26/12/2024
Sa mahigit 1,700 na dumalo sa ating ika-10 QLP-SADRI Regional Assembly, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Nawa’y patuloy tayong patnubayan ni Allah (SWT) sa ating adhikain na mahikayat ang bawat Muslim na matutong bumasa ng Banal na Qur’an.
Ang pamunuan ng QLP-SADRI ay mananatiling bukas at handa para sa mga dayalogo at konsultasyon ukol sa anumang mungkahi na makatutulong sa ikauunlad ng ating programa. Layunin din nating palawakin pa ang ating mga pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor, lalo na sa mga Ulama, Datu, Imam, at iba pang mga indibidwal o organisasyong may parehong layunin para sa pagpapalaganap ng katuruan ng Qur’an.
Para sa mas marami pang matagumpay na pagtitipon at kaunlaran, in shaa Allah!