hinirang tapat

hinirang tapat ���

04/03/2023

𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐀𝐍𝐈𝐁 𝐒𝐀 𝐈𝐆𝐋𝐄𝐒𝐈𝐀 𝐍𝐈 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎? 🇮🇹

Sagot: Ang banal na hapunan o Sta. Cena (Spanish term) ay aming isinasagawa bilang pagsunod at pag alaala sa ating Panginoong Hesukristo. Aming kinakain ang tinapay na sumisimbulo sa kaniyang katawan at iniinom ang katas ng ubas na sumisimbulo naman sa kaniyang dugo. (I Cor 11:24-25)

Ito ay pakikibahagi sa katawan at dugo ni Kristo (I Cor 10:16-17). Isa itong maselang okasyon sapagkat kung ang isang tumanggap nito ay hindi karapat dapat, siyay magkakasala at hahatulan. Kaya dapat niyang suriin ang sarili-- alalahanin ang mga nagawang kasalanan, ihingi ito ng kapatawaran at magbagong buhay. (I Cor 11:27-28, 31-32)

Ang ibang relihiyon ay nagsasagawa rin nito na kung tawagin nila ay Eucharist/Communion/Lord's Supper/Sacrament ngunit iba-iba nga lang ang kanilang turo tungkol dito at paraan ng pagsasagawa. Meron din namang mga relihiyong hindi nagsasagawa nito.

𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚?
Tulad ng nabanggit, ang ibang relihiyon ay nagsasagawa nito at maging sila ay nagsasagawa rin sa umaga. Ngunit meron ding mga relihiyon na istriktong nagsasagawa nito sa gabi. Sa amin, hindi ito "isyu" sapagkat hindi naman ito ordinaryong hapunan na ginagawa sa gabi.

𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨?
Ang aming pagbabanal na hapunan ay isinasagawa kasabay ng pagsamba. Ang pagsamba ang may abuluyan at hindi po ang banal na hapunan. (Heb 13:15-16)

𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚?
May mga relihiyon na nagsasagawa nito tuwing linggo/buwan/quarterly. Ngunit sa amin ito ay isang beses kada taon. Noong ginawa ang banal na hapunan sa panahon ng mga apostol at ng ating Panginoong Hesukristo, isinabay nila ito sa "Kapistahan ng tinapay na walang lebadura"-- 7 araw na pista pagkatapos ng "Paskuwa" na pagdiriwang ng mga Hudyo na ginagawa taon taon (Mat. 26:17-20, 26-28).

𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐢𝐭𝐨?
Basta bautisadong kaanib sa Iglesia ay may karapatang tumanggap ng tinapay at katas ng ubas. Sa ibang relihiyon naman ay ganun din, merong iba na piling kaanib lang, ang iba naman ay nagbibigay ng tinapay ngunit hindi ng katas ng ubas at merong kahit hindi nila kaanib ay binibigyan din.

-CTTO


04/03/2023

mag bagong buhay hanggang may panahon pa upang kapag nakatanggap ng banal na hapunan ay biyaya ang matatanggap...kapag may kasalanan tas nakatanggap ng banal na hpaunan sumpa anh matatangga☝🇮🇹

12/02/2023

Mawala man ang lahat
Wag lang ang pag-ibig ng Diyos sa atin

12/02/2023

Ano ang Kalagayan ng tao sa langit?

Nakakatawag pansin ang Aral ng mga MCGI o kilala bilang Ang Dating Daan.Sapagkat kanilang pinangaral na talagang di nga raw makakapasok ang katawang tao sa langit. Kaya imposible raw na Tao parin ang kalagayan tulad nalang ni Cristo. Isa sa kanilang batayan na talata ay atin itong sipiin
narito po :

1 Corinto 15:50
"Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan."

Malinaw daw po di makakapasok ang Laman at dugo at iniugnay naman nila ang talata na nasa mga unahan nito :

1 Corinto 15:44, 46
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."

"Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu."

Ito ang pinanghahawakan na Aral ng ating mga mahal na kaibigan.Ngayun atin pong pansinin.Hindi po sinabi na

"Binuhay na naging Espirito"

kundi ang binanggit po ay ganito:

"Katawang ukol sa Espirito"

Ito po ang kalagayan na makapagmana sa kaharian ng Dios.Ngayun atin suriin parin sa Biblia.Bakit po ito ang makakapagmana ? anu ba kahulugan ng ito? narito po:

Galacia 5:16-17

"Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman."

"Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin."

Malinaw po na talaga pinaiba at magkaiba, Kaya po di makakapasok ang ayun sa laman sapagkat ang iniutos na magsilakad ayun sa Espirito. Anu pala itong mga nasa laman ?
narito :

Galacia 5:19-21
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay HINDI MAGSIPAGMANA SA KAHARIAN NG DIOS."

malinaw na malinaw po ang Detalye kung paanu pala di makakapasok sa kaharian ng Dios kung ang isang tao ay nasa gawang nasa LAMAN.

Ngayun e paanu ba magkakaroon ng buhay na ukol sa Espirito?
narito :

Galacia 5:24
"At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito."

Ito po ang mga nasa kay Cristo na wala na sa pita ng laman.paanu po?

Juan 1:12-13
"Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging MGA ANAK NG DIOS, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios."

Hayag kung sino yaong hindi sa kalooban ng laman at sa dugo,kundi ang kalooban ng Dios. Ang mga pinagkalooban na MAGING MGA ANAK NG DIOS.

Sila ang mga taong namuhay na nakay Cristo na wala na sa laman. at ang magmamana ng kaharian ng Dios. Ano naman po ito mga katangiang ukol sa Espirito ? atin muling sipiin ang talata :

1 Corinto 15:44
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."

Bakit po ukol sa Espirito ang katawan na ipagkakaloob sa mga nakay Cristo? anu nga po ang katangian o uri ang ukol sa Espirito?
narito po :

Galacia 5:22-23
"Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan."

Malinaw po kung paanu ang buhay na ukol sa laman, at ukol sa Espirito. Kaya po malinaw ang mga talatang binanggit sa atin. Tiyak po ba nating mula sa unang katawan natin ay TAO, ang ikalawa naman na ipagkaloob na bagong katawan na syang babaguhin ay TAO parin ba ?
narito po :

1 Corinto 15:47
"Ang unang TAO ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang TAO ay taga langit. "

Malinaw po na TAO parin. ang ikalawang katawan na pinagkaloob sa mga nakay Cristo ay taong tao parin. Kaya kung pansinin at balikan natinbang 1 Cor. 15:50, ay hindi makakapasok ang ukol sa laman (Katawan na nagkakasala) at dugo (sapagkat may kasiraan), Kaya ang sabi ng kasunod na talata, LAHAT AY PAPALITAN. Ganito ang sabi ng Biblia:

1 Corinto 15:51
Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,

1 Corinto 15:52
Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

1 Corinto 15:53
Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

1 Corinto 15:54
Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

Napakalinaw, na ang lahat lamang ay papalitan hindi upang maging Espiritu kundi gawing ang katangian ay UKOL SA ESPIRITU. TAO parin hanggang sa langit subalit taglay ang KATAWAN na walang kamatayan at walang kasiraan. Ngayun anu po ang sabi ng Biblia ukol naman sa pagkabuhay ni Cristo ?

1 Corinto 15:16
"Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:"

Bubuhayin ding muli ang mga patay kung paanong si Cristo ay muling binuhay. Ayun naman mismo kay Cristo,sa kanyang muling pagkabuhay, Espirito naba sya o tao parin ? narito :

Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang ESPIRITU'Y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin."

Pinakilala at pinakita mismo ni Cristo kung anu ang kalagayan nya sa muli nyang pagbuhay, siya ay hindi Espiritu kundi TAO na may laman at buto.

Hayag na hayag na po muli ang maling aral na turo na mula lamang sa kanilang sariling kaalaman.At ayun sa mga pinagkalooban na maging mga ANAK NG DIOS na siyang tagapagmana ng kaharian ng Dios ay batay sa ating pag-aaral kanina ang mga may kaugnayan kay Cristo. At yun lamang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo.

Ctto:hinirang tapat❤🐑💚

11/02/2023

Kada gabi po ay mag popost po ako ng mga salita nang Dios para po i send nyu kahit saang group page at ibahagi ito sa mga hindi pa kaanib sa inc

Ctto:hinirang tapat💚🐑❤

11/02/2023

Anung uri ng pagbabanal na hapunan ang hinahanap ni Cristo sa mga tunay niyang alagad? yan ang ating susuriin at liliwanagin.

Total malapit na ren ang banal na haPunan.ito naman ang ating pag aaralan.

Nang itatag ni Cristo ang banal na hapunan merong mga panuntunan na iniutos ni Cristo upang ganap na maisagawa ang marapat na pagbabanal na hapunan. Anu ba ang panuntunang ginawa ni Cristo ukol sa pagsasagawa ng Banal na Hapunan?👇

Lucas 22:19-20 (New Pilipino Version)
'' Dumampot siya ng tinapay at matapos magpasalamat sa Dios, ibinigay ito sa kanila, ', na sinasabi, 'Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin'.

'' Sa gayon ding paraan, matapos maghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi, ' Ang sarong ito ang bagong tipan sa aking dugo, na mabubuhos dahil sa inyo'.''

Ang mga panuntunan ay itinuro ni Cristo sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na siyang lumalarawan sa kaniyang katawan, at ang pag-inum sa saro ng katas ng ubas na siya namang lumalarawan sa kaniyan dugo. Samakatuwid ang dalawang ito ang pangunahing panuntunan na iniutos ni Cristo na dapat nating gawin sa pagbabanal na hapunan.

1. Pagkain sa tinapay- Katawan ni Cristo
2. Pag-inum sa saro ng katas ng ubas- Dugo ni Cristo

Ang isa sa mga ikinakatuwiran nang ibang relihiyon na hindi nagsasagawa ng banal na hapunan ay ganito: '' Ang inuutusan lang naman daw na magsagawa nyan ay ang mga Apostol sapagkat sila lang ang Kausap ni Cristo ng isagawa nila ito at hindi daw ang buong iglesia'' Tama kaya ang pangangatuwiran na ito? Tanungin natin si Apostol Pablo kung para kanino ba talaga ang pagsasagawa ng banal na hapunan?👇

1 Corinto 11:23-25,MBB

"Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin."

Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin."

Ayon kay Apostol Pablo' ang aral na tinaggap niya sa Panginoon ang siyang tinutupad nila noon. Hindi sila umimbento ng iba pa o ng sariling pamamaraan sa paggunita o pag-aalaala sa ating Panginoong Jesucristo. Kaya ang utos ng pagbabanal na hapunan ay hindi lamang tuwirang iniutos sa mga Apostol kundi sa buong Iglesia.

Ang pagsasagawa ng banal na Hapunan ay pakikibahagi ng Iglesia sa dugo at katawan ng Panginoong Jesucristo. Ang pag-inom ng katas ng ubas ay pakikibahagi sa kaniyang dugo at pagkain naman ng tinapay ay pakikibahagi sa kaniyang katawan. Ganito ang kabuuan ng pangungusap ni Apostol Pablo:👇

1 Corinto 10:16-17 (Ibid)

"Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?

Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo tayo sa iisang tinapay."

Iisang saro at iisang tinapay ang ginamit nang isagawa ang unang banal na Hapunan. Bawat nakibahagi roon ay kumuha at kumain mula sa iisang tinapay na pinagpira-piraso. Umiinom din silang lahat ng kanilang bahagi sa katas ng ubas.👇

Mateo 26:26-29

"At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

Ito mismo ang tinutupad ng Iglesia ni Cristo. Sa kabilang dako, kung hindi ganito ang paraan ng paggunita kay Cristo ay hindi maituturing na Banal na Hapunan. Kaya, kung may nagsasagawa diumano ng Banal na Hapunan ngunit hindi naman mula sa iisang tinapay ang tinanggap o kaya'y hindi pinainom ang lahat ng kumain ng tinapay ay hindi iyon tunay na Banal na Hapunan. Sa gayong paraan ay hindi naisagawa ang marapat na pag-aalaala sa ating panginoong Jesucristo.

Ang sasalo sa dulang nang Panginoon o tatanggap ng banal na hapunan ay dapat na maghanda ng sarili bago ito isagawa. Ang pagtanggap nito nang hindi nakahanda ay ipagkakasala:👇

1 Corinto 11:27,MBB

Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon

Ang pagkain at pag-inom sa banal na hapunan at mahalaga. Ang wastong pagtanggap nito ay ikapagpapatawad ng kasalanan sapagkat ito ang layunin ng pagtatatag ng banal na hapunan.👇

Mateo 26:26-28

At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Sa kabilang dako, ang hindi wastong pagtanggap nito,gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, ay ipagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya dapat munang ihanda o igayak ng tatanggap ng banal na hapunan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglayo sa kasalanan. Ang lumalayo sa kasalanan ay hindi napaalipin dito. Itinuturo ni Apostol Pablo kung bakit hindi na dapat maging alipin pa ng kasalanan ang mga lingkod ng Diyos:👇

Roma 6:6

"Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya,upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.

Ayon kay Apostol Pablo, ang dating pagkatao ng mga tunay na Cristiano ay napakong kasama ni Cristo at namatay na ang makasalanang katawan. Pananagutan ng tatanggap ng banal na Hapunan, kung gayon, ang ganap na pagbabagong-buhay. Kaya, bago tanggapin ang banal na Hapunan ay dapat siyasatin o suriin ng isang, kaanib ang kaniyang sarili kung siya'y alipin pa ng kasalanan o tunay nang maya rito.

1 Corinto 11:28

Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.

Ang nabubuhay sa kasalanan at ayaw pa ring magbago ay alipin ng kasalanan. Ang gayon ay kumakain at umiinom sa banal na hapunan nang hindi nararapat, kung kaya't sa halip na tumanggap ng biyaya at maging banal ay nagkakasala. Ang mga Cristiano ay inuutusang iwan ang dating masamang pamumuhay at magbago ng diwa at pag-iisip-isip - isang pagbabago na ayon sa katuwiran at kabanalan.👇

Efeso 4:22-24

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Dahil dito, ganito ang tagubilin ni Apostol Pablo:👇

2 Corinto 13:5 ,MBB

Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga bigo sa pagsubok.

Kaya maliwanag na ang pagbabanal na hapunan ay isang sagradong okasyong itinatag ni Cristo upang gunitain ang kaniyang pagsasakripisyo at ang pagkakabuhos ng kaniyang dugo sa bundok ng kalbaryo. Ayon sa biblia ay kailangang magbagong buhay at suriing maiigi ng taong tatanggap nito ang kaniyang pamumuhay, kung siya ba ay nararapat o hindi sapagkat ang kumain at uminum nito na hindi sinusuri ng maiigi ang kaniyang sarili ay tumatanggap ng hatol sa kaniyang sarili. Ang pagbabagong buhay ang itinuturo ng biblia na pinaka mabisang paraan upang biyaya ang tanggapin ng taong tatanggap sa banal na hapunan. Anu mang uri nang banal na hapunan na nagsasagawa nito na hindi alin sunod sa iniutos ni Cristo at ng mga Apostol ay hindi tunay na pagbabanal na hapunan.🇮🇹

👆👆

Credit to: hinirang tapat💚🐑❤

08/02/2023

GAWA 20:28 [ LAMSA TRANSLATION]

Tinutotolan ng mga karamihan ang tungkol sa mga nakasulat sa GAWA 20:28 na salin ni LAMSA. sapagkat ang tunay daw na nakasulat ay Hindi naman IGLESIA NI CRISTO , kundi IGLESIA NG DIOS. at paborito naman lalo ng mga ADD .

kaya ang tamang pangalan daw ng relihiyun ay IGLESIA NG DIOS at hindi IGLESIA NI CRISTO.
at usisain at isa isahin kung paanu at bakit Naisalin ni LAMSA ang Gawa 20:28 ito po ang nilalaman :

sa Filipino na

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo
kung gayon ang inyong mga
sarili at ang buong kawan na
rito’y hinirang kayo ng
Espiritu Santo upang maging
mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO na
binili niya ng kaniyang dugo.”

ang Sabi nila.maling mali nga raw.sapagkat ang mababasa naman sa Biblian grego na kung CHURCH OF CHRIST daw ang nakalagay dapat daw ay ganito :

“εκκλησιαν του χριστου” o
“EKKLĒSIAN TOU KRISTOU”

Sapagkat ang nakalagay nga naman daw ay:

“εκκλησιαν του θεου” o
“EKKLĒSIAN TOU THEOU”

ito ang katunayan na mababasa nga daw. .

Acts 20:28 “προσεχετε ουν
‘εαυτοις και παντι τω ποιμνιω
εν ‘ω ‘υμας το πνευμα το
‘αγιον εθετο επισκοπους
ποιμαινειν την εκκλησιαν του
θεου ‘ην περιεποιησατο δια
του ιδιου ‘αιματος” [Textus
Receptus]

Pagbigkas:

“prosekhete oun heautois kai
panti tō poimniō en hō humas
to pneuma to hagion etheto
episkopous poimainein tēn
EKKLĒSIAN TOU THEOU hēn
periepoiēsato dia tou idiou
haimatos.”

Na ito ang pinagbabatayan nila sa bat ibang mga salin,isa na Dito ang paborito nilang gamitin ang KJV. .

Acts 20:28 “Take heed to
yourselves and to the whole
flock, wherein the Holy Ghost
hath placed you bishops, to
rule the CHURCH OF GOD
which he hath purchased with
his own blood.” [ KJV

Pero. itinuro din kaya nila. na ito ay may iba pang salin mula sa Bibliang greek? . .bakit kaya di nila ito pinansin. .ito po basahin natin.

Acts 20:28 “προσέχετε
ἑαυτοῖς καὶ παντὶ τῷ
ποιμνίῳ, ἐν ᾧ ὑμᾶς τὸ πνεῦμα
τὸ ἅγιον ἔθετο ἐπισκόπους,
ποιμαίνειν τὴν ἐκκλησίαν τοῦ
κυρίου , ἣν περιεποιήσατο διὰ
τοῦ αἵματος τοῦ
ἰδίου.” (Tischendorf Greek
New Testament)

Dito sa Bibliang ito imbes na “IGLESIA NG DIYOS” na sa Greek nga ay:

“εκκλησιαν του θεου” o
“EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Ang nakalagay dito ay:

“ἐκκλησίαν τοῦ κυρίου” o
“EKKLĒSIAN TOU KURIOU”

na kung sa English “CHURCH OF THE
LORD” na pinagbatayan mga salin ng mga Bibliang ito:

Acts 20:28 “Take heed unto
yourselves, and to all the
flock, in which the Holy Spirit
hath made you bishops, to
feed the CHURCH OF THE
LORD which he purchased
with his own blood.”
[ American Standard Version]

At maging ng ating PINAKA- LUMANG BIBLIANG TAGALOG – ANG BIBLIA:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo
ang inyong sarili, at ang
buong kawan, na sa kanila'y
ginawa kayo ng Espiritu Santo
na mga obispo, upang pakanin
ninyo ang IGLESIA NG
PANGINOON na binili niya ng
kaniyang sariling dugo.” [ Ang
Biblia, 1905 ]

makikita po natin na sa Bibliang Greek ay may DALAWANG VERSION ang Gawa 20:28 ,
Sapagkat hindi nalalaman ng marami na kung papaanong maraming version ang mga Bibliang English at Tagalog ay gayon din ang Bibliang Greek. ang Mga orihinal na isinulat ng mga apostol mula pa nOon ay hindi na umiral kaya wala nang pinakatumpak kung ang "IGLESIA NG DIOS" ang pinakatumpak na salin. Atin ngayung isa isahin. kung tUmpak kaya ito. .na sa pinanghahawakan nilang salin? balik at unahin natin ang kanilang Saling ginagamit.

Acts 20:28 “Take heed to
yourselves and to the whole
flock, wherein the Holy Ghost
hath placed you bishops, to
rule the CHURCH OF GOD
which he hath purchased with
his own blood.” [ KJV]

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo
ang inyong sarili, at ang
buong kawan, na sa kanila'y
ginawa kayo ng Espiritu Santo
na mga obispo, upang
pamunuan ang IGLESIA NG
DIOS na binili niya ng
kaniyang sariling dugo.”

una, may Dapat po tayong mapansin. .

"BINILI NYA NG KANYANG SARILING DUGO"

may katanungan kaagad sa mga talata na yan,

-kaninung dugo ang binili?
-at kaninu binili.?

atin pong suriin at basahin ang mga kasagutan.mula sa aklat ng apocalipsis.

Apoc 5:8-9 “At pagkakuha
niya ng aklat, ang apat na
nilalang na buhay at ang
dalawangpu't apat na
matatanda ay nangagpatirapa
sa harapan ng CORDERO, na
ang bawa't isa'y may alpa, at
mga mangkok na ginto na
puno ng kamangyan, na siyang
mga panalangin ng mga banal.
At sila'y nangagaawitan ng
isang bagong awit, na
nagsasabi, Ikaw ang
karapatdapat na kumuha ng
aklat, at magbukas ng mga
tatak nito: sapagka't ikaw ay
pinatay, at BINILI MO SA DIOS
NG IYONG DUGO ANG MGA TAO
SA BAWA'T ANGKAN,
AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA.

malinaw po na binili ng CORDERO sa sarili nyang DUGO. .at ito ay binili nya sa DIOS.
at hindi ang mismOng DIOS ang mismung bumili sapagkat ang Dios walang Dugo sagkat Espirito ang kalagayan (juan 4:24 ) sinO itong CORDERO ?

Juan 1:29 “Nang kinabukasan
ay nakita ni Juan si JESUS na
lumalapit sa kaniya, at sinabi,
Narito, ang CORDERO NG
DIOS, na nagaalis ng
kasalanan ng sanglibutan!”

Ang tinutukoy na CORDERO na bumili ng kaniyang dugo sa Iglesia sa Diyos ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO, at hindi ang Diyos. talaga bang si Cristo ay may dugo?mula sa aklat ng HEBREO :

Hebreo 9:13-14
“Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing
at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang
baka na ibinubudbod sa mga nadungisan,
ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO,
na sa pamamagitan ng Espiritu na walang
hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na
walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong
budhi sa mga gawang patay upang
magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Kaya napakaliwanag na ang tumpak na salin sa Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO at hindi IGLESIA NG DIYOS. Balikan natin si LAMSA, anu ba ang kanyang pahayag kung bakit at anung dahilan nya nito sa pagsalin?

“The Eastern text reads: "the
Church Of Christ which he has
purchased with his blood.
Jewish Christians could not
have used the term “God”,
because in their eyes God is
spirit, and spirit has no flesh
and blood. It was Jesus of
Nazareth who shed his blood
on the cross for us, and not
God.” [George M. Lamsa, New
Testament Commentary, pp.
149 - 150]

Sa Filipino:

“Sabi sa Eastern Text: “ang
Iglesia ni Cristo na binili niya
ng kaniyang dugo. Ang mga
Cristianong Judiyo ay
maaaring hindi ginamit ang
terminong “Diyos”, dahil sa
kanilang mga mata ang Diyos
ay Espiritu, at ang espiritu ay
walang laman at dugo. Si Jesus
na taga Nazareth ang nagbubo
ng kaniyang dugo sa krus
para sa atin, at hindi ang
Diyos."

anu ba itong Eastern text?

Ang Syriac Pesh*tta Aramaic, na siyang katutubong wika ni Jesus, isang manuskristo sa Wikang Aramaiko, at kaniyang nilinaw na ang nakalagay o nakasulat doon ay CHURCH OF CHRIST -

Ang pinagbatayan ng kaniyang saling ito ay hindi ang mga manuskritong Griego kaya mali na ipinang-aatake ng iba, na maling salin daw ito dahil sa hindi nito sinunod ang mga manuskritong Griego, ano naman kaya ang katibayan nila na mali ang manuskritong Aramaiko at hindi dapat pagbatayan? Sa totoo lang walang sino man na makapagpapatunay na hindi authentic ang mga manuskritong ito.

“Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo.”
“Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.”

Ang mga ito ang syang napakatitibay na mga dahilang ito ang kanila munang dapat na patunayang hindi totoo, bago nila sabihin na ang pagkakasalin ng Gawa 20:28 ni George M. Lamsa ay MALI. kaya naway maging malinaw na sa lahat. at sana nakatulong sa mga nagsusuri

ctto:
💚🐑❤

08/02/2023

May isa pong katoliko ang nagtatanong..si bro. Florentino Kwan ang tanong nya po ay kahit anong salin o biblia po na nagpapatunay na Si jesus ay hindi Dios....
Ok po challenge accept po.

Uunahin po natin bro ang talatang Juan 8:40(Ang biblia 1905) ganito ang sinasabe
40 datapuwat pinagsisikapan ninyo akong patayin na 👉TAONG👈 sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan na aking narinig mula sa DIOS,at ito hindi ginwa ni abraham

Sa talatang ito ay meron na pong dalawang makapagpapatunay na Tao nga si hesus.
👉Kinikilala nya na Tao sya
AT
👉May pinanggalingan ang kanyang mga tinuturo sa DIOS

Meron din isang talata na nananalangin sya...May Dios bang nananalangin sa isa png Dios ...wala dba ohh ito sa Mateo 26:39(Ang biblia 1905) ganito ang sinasabe
39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

Meron pa po brad isang talata na nanalangin din sya at ipinakilala ang tunay at iisang Dios dto po sa Juan 17:1-3 ganito po ang masasabi
1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

meron po syang ipinakilala na iisang Dios yun ang AMA...ehhh anu ba sabi ng AMA.isaias 45:5-6 (Ang Biblia 1905) at ganito ang masasabi
5 Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,
6 Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Balik po tayu kay jesus ito na po ang huling talata na ating pag aaralan brad...na ipinakilala si hesus na Sya ay tao sa ezekiel 28:2 ganito ang maBabasa.
2 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;

yun lang po maraming salamat brad 💚🐑❤

08/02/2023

Ang Katotohanan Sa Kalagayan Ni Cristo
Siya ba ay Tao o isang Dios?

Nakamulatan na ng tao ang paniniwalang ang pangingoong JesuCristo ay siyang Dios na tunay, may nag sasabi ding siya ay Tao na at Dios pa. ngunit sa kabila ng lahat ng Paniniwalang ito ano ba talaga ang katotohanan sa Tunay na Kalagayan ng ating Panginoong JesuCristo?

May dalawang Paraan para matukoy natin kung paano masisigurado at malalaman Kung ang Panginoong JesuCristo nga ay Isang Dios na tunay, tulad ng Iniisip ng iba.
Una Alamin, ano ba ang tunay na Kalikasan o Kalagayan ng isang Tunay na Dios, at alamin ang katangian ng Dios, Mula sa pinanggalingan hanggang sa kasalukuyan, kapangyarihan, Limitasyon, at Kaalaman ng isang Tunay na Dios.

Pangalawa alamin kung lahat ng mga katangian at kalagayan ng Tunay na Dios ay katangian at kalagayan o kalikasan din ng Panginoong JesuCristo.

Para lalo nating maintindihan, talakayin muna natin kung ano ang Kalikasan ng Isang tunay na Dios at ano ang mga Katangian ng Isang Dios.

Ang tunay na Dios walang kapareha o walang katulad:

Isaias 46:9
"Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba."

Ang tunay na Dios ay pinaka mataas walang limitasyon:

Isaias 57:15
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan."

Ang Tunay na Dios ay Nalalaman araw at oras ng Paghuhukom:

Mateo 24:36
“Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito."

Ang Tunay na Dios ay hindi nakararanas kaylan man ng kamatayan:

1 Timoteo 1:17
"Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen."

Ang Tunay na Dios ay Espiritu Ang Likas na kalagayan.

Juan 4:24
"Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Lahat ng binangit na Katangian at kalagayan o kalikasan ng Dios ay nag papatotoo ng pagiging tunay na Dios ng Ama. Sa makatuwid kung isa man sa mga yan ay katangian ng Panginoon JesuCristo at Walang sasalungat sa kanyang Kalagayan ang mga ilang binangit na talata kahit isalang sa mga iyan ang magpatotoo sakanya tunay ngang maari nating isipin na si JesuCristo nga ay Dios na tunay. O umiiral sa kanya ang pagiging isang Tunay na Dios tulad ng Ama. Alamin natin.

1. (ANG TUNAY NA DIOS AY PINAKA MATAAS WALANG LIMITASYON)

Ang Panginoong JesuCristo ba ay pinaka Mataas din at walang limitasyon ayon sa isaias 57:15? Ito ang pahayag ng biblia sa

Marcos 16:19
"Pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.

1 Mga Taga-Corinto 15:28
"At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat."

Juan 12:49
"Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain."

Pansinin ang talata sa marcos 16:19 hindi umupo si Cristo sa Trono ng Kataastaasan hindi tulad sa isaias 57:15 na ang Dios ay kataastaasan, si Cristo ay umupo sa kanan ng Dios. May isang Dios na kinauupuan nya sa kanan. At sa 1cor.15:28 papailalim sa kapangyarihan ng Dios na nagpasuko ng lahat ng bagay kay Cristo, upang ang Dios ay MAGHARI sa LAHAT, malinaw na hindi katangian ni Cristo ang isang Makapangyarihang Dios. At sa Juan 12:49 ang pagpapasya ay hindi kay Cristo kundi sa Dios na makapangyarihan, wala syang kapangyarihan sa kanyang sarili maliban na ipahintulot ng Ama. Malinaw na hindi katangian ni Cristo ang Pagiging Makapangyarihan at walang limitasyon.

2.(ANG TUNAY NA DIOS AY ALAM ANG ORAS AT ARAW NG PAGHUHUKOM)

Si Cristo kaya alam nya ang oras at araw ng paghuhukom? Ayon sa talata ng mateo 24:36 kahit ang Anak(Cristo) ni ang mga anghel ay hindi alam ang paghuhukom kundi ang Ama lamang.. bagamat nalalaman ni Cristo ang mga palatandaan kung kaylan maghuhukom hindi nya alam kung kaylan sya susuguin ng Ama tulad sa mababasa natin sa
Mateo 24:33
"Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga."

Alam ni Cristo ang palatandaan ngunit hindi nya din alam ang oras at ang araw ng paghuhukom
Mateo24:36
"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang."

Kaya malinaw na hindi katangian ni Cristo ang malam ang araw ng paghuhukom hindi tulad ng Tunay na Dios na lahat ng bagay ay nalalaman nya maging ang paghuhukom.

3.(ANG TUNAY NA DIOS AY HINDI NAKARANAS KAYLAN MAN NG KAMATAYAN)

Si Cristo ba ay pasok sa katangin ng Isang tunay na Dios na hindi kaylanman nakaranas ng kamatayan? Tulad ng nasa 1temoteo 1:17? na ang Dios ay walang kamatayan? Alamin natin sa..

Mateo 27:50
"Muling sumigaw si Jesus nang malakas at siya'y nalagutan ng hininga."

Si Cristo ba ay nakaranas ng kamatayan? Opo, malinaw sa talata. Kung gayon hindi padin katangian ni Cristo ang katangian ng tunay na Dios na hindi nakaranas kaylanman ng Kamatayan, hindi tulad ni Cristo na namatay sa krus.

4.(ANG TUNAY NA DIOS AY ESPIRITU ANG LIKAS NA KALAGAYAN)

Si Cristo ba ay tulad ng Tunay na Dios na espiritu ang kalikasan o kalagayan? Tulad ng sinasabi sa Juan 4:24 na ang Dios ay espiritu? Alamin pa natin sa..

Juan 8:40
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."

Si Cristo ay tunay na Tao ayon mismo sa ating Panginoong JesuCristo, mismo ang Cristo na ang nag sabi na sya ay Tao at hindi espiritu tulad ng Dios, eh noong mabuhay sya sa pagkamatay nya sa krus naging espiritu narin ba sya tulad ng Dios? Alamin pa natin..

Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin."

Ito ay tagpo pagkatapos mabuhay ni Cristo namaguli sa krus. Ngunit nanatili siyang may laman at mga buto, hindi anya sya naging espiritu tulad ng Dios. Siya ay nanatiling tao. Pero kahit ba si Cristo ay nasa langit na ay tao padin ang kanyang kalagayan? Alamin natin sa sipi ng biblia sa

Mga Awit 80:17
"Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili."

Ito ay pahayag sa ating panginoong JesuCristo na tagapagligtas, ito ay isa sa talatang nagpapatotoo sa ating panginoong JesuCristo, kahit ito ay pahayag lang noon, ito ay naka sulat na isang Tao ang lulukluk sa kanan ng Dios at hindi Dios din. Kaya malinaw na kahit sa langit ay taong luluklok sa kanan ng Dios ang panginoong JesuCristo.

5.(ANG TUNAY NA DIOS AY WALANG KAPAREHA O WALANG KATULAD)

ang huling katangian na ito ay kung nauunawaan natin ang 1,2,3 at 4 na katangian ng tunay na Dios ay malalaman natin na hindi Dios ang ating panginoong JesuCristo. Sapagkat sa talatang isaias 46:9

Isaias 46:9
"Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba."

Hindi bibigyan diin ng Dios ang salitang "wala nang iba" kung may roon pa liban sa kanya o may darating pang iba. Kaya malinaw na ang ating panginoong JesuCristo ay hindi Dios sapagkat hindi katangian ni Cristo o kalagayan man ang pagiging isang Dios na Makapangyarihan.

Tandaan, si Cristo ay hindi nagpakilala na sya ay Dios na tunay kaylanman.

Ngayon sinabi ba ni Cristo sa biblia na sya ay hindi Dios? Gaya ng ginagawa ng ibang mangangaral na pilit iminamatuwid ang baluktot na paniniwala, kasi ang katwiran kung hindi naman sinabi ni Cristo na hindi sya Dios edi Dios sya?
Alamin pa natin, may pahayag ba ang panginoong JesuCristo na magpapatunay na Hindi sya ang Tunay na Dios? At paano sya dapat kilalanin kung hindi sya ang Tunay na Dios?

Juan 17:1-3
"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
"Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak.
"Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang IISANG TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong ISINUGO."

Isang malinaw na talata kung bubuksan lang sana ng mga ibang tagapagturo ng ibang relihiyon ang kanilang unawa, malinaw na sinabi ng panginoong JesuCristo na Hindi talaga sya Dios, sapagkat ipinakilala nya na ang iisang tunay na Diyos ay ang Ama. At sya anya ay Isinugo. Ang pag papahayag nya na sya ay Sugo ay katunayan o pag papahayag na hindi sya Dios kundi yung Ama ang kanyang tinukoy na IISA at TUNAY wala nang pagtatalo kung malinaw lang sanang naiintindihan ito ng mga bumabaluktot ng Aral na nasa biblia.

At walang letra por letra na sasabihin ni Cristo "hindi ako Dios" hindi nya ito sasabihin dahil sa panahon nya ay hindi naman issue noong ang kalagayan nya, wala namang nagpapatotoo na Siya ay Dios na tunay.

Ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan ay pagkilala sa iisang tunay na Dios at pag kilala sa Isinugo ng Dios. Iba ang nag Sugo iba ang Isinugo.

Ang nag sugo ay ang Tunay at Iisang Dios ayon kay Cristo.
At ang sinugo ay ang Panginoong Jesus, yan ang ipag tatamo ng buhay na walang hanngan.

Kaya ang mga tunay na Cristiano ay naninindigan na ang Tunay na Dios ay makapangyarihan, walang katulad, hindi namamatay, espiritu ang kalagayan, at nalalaman lahat ng bagay maging ang Paghuhukom.

Ngunit sa katotohanan, hindi ito tinaglay ng Panginoong Jesus, bagkos lahat ng katangian ni Cristo ay sumasalamin sa pagkasugo nya para sa mga tunay na maliligtas, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

-Mga Tunay Na Cristiano💚🐑❤

Address

Davao City

Telephone

+63777796480

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when hinirang tapat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share