21/07/2026
📘SBS (Short Bible Sharing) #2:
Naranasan mo na ba na pakiramdam mo ay hindi ikaw ang tamang tao para gumawa ng pagbabago?
Noong panahon ni Ehud, ang mga Israelita ay matagal na inaalipin at inaapi ni Haring Eglon ng Moab. Dahil sa kanilang paghihirap, nanalangin sila sa Diyos, at nagpadala ang Diyos ng isang tagapagligtas—si Ehud.
Si Ehud ay kaliwete, isang bagay na maaaring tingnan noon bilang kakaiba. Ngunit ginamit mismo ng Diyos ang kanyang kakaibang katangian at ang kanyang tapang upang maisakatuparan ang Kanyang plano. Nagtungo si Ehud kay Haring Eglon upang maghatid ng mensahe, at sa pamamagitan ng kanyang katapangan at pagiging matalino, nagawa niyang mapabagsak ang hari. Pagkatapos nito, pinangunahan ni Ehud ang mga Israelita laban sa mga Moabita, at sa tulong ng Diyos, napalaya sila mula sa kanilang pang-aapi.
Ipinapaalala sa atin ng buhay ni Ehud na hindi hadlang ang ating pagkakaiba, kahinaan, o kung paano tayo nakikita ng ibang tao para gamitin tayo ng Diyos. Maaaring pakiramdam natin ay ordinaryo lamang tayo, ngunit kapag inilagay natin ang ating buhay sa kamay ng Diyos, kaya Niya tayong gamitin para sa isang malaking layunin.
ANG BAGAY NA AKALA MO AY KAHINAAN MO AY MAAARING GAMITIN NG DIYOS BILANG IYONG KALAKASAN. 🙏✨
Godbless and see you on our next SBS Series!