23/04/2023
ILAN SA MGA ALITUNTUNIN SA ANIM (6) NA ARAW NA AYUNO SA SHAWWAL
ุงูุญู
ุฏ ููู ุ ูุจุนุฏ :
Ang buwan ng Shawwal ay ang buwan matapos ang Ramadhรขn. Ibig-sabihin, ang Eidul Fitr ay ang unang araw ng Shawwal. At iyan ay batid ng marami, subalit marami ring muslim ang hindi batid ang mga pangalan o pagkaka-ayos ng mga buwan sa Islamic Calendar.
โพ ANG ANIM NA ARAW NA AYUNO SA BUWAN NG SHAWWAL AY KATUMBAS NG ISANG-TAON NA PAG-AAYUNO. Sinabi ng Rasulullah (SallAllรขhu Alayhi Wa Sallam):
โ ู
ููู ุตูุงู
ู ุฑูู
ูุถูุงููุ ุซูู
ูู ุฃูุชูุจูุนููู ุณูุชููุง ู
ููู ุดููููุงููุ ููุงูู ููุตูููุงู
ู ุงูุฏููููุฑู โ [ ู
ุณูู
: 1164 ]
โSinuman ang mapag-ayunuhan niya ang Ramadhรขn, pagkatapos ay sinundan niya ito ng anim (na araw na pag-aayuno) mula sa Shawwal, ay katumbas ito ng pag-aayuno ng isang taon.โ [Muslim: 1164 ]
โพ MAAARI NG UMPISAHAN SA IKA-2 NG SHAWWAL, bagamat ayon kay Shaykh Muhammad Ibn Muhammad Al-Mukhtar Al-Shinqeetiy (Hafidhahullรขh), ay mas mainam na umpisahan ito isa ika-4 ng Shawwal; nang saganun ay madama ang diwa ng Eid sa mga araw na ito. At kanya itong inihalintulad sa Ayyam Tashreeq o ang mga araw pagkatapos ng Eidul Adhรข (ika-11, 12, at 13 ng Dhul Hijjah), na nabanggit sa hadeeth, na ito ay mga araw ng pagkain at pag-inum. [Muslim: 1141]
โพ MAINAM NA MAGING SUNOD-SUNOD, subalit ito ay hindi kundisyon. Ibig-sabihin ay maaaring magkakahiwalay.
โพ MAAARING ITAPAT SA MGA LUNES AT MGA HUWEBES, at kanya ring matatamo ang gantimpala ng ayuno tuwing Lunes at Huwebes, ayon yan kay Shaykh Al-Uthaymeen (Rahimahullรขh).
โพ Sa pag-aayuno ng anim (6) na araw sa buwan ng Shawwal ay kinakailangan na makapag-intensyon bago ang Fajr.
๐ด USAPIN:
Alin ang uunahin, ang QADHร (PAGBAYAD) para sa mga araw na hindi napag-ayunuhan sa Ramadhรขn, o ang SUNNAH na pag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal?
Ang usaping ito ay hindi nagkaisa ang ating mga Ulamรขa, kung alin ang uunanahin. Sila ay nahati sa DALAWANG PANIG.
โพ UNANG PANIG: Uunahin ang QADHร para sa Ramadhรขn. At kabilang sa pumanig dito ay sila: Ibn Mufleh Al-Hanbaliy, Shaykh Ibn Baz, Shaykh Al-Uthaymeen, Shaykh Al-Albaniy, Shaykh Ibn Jibreen (Rahimahumullรขh), at si Shaykh Saleh Al-Fawzan (Hafidhahullรขh).
โพ IKALAWANG PANIG: Maaaring unahin ang SUNNAH na pag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal, at ipagpaliban muna ang pagbayad sa ibang araw. At kabilang sa pumanig dito ay sila: Sulaiman Al-Bujairamiy Al-Shafi-iy (Rahimahullรขh), Shaykh Khalid Al-Mosleh, at Shaykh Abdulaziz Al-Fawzan (HafidhahumAllรขh).
๐ Kabilang sa batayan ng unang panig ay:
๐ Una, ay dahil sa ang pagbayad ng naiwang ayuno sa Ramadhรขn ay obligado, at ang pag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal ay sunnah, at mas mahalaga ang obligado kaysa sa sunnah.
๐ Pangalawa, ay makakamit lamang ang gantimpala ng anim na araw na ayuno kung nakumpleto ang Ramadhรขn, o nabayaran muna ang hindi napag-ayunuhan sa Ramadhรขn; sapagkat kung may hindi napag-ayunuhan sa Ramadhรขn ay hindi maituturing na napag-ayunuhan ang buong Ramadhรขn. Sinabi ng Rasulullรขh (SallAllรขhu Alayhi Wa Sallam): โSinuman ang mapag-ayunuhan niya ANG RAMADHรNโฆโ, ibig-sabihin ay buong Ramadhรขn. At maituturing lamang na napag-ayunuhan ang buong Ramadhรขn kung mabayaran ang hindi napag-ayunuhan dito.
๐ Kabilang naman sa batayan ng pangalawang panig ay:
๐ Una, ang hadeeth ni Aeโsha (RadiyAllรขhu Anhรข), na kung saan siya ay nakakabayad lamang ng kanyang mga utang na ayuno sa Shaโban (isang buwan bago ang susunod na Ramadhรขn) [Muslim: 1146]. Na kanilang sinabi, na malayong isipin na si Aeโsha (Radiyallรขhu Anhรข) ay hindi nag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal.
๐ Pangalawa, walang malinaw na dalil (o batayan) na hindi matatamo ang gantimpala ng anim na araw na ayuno kung mauna ito sa pagbayad sa mga utang sa Ramadhรขn.
โ๏ธ At sa akin lamang, ako ay pumapanig sa unang panig. Kung bakit?
๐ Dahil para sa akin ay mas malinaw ang kanilang mga batayan.
๐ At maaari rin nating sabihin, na hindi natin alam kung tayo ay hahantong pa sa susunod na Ramadhรขn. At dahil diyan, ay mainam na maisagawa natin ang mga obligado bago ang hindi obligado. Dahil ang obligado ay ililitis saatin sa Araw ng Paghuhukom.
๐ Gayundin, na ang pangalawang panig, bagamat sinasabi nila na maaaring unahin ang sunnah sa Shawwal, ay kanila ring sinasabi na walang duda na kung unahin ang pagbayad sa mga utang, ay mas AFDAL (MAINAM) ito.
ูุงููู ุงูุนูู
.
๐Sinulat at inipon ni Shiekh Amer Ibn Ali Pundogar (Hafidhahullรขh)
_______________
๐ (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)