Masjid Jamio

Masjid Jamio السلام عليكم و رحمة الله و بركاته
Masjid Jamio
Purok 20 Lower Sanggilangan Ma-a Davao City

21/05/2026

🌙📢 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | 𝗗𝗮𝗿𝘂𝗹 𝗜𝗳𝘁𝗮 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗫𝗜

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Darul Ifta Region XI officially announces the blessed dates for the month of Dhul Hijjah 1447H. May this sacred season bring peace, mercy, and countless blessings to every Muslim family. 🤍🕌

📅 First Day of Dhul Hijjah — May 18, 2026
📅 Arafat Day — May 26, 2026
🕋 Eid’l Adha — May 27, 2026
🌙 Ayyamut Tashriq — May 28–30, 2026

May Allah (SWT) accept our prayers, sacrifices, and good deeds. Ameen. 🤲

10/03/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Tayo po ay nasa ika dalawampung araw na ng Buwan ng Mapagpala ang Buwan ng Ramadan. Tila ba napakabilis ng panahon at tayo ay nasa huling mga araw na lamang. Nawa'y paigtingin pa natin ang ating pananampalataya na mag dua at magbahagi ng sadaqah lalo na sa mga taong nag aayuno

Nais po naming pasalamatan ang nagbahagi ng iftar sa aming komunidad, gantimpalaan pa nawa kayo ng Allah SWT na maraming biyaya Allahumma Ameen🤲.

Shukraan Jazeelan wa Barakallahu Feekum.

09/03/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Alhamdulillah tayo po ay nasa ikalabing siyam na araw ng Buwan na mapagpala ang Buwan ng Ramadan. Tayo po ay nasa huling sampung araw na lamang ng buwan ng Ramadan kung kaya't mas pagtibayin pa natin ang ating mga pananampalataya at pagbabahagi ng Sadaqah.

Nais din po naming pasalamatan ang nagbahagi ng iftar sa araw na ito, gantimpalaan pa nawa kayo ng Allah SWT ng maraming gantimpala. Shukraan Jazeelan wa Barakallahu feeykum.

08/03/2026

Day 18🤍

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa BarakatuhTayo po ay nasa ika labing pitong araw na ng Buwan na mapagpala ang Buwan n...
08/03/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Tayo po ay nasa ika labing pitong araw na ng Buwan na mapagpala ang Buwan ng Ramadan. Subhanallah, parang kailan lang nagsimula ang Buwan na ito ngunit tayo ay nasa mag huling araw na lamang. Kaya naman sulitin na natin ang mga natitirang mga araw na ito sa pamamagitan ng pag iibadah at pagbibigay sadaqah.

Nais po naming pasalamatan ang nag sponsor ng ating pa iftar ngayong araw. Gantimpalaan pa nawa kayo ng maraming gantimpala at biyaya, Allahumma Ameen🤲🏼.

Shukraan Jazeelan wa Barakallahu feekum🤍

07/03/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Tayo ngayon ay nasa ika labing pito ng buwan na mapagpala na buwan ng Ramadan. Alhamdulillah at naabutan pa natin ang buwan na kung saan napakaraming biyaya at gantimpala na ating makukuha. Kaya naman ay sulitin natin ang mga huling natitirang araw na ito.

Jazakumullahu Khayr sa nagpa iftar sa aming kumonidad, ang Allah SWT na lamang ang bahalang mag gantimpala sa iyo ng maraming gantimpala, Allahumma Ameen.

Shukraan Jazeelan

07/03/2026

Late post!

Nasa ika labing anim na tayo ng mapagpalang buwan na ito ang Buwan ng Ramadan. Sulitin natin ang mga natitirang mga araw na ito sa pamamagitan ng pagdua at pag gawa ng kawang gawa tulad ng pagpapa iftar.

Shkraan Jazeelan

07/03/2026

Late post

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Alhamdulillah tayo po ay nasa ika labing limang araw na ng mapagpalang buwan ng Ramadan. Tila napakabilis ng araw at nasa kalahati na tayo ng buwan na ito.

Jazakumullaho Khayr sa nagpa iftar sa araw na ito. Gantimpalaan pa nawa kayo ni Allah ng maraming biyaya Allahumma Ameen🤲

03/03/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Day 12 na ng buwan ng Ramadan, tila napakabilis ng mga araw. Sulitin natin ang mga araw sa buwan ng Ramadan sa pamamagitan ng pag sadaqah at pagpa iftar ng mga nag aayuno.

It was narrated that Zayd ibn Khaalid al-Juhani that The Messenger of Allaah (sallAllaahu 'alayhi wa sallam) said: “Whoever gives iftaar to one who is fasting will have a reward like his, without that detracting from the reward of the fasting person in the slightest.” [Narrated by al-Tirmidhi]

Shukraan Jazeelan sa nagbahagi at nagpa iftar sa aming komunidad, gantimpalaan pa nawa kayo ng Allah SWT ng maraming gantimpala.

24/02/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh

Alhamdulillah, tayo po ay nasa ika anım na araw na buwan ng Ramadan. Jazakumullahu Khayr sa nagbahagi at nagpa iftar ngayong araw, gantimpalaan pa nawa kayo ng Allah SWT ng maraming gantimpala.

Shukraan wa Barakallahu feekum.

Address

Garnet Jade Street
Davao City
8000

Telephone

+639652287062

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Masjid Jamio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share