NG PARAISO โ€œJannahโ€œ NA HINDI NA TATANUNGIN AT HINDI NA LILITISINโ—โ—

SINO BA SILA?
ANO BA ANG KANILANG KATANGIAN ?
BAKA KABILANG KANA SA KANILA!!

Halina't kilalanin natin sila!

May pitumpu't libong mga tao mula sa Ummah ng Mahal na Propeta ang papa*ok sa Paraiso na hindi dadaan sa pagtatanong (walang paghuhusga) at walang paglilitis.

๐Ÿ‘‰ Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):
โ€œPapa*ok sa Jannah (Paraiso) mula sa aking Ummah (kanayunan) ang pitumpu't libong mga tao na hindi na dadaan sa anumang paglilitis (walang tanong)..
SILA ANG HINDI HUMIHILING NG RUQYA (hindi humihiling ng pagbasa bilang panggamot kapag sila ay nagkasakit), HINDI GUMAGAMIT NG PANGITAIN at KAY ALLAH LAMANG SILA NAGTITIWALA (tawakkal) โ€œ Inulat ni Imam Albukhari

DAGDAG KAALAMAN

1-Kung nais mo mapabilang sa kanila, iwanan mo ang panghihingi ng Ruqya mula sa ibang tao, huwag kung maniwala sa pangitain, huwag din tumungo manghuhula at huwag silang paniwalaan at tanging kay Allah ka lamang magtiwala sa lahat

Ngunit, kung may humingi naman ng Ruqya na ang iyong ginagamit ay mula sa talata sa Quran, salawikain ng Propeta o anumang salita na walang halong Shirk (pagtatambal) ay wala namang pagbabawal na ito ay bigyan.

๐Ÿ‘‰ Nabanggit din sa ibang Hadith na kabilang sa katangian nila ay hindi gumagamit ng plansa bilang panggamot. Ang uri ng gamut na ito ay hindi common sa atin, Ngunit kadalasan din ito ginagamit ng mga arabo bilang panggamot.

Ang paggamit o paniniwala sa pangitain ay kabilang sa Shirk tulad ng: Hindi tutuloy sa kanyang lakad kapag may nakitang itim na ibon, pusa o a*o o may narinig na hindi kanais-nais o anupamang uri ng pangitain.

-Huwag kang humingi ng Ruqya mula sa iba โ€œTawal o Tawar sa ibang wikaโ€œ kundi ikaw nalang ang magsasagawa sa sarili mo gamit Ang Hadith o mula sa talata sa Quran.

Wala ring pagbabawal na gumamit ng gamut na nabibili mula sa botika o tumungo sa doctor upang magpakunsulta.

Ang kaibahan ng gamut mula sa doctor at ng sa albularyo ay ang doctor ay ang kanilang panggagamot ay walang halong Shirk samantala ang albularyo ay kadalasan may halong Shirk!

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

ุญุฏูŠุซ: " ูŠุฏุฎู„ู ู…ูู† ุฃู…ู‘ูŽุชูŠ ุงู„ุฌู†ู‘ูŽุฉูŽ ุณุจุนูˆู†ูŽ ุฃู„ูู‹ุง ุจุบูŠุฑู ุญุณุงุจู.....ู‡ูู…ู ุงู„ู‘ูŽุฐููŠู†ูŽ ู„ุง ูŠูŽุณู’ุชูŽุฑู’ู‚ููˆู†ูŽุŒ ูˆู„ูŽุง ูŠูŽุชูŽุทูŽูŠู‘ูŽุฑููˆู†ูŽุŒ ูˆู„ูŽุง ูŠูŽูƒู’ุชูŽูˆููˆู†ูŽุŒ ูˆุนู„ูŽู‰ ุฑูŽุจู‘ูู‡ูู…ู’ ูŠูŽุชูŽูˆูŽูƒู‘ูŽู„ููˆู†ูŽ ุตุญูŠุญ ุงู„ุจุฎุงุฑูŠ 5705

โœ๏ธ Zulameen Sarento Puti

Imagine you spent your entire life worshipping Allah, fasting, praying, giving loads of charity, even did Hajj and it al...
04/12/2022

Imagine you spent your entire life worshipping Allah, fasting, praying, giving loads of charity, even did Hajj and it all went to waste. Why?
Because you simply could not keep your mouth shut about others!

The Messenger of Allah (๏ทบ) said:

"Whosoever gives me a guarantee to safeguard what is between his jaws and what is between his legs, I shall guarantee him Jannah."
[Al-Bukhari].

Also, 'Do not backbite muslims, and do not search for their faults, for if anyone searches for their faults, Allaฤh will search for his faults. And if Allah searches for the fault of anyone, He humilities him (even if he hides) in his house.'

"And do not spy or backbite each other. Would one of you like to eat the flesh of his brother dead? you would detest it." {49:12}

02/12/2022

๐“๐š๐ง๐จ๐ง๐ 
Nagbibigay ba ang Diyos ng pagsubok na hindi natin kakayanin? At bakit binibigyan tayo ng Diyos ng pagsubok at paghihirap?

๐’๐š๐ ๐จ๐ญ
Malinaw ang sinabi ng Allah sa Maluwalhating Quran:

"Ang Allah ay ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ-๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ง๐ข๐ง sa isang kaluluwa maliban sa[๐š๐›๐จ๐ญ ๐ง๐ ] ๐ค๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข๐ญ๐จ. Makakamit nito ang [bunga ng] anumang [buting] pinagsumikapan nito, at papasanin nito ang [bunga ng] anumang [kasamaang] pinagsumikapan nito."
[Quran 2:286]

Kaya't malinaw na hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kakayanin. Kung may mga tao man na hindi nakayanan ang pagsubok nila ito ay hindi sa dahilang mahirap ang ibinigay sa kanila kundi sa dahilang mali ang paraan ng pagharap nila dito o di kaya'y hindi nila ginawa ang mga paraan upang ito ay malampasan.

Ngunit, bakit nga ba nakakaranas ng problema at paghihirap ang isang tao? Ang Allah mismo ang nagbigay ng kasagutan dito, kanyang sinabi:

2. ๐ˆ๐ง๐š๐š๐ค๐š๐ฅ๐š ba ng mga tao na sila ay ๐ฉ๐š๐›๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐š๐ง na lamang sapagkaโ€™t sila ay nagsasabing: โ€œ๐Š๐š๐ฆ๐ข ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š,โ€ at sila ay ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ง?
3. At katiyakan, Aming ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ง yaong mga ๐ง๐š๐ฎ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š. At katiyakang ipababatid ng Allah [๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐›๐จ๐ค] yaong mga ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง, at katiyakang Kanyang ipababatid ang mga ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ .
[Qur'an 29:2-3]

Kahit sino ay may kakayahang magsabing "Muslim ako" o di kaya ay magsabing "Naniniwala ako" ngunit hindi lahat ay totoo sa pagsabi nilang ito bagkus hanggang salita lamang sila. Kaya't isa sa paraan upang palabasin ng Allah kung sino ang makatotohanan sa hindi ay sa pagbibigay ng pagsubok sa kanila. Doon makikita ang tunay nilang mga kulay.

Maaaring sabihin ng iba na "Alam ko sa sarili ko na totoo ang paniniwala ko sa Allah at tapat ako, pero bakit napakamaslimuot pa rin ng buhay ko?". Isa sa pinakara*on ay ang pagbabaliwala ng tao sa batas o kautusan ng Allah at ang pag-iwan niya sa mga babala at paalala ng Allah o ang Qur'an. Sinabi ng Allah:

"Nguniโ€™t sinumang ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฒ๐จ sa Aking ๐ฉ๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š [o ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐š], katotohanan, kanyang matatamo ang isang ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ฅ๐š๐ฉ na ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ at siya ay Aming bubuhaying bulag sa Araw ng Pagkabuhay na Muli."
[Qur'an 20:124]

Nasa Qur'an lahat ng kasagutan sa ikagiginhawa ng ating buhay. Kaya't ang pagbabaliwala ng isang tao sa Qur'an ay may napakalaking epekto sa kung anuman ang pinagdaraanan niya sa kanyang buhay. Marapat ring tingnan ng tao na dumaranas ng paghihirap ang paraan ng kanyang pamumuhay dahil may malaking epekto din ito sa kung ano ang pinagdaraanan niya. Sinabi ni Allah:

"Anumang kabutihang dumating sa iyo ay nagmula kay Allah, nguniโ€™t anumang ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐š๐ง๐  dumating sa ๐ข๐ฒ๐จ, ito ay nagmula sa iyong ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  [๐ค๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง]."
[Quran 4:79]

Kaya nararapat na i check natin ang ating mga sarili kung saan tayo nagkamali o nagkulang.

โœ๏ธ Jalil Satur Divino

Address

Boulevard
Davao City
8000

Telephone

+639201866086

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ISLAMph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to ISLAMph:

Share