13/04/2021
"βπΈπΎππ» ππΈβπΈ πΉπΈ?"
Sa sobrang pagod mo, gusto muna bumigay, hirap na hirap ka na, sawang sawa ka na, bigat na bigat ka na sa mga pinagdadaanan mo. Parang gusto muna sumuko, Parang gusto mo na itigil ang laban.
Sabi nga sa book of Isaias 40:30β-β¬31
Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
Lagi mong tatandaan, kahit nakakapagod ituloy mo lang, magpakatatag ka, lakasan mo ang loob mo, galingan mo lang at wag kang matakot. Lagi mong tatandaan magtiwala ka sa sarili mo, magtiwala ka lang sa Diyos.
Alam mo kapag nagtiwala ka sa Diyos makikita mo yung mga imposible na posible pala. Kapag nagtiwala ka sa Kanya yung mga inakala mong wala ng pag-asa, may pag-asa pa pala. Kapag nagtiwala ka sa Kanya yung mga bagay na hindi mo ineexpect sa buhay mo, mararanasan at makikita mo dahil nagtiwala ka sa Kanya. Hindi ka Nya iiwan, sasamahan ka Nya sa lahat ng pag-hihirap mo, sasamahan ka Nya sa lahat ng laban mo, sasamahan ka nya sa lahat ng pinagdadaanan mo. MAGTIWALA KA LANG SA KANYA.