12/08/2026
SUNDAY SERVICE RECAP | AUGUST 9, 2026
TITLE: THE DANGER OF OFFENSE
Hindi lang destruction at problema ang ginagamit ng kaaway para tayo ay lumayo, mawalan ng gana, at sumuko sa ating paglilingkod sa Diyos. Ginagamit din niya ang correction, pagkadismaya, mga sugat, at hindi pagkakaunawaan.
Alam ng kaaway na mahalaga sa Diyos ang ating puso, kaya patuloy siyang naglalagay ng lason at karumihan dito upang hindi tayo lumago. Hindi tayo tunay na lalago kung may karumihan at hindi napaghihilom na sugat sa ating puso.
Kaya naman, kailangan nating bantayan ang ating mga puso. Lagi nating ipasuri at ipalinis ang ating puso sa Diyos. Wala tayong maitatago sa Kanya. Sabihin natin sa Kanya ang lahat—ang ating mga sakit, pagkadismaya, galit, at mga sugat. Dahil ang Diyos lamang ang tunay na makakapaghilom ng mga sugat na nasa ating puso.
Huwag nating hayaang patuloy tayong ikulong at dayain ng kaaway gamit ang mga patibong ng nakaraan at mga sugat na matagal nang pinalaya sa atin ng Diyos. Hayaan nating palayain tayo ng Diyos, at matuto rin tayong patawarin ang ating sarili sa mga sugat na dulot ng ibang tao at sa mga pagkakamaling nagawa natin.
Dahil minsan, hindi tayo makakaalis sa ating nakaraan kung hindi natin pinipiling magpatawad. Hindi tayo makakaranas ng tunay na kalayaan kung hindi natin papayagang maging malaya ang ating puso.
Always remember:
WE ARE FORGIVEN.
WE ARE CHOSEN.
WE ARE LOVED.
WE ARE WORTHY IN THE EYES OF GOD.
Huwag hayaang ang offense, sugat, at pagkadismaya ang maging dahilan para tumigil tayo sa paglilingkod sa Diyos. Guard your heart, surrender your pain, forgive, and allow God to heal you.
Because a healed heart can continue to serve, love, and grow in the presence of God.